EIGHTEEN
This story is not for publishing.
Naramdaman ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Nakayakap siya sa akin nang mahigpit habang ang mukha naman niya ay nakasiksik sa may leeg ko. Nararamdaman ko ang paghinga niya at naririnig ko ang mahihina niyang paghilik. Dahan dahan akong lumingon sa kanya at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Napakaamo ng mukha niya at hindi ko mapigilan na mamiss ang bawat umaga na gigising ako na siya agad ang makikita ko.
He suddenly open his eyes at hindi ko naialis ang tingin ko sa mukha niya. We stared at each other for a seconds bago ako nag-iwas ng tingin. Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin kaya tumayo na ako.
"Where are you going?" He asked.
"M-Maliligo na ako, hindi ba sabi mo may lakad tayo?" Sabi ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at tumitig lamang siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa pagtitig niyang iyon.
"Sige, lalabas na ako." Sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto niya. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon naligo. After one hour, nakapag-ayos na ako. Simpleng jeans at fitted t-shirt lang ang isinuot ko at flats. Lumabas na ako dala ang bag na naglalaman ng konting gamit ko.
Bumaba na ako at naabutan ko si Mamita na naghahanda ng breakfast.
"Good morning Mamita!" Bati ko sa kanya at ngumiti ng maluwag. Tinignan niya lang ako ng parang sinusuri ako.
"Mamita?" I said. Umupo ako sa tapat ng lamesa.
"Ikaw na bata ka, nakita kitang lumabas sa kwarto ni Levinn. Ano'ng ginawa n'y roon? Gagawa na ba kayo ng apo ko?"
"Mamita!" Suway ko sa kanya. Baka kasi biglang bumaba si Levinn at marinig ang sinasabi ni Mamita.
"Aba, bakit? Masama na ba magtanong? Sa tingin mo ba, ano ang iisipin ko kung makita kitang lumabas sa kwarto ng asawa mo?" Napahagikgik si Mamita sa sinabi niya.
"Wala kaming ginagawa Mamita. He just asked me last night if I could sleep with him. Iyon lang 'yon Mamita."
"Asus, 'yang asawa mo pakipot! Kunwari pang masungit, bibigay rin naman pala." Ngumiti lang ako sa kanya.
"Matanong nga kita Freen, kailan niyo ba ako balak bigyan ng apo? Miski si Selene at Alberto gustong gusto ng magkaapo." Inilapag ni Mamita ang ham, egg, at hotdog sa lamesa.
Kailan nga ba? Kailan ko nga ba mararanasan ang magkaroon ng pamilya? Kung hindi ba ako umalis may anak na kami? Na nakikita ko siya ngayon na tumatakbo at hinahabol ng Daddy niya? Na nagmamaktol dahil hindi ko binilhan ng laruan? Na maglalambing kapag may kailangan? I sighed. I want to have a happy family.
"O hijo, kumain ka na rin. Sabayan mo na si Freen. Malayo pa ang pupuntahan nyo." Napalingon naman ako sa likod ko. I saw Levinn standing and looking at me. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil kahit simpleng fitted white v-neck shirt at maong na pants ay bagay na bagay sa kanya. I looked at him, nakaayos ang buhok niya na parang aattend ng JS Prom, at amoy na amoy ko ang pabango niya. May instinct kasi ako na parang nagpapagwapo siya? O sadyang gwapo na talaga siya?
Mas lumapit siya sa akin and to my surprise umupo siya sa tabi ko. Hindi niya ako pinansin, kumuha lang siya ng ham, hotdog and bread. Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Walang nagsasalita sa amin at pinakikiramdaman ko lang siya.
"Pupunta tayo sa rancho." Napalingon ako sa kanya. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sa rancho nila kami pupunta at kinakabahan ako dahil ngayon ko na lang ulit sila makikita. Sina Lolo Gabriel, Tita Selene at Tito Albert at mga siraulo niyang pinsan.
![](https://img.wattpad.com/cover/12141061-288-k480767.jpg)
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomancePast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1