Chapter Fourteen

601K 11.8K 2K
                                    

FOURTEEN

This story is not for publishing.

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko at tanging amoy na lang ng katawan niya ang naiwan sa loob ng kwarto. I admit, I'm disappointed for not seeing him this morning. I want to talk to him what happened last night, sa mga sinasabi niya at kung ano nga ba ang tunay na rason niya kung bakit niya ako gustong tumira ulit dito. Last night, we made love again. He kept saying he loves me, as if there's no tomorrow for us. I always had a great feeling when his lips touche mine. Aaminin ko, malaki na ang epekto niya sa akin noon pa man, pero parang mas naging kakaiba ngayon. His touch, his stare, his voice and his kisses. Pakiramdam ko ay mas lalo lamang akong nahuhulog sa kanya na kahit anong pigil ko ay hindi ko magawa.

Pinulot ko ang mga damit kong nagkalat kagabi at kumuha ng panibagong damit at tsaka pumasok sa banyo, I opened the shower and feel the water flowing all over my body. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito, kaba at takot. Kinakabahan ako sa bawat galaw niya, at natatakot ako sa magiging epekto sa akin ng mga ginagawa niya. I sighed, deeply. I need to be strong and ready, I can't read him now. Kakaiba at maingat ang mga kilos niya na parang pinag-aaralang mabuti ang bawat gagawin niya. Kaya kailangan ko rin na maging maingat sa mga galaw ko, ayoko nang masaktan pa. Ayoko na. I am Freen Laurel, I'm strong and I know I'm smart, but not with dealing with him.

"Freen, gising ka na pala. Tara na dito at kumain ka muna." Sumalubong sa akin si Mamita pagkababang pagkababa ko sa hagdan. I smiled when I saw her preparing foods. The last time I saw her doing it was years ago. Gustong gusto niyang pinagluluto kaming dalawa ni Levinn ng pagkain dahil nauubos daw namin. Masarap naman kasi talaga ang luto ni Mamita kaya minsan pinag-aawayan namin ni Levinn ang luto niya kasi nauubos namin. Pero lagi akong nanalo kasi sabi ni Mamita malaki na raw ang katawan ni Levinn at ako raw ay hindi pa.

"Good morning, Mamita." Bati ko sa kanya at tsaka umupo sa isang upuan.

"Uhh, si Levinn po?" Nag-aalangan kong tanong kay Mamita. 

"Si Levinn? Maagang umalis kanina, may dala siyang ilang gamit at nagmamadali. May business trip daw siya pero hindi sinabi kung saan." I sighed.

Tinapos ko lang ang pagkain ko at nagpalit na ng damit pamasok. Wala rin naman kasi akong gagawin dito kaya papasok na lang ako. Nagpaalam lang ako kay Mamita at umalis na. Dinala ko rin ang kotse ko dito dahil ayokong sumabay sa kanya, ayokong magkaroon ng rason para magkasama kami. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin makalimutan kung paano niya ako itrato na para bang isa akong bayarang babae, kung paano niya ginamit ang katawan ko, at kung paano niya sabihin ang mga salitang hindi ko inakalang sa bibig pa niya manggagaling. Huminga ako nang malalim dahil hindi ko naman siya masisisi kung magagawa niya iyon, I left him.

Thirty minutes akong late kaya wala nang masyadong nag-iikot na tao. Dumiretso ako sa office ko. Itinuon ko ang lahat ng pansin ko sa project na ginagawa ko. Malapit lapit na kasi akong matapos at kailangan ko lang ang tulong ng ibang engineer at pati na rin ng mga architect. 

I was suddenly back to reality when I heard knocks in the door.

"Come in." I said. Nagulat ako nang pumasok si Sindy sa office ko. Ano'ng ginagawa niya rito?

"Freen! Hay salamat at nahanap din kita. Kanina pa kasi ako kinikilabutan sa taas." Sabi niya.

"Bakit naman?" Ngayon ko lang napansin na maganda pala 'tong si Sindy at wala pang arte sa sarili.

"Nakakaimbyerna lang naman ang halinghing ng babae ni Sir Levinn!" Inis niyang sabi sa akin. Bigla naman akong natigilan sa ginawa ko. Levinn? I thought he was in a business trip?

"Le—I mean si Sir Levinn?"

"Oo, nandoon na naman kasi iyong babaeng dinaig pa sawa kung makalingkis kay Sir. Tapos ang ingay ingay pa niya, akala naman niya hindi ko rinig ang mga ginagawa nila sa taas." Nakaramdam ako bigla ng paninikip ng dibdib. Ano na naman ba ito? Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinigilan ang emosyon ko.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon