Epilogue

722K 15.6K 3K
                                    

EPILOGUE

This story is not for publishing.

Eight years later.

"This is the last time boys. This is the last time." Pinipigilan ko ang galit ko. Ayokong magwala sa harap nila, ayokong sigawan sila. Ayokong uminit ang ulo ko at lalong ayokong makapagbitiw ng salita na hindi nila magugustuhan. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko pero dahil galit ang nangingibabaw sa dibdib ko.

"Hindi n'yo alam kung paano n'yo ako pinag-aalala. Six hours! Six hours akong nag-aalala sa inyo. Six hours akong hanap nang hanap sa inyo at hindi ko man lang alam kung saang lupalop kayo hahanapin! Hindi n'yo ba naisip na mag-aalala ako? Hindi n'yo ba naisip na pwede kong ikamatay kung may nangyaring masama sa inyo? At hindi n'yo ba naisip kung ano ang mararamdaman ko kung sakaling mawala kayo sa akin? Ginagawa ko ang lahat para sa inyo pero kayo 'tong bulakbol ng bulakbol. Mahal na mahal ko kayo at sana naman naisip n'yo ang mararamdaman ko sa ginawa n'yo!" Napahawak ako sa sentido ko at marahang pinisil iyon. Aatakihin talaga ako ng high blood sa kakulitan ng mga 'to. Tinignan ko ulit sila at tahimik lang silang mga nakatungo.  

"Mom, ang wrinkles nalabas." Aivan said.

"Shut up Aivan! Hindi ko sinabing magsalita ka. Huwag n'yo akong subukan at malilintikan talaga kayo sa akin!" I said, angrily. Dumapo naman ang mga mata ko sa kanya at nag-iwas siya ng tingin ng maramdaman niyang tinitignan ko siya ng masama.

"Mom, nagkataon lang naman na empty bat na yung phone ko. Naiwan naman ni Kuya yung sa kanya kaya hindi mo siya ma-contact." Paliwanag ni Aivan.

"I don't care about your explanations! Kung gusto may paraan, pero wala eh. Nagbulakbol kayo habang ako alalang-alala sa inyo at sinama niyo pa ang makulit na batang 'to!" I looked at my son, Francisco. He is seven years old.

"Mommy, we are big boys na kaya! Kuya Axcel told me that I am a big na. He said we were going to find chika babes mommy! I am very excited na mommy magkaroon ng chika babes!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng anak ko. Agad akong napatingin sa kambal ko at nag-iwas sila ng tingin lalo na si Axcel.

"Axcel." It's my warning tone.

"Mom, we are just having fun. I'm just joking when I told him that." Paliwanag niya.

"Masisiraan na talaga ako ng bait sa inyo! Hindi ko na alam ang gagawin kong pagpapatino sa inyo!" Bakit ba kasi hindi man lang ako biniyayaan ng babaeng anak at tatlong barako ang ibinigay sa akin at makukulit pa!

"Mommy, sorry na. Promise, mag iisleep agad ako." Niyakap naman ako ng bunso ko sa binti at tumingala sa akin. He gave me a sweet smile. Binuhat ko naman siya.

"Mag study na ako mommy ng mabuti. Huwag ka na magalit." Sabi niya pa sabay kiss sa akin. Ito ang kahinaan ko, alam nila 'yon. Kapag sabay sabay nila akong pinauulanan ng halik sa iba't ibang parte ng mukha ko.

"Ang galing talaga ni bunso, well trained." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ni Aivan.

"Anong well trained?" Tanong ko.

"Ah—hehe. Wala mommy." I just narrowed my eyes at him.

"Hindi pa ako tapos. May isa pala akong nakalimutan." Sabi ko. Ibinaba ko ang anak ko at umupo katabi ng mga kuya niya.

"Sino ang pasimuno ng lahat ng ito." Simple kong tanong. I crossed my arms in my chest.

Awtomatikong napatingin sila sa iisang lalaki. Their dad.

"Kaya naman pala. Ikaw na naman ang may pasimuno ng lahat 'to." I raised my eyebrow and I gave him my deadliest glare. Kahit kaylan talaga Montemayor!

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon