THIRTY TWO
This story is not for publishing.
Pasimple akong tumingin sa kanya na kanina pa tahimik at hindi umiimik. Hindi ko rin siya makausap dahil wala naman akong sasabihin sa kanya. Ilang oras lang ay nasa Manila na kami, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita na niya ang kambal at hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ng kambal ko kapag nakita na nila ang daddy nila. Biglaan ang uwi namin ngayon dahil nakapagdesisyon na akong ipaalam sa kanya ang lahat.
"Matulog ka muna at mahaba pa ang biyahe natin, dalawang oras pa." Sabi ko para mabasag ang nakabibinging katahimikan.
Hindi niya ako pinansin, hindi siya nagsalita bagkus ay tumingin lang siya sa salamin at parang inaalala ang lahat. Pinagpatuloy ko na lang ang pagmamaneho ko ng sasakyan.
"Levinn." Hinawakan ko siya sa braso bago pa siya makapasok sa kwarto niya. Tumigil naman siya pero hindi siya humarap sa akin.
"I—Isasama kita bukas, we're going back in Manila." Nanghihina kong sabi. Unti unti siyang humarap sa akin kaya nabitawan ko ang braso niya.
"Para saan pa Freen? Kung masasaktan lang naman din ako sa pag-uwi ko sa Manila, hindi na siguro. Nabuhay ako ng mag-isa sa loob ng walong taon Freen at kakayanin ko pang mabuhay ng maraming taon, pero sa pagkakataong ito. Wala na yung pag-asa kong makasama kang muli. Wala na yung hiniling ko sa panginoon na ibigay ka niya ulit sa akin. Para na lang akong bangkay na nabubuhay sa mundong 'to." Pinipigilan ko ulit ang pagpatak ng luha ko.
"Levinn please, sumama ka na sa akin sa Manila."
"Para saan pa nga Freen?! Sumagot ka?! Para ba ipamukha sa akin na wala na akong papel sa buhay mo? Para ba—"
"Oo! Siguro wala ka nang papel sa buhay ko, dahil matagal na kitang kinalimutan. Matagal ko ng itinatak sa isip ko na hindi na ulit ako masasaktan nang dahil sa'yo! Nasaktan ako ng pinili mo siya kesa sa akin. Sobrang sakit na tanging 'sorry' lang ang natanggap ko bago mo ako iwan nang dahil sa kanya. Ang sakit, pero tinanggap ko. Dahil wala na naman akong magagawa kung siya ang piliin mo, dahil sa kanya ka nagkaanak at hindi ko kayang ibigay sa'yo ang ganoon. Ang sakit Levinn, sobrang sakit na sana ay pinatay mo na lang ako para hindi ko na maranasan at maramdaman ang sakit na dulot mo. At gusto kong malaman mo na mayroong naghihintay sa'yo sa Manila at matagal ka nang gustong makita at matagal ka nilang gustong makilala. Kahit iyon lang sana Levinn mapagbigyan mo ako, kahit 'yon lang." Hindi ko napigilan ang mapaiyak at lalong hindi ko mapiglan ang hinagpis ko.
"Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan at nasasaktan? Hindi Levinn, hindi lang ikaw ang nasaktan dahil mas nasaktan ako sa ginawa mo! Sa ginawa mong pag-iwan sa akin. Masakit dahil akala ko ako yung mahal mo. Oo! Tawagin mo na akong immature, pero naniwala ako at sinabi ko sa sarili ko na ako ang pipiliin mo. Pero mali pala ang akala ko, kahit hindi pa nalabas ang bata sa sinapupunan niya, siya na ang pinili mo. Paano pa kaya kung makita mo na ang bata? Ano na lang ako? Uwian mo? Past time mo? Ano? Kaya mas pinili ko na lang umalis kahit masakit, dahil baka mas masakit lang ang matanggap ko kung sakaling hindi ako umalis. Hindi madali ang desisyon kong iyon dahil mahal kita....mahal na mahal." Doon na bumuhos ng tuluyan ang luha ko. Gusto kong sumigaw at ipamukha sa kanya na hindi lang 'yon ang naranasan ko. Gusto kong isigaw at isampal sa pagmumukha niya na mas nasaktan ako kesa sa kanya.
"If that's what you want. Sasama ako pabalik sa'yo ng Manila." At tumalikod na siya at ibinagsak ng malakas ang pinto. Nakarinig ako ng ilang pagkabasag at lagabog sa loob. Napaupo lang ako at niyakap ang sarili ko. Tama na, huli na 'to. Huling beses na akong iiyak ng dahil sa sakit na dulot niya.
Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Malapit na kami sa exclusive village kung saan kami nakatira. Tahimik lang siya at wala pa ring kibo. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kambal na siya ang daddy nila at hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Levinn na may anak na siya at hindi lang isa kung hindi dalawa pa.
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomansaPast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1