SIX
This story is not for publishing.
"Is there any problem?" I looked at him. He look pale, at parang may sakit. Gulo-gulo rin ang kanyang buhok tanda na galing siya sa pagtulog. Dito kasi siya nagpalipas ng gabi at bigla na lamang siyang bumangon kaya kahit ako ay nagising din.
He just shook his head. He seems uneasy and I know there's something wrong with him.
"You are not okay. Tell me, what's bothering you?" He didn't answer my question instead he just hugged me. He rest his head in my shoulder.
"I have a nightmare." Mahina niyang sabi. Niyakap ko naman siya at pilit na pinakalma. Ayokong nakikita siyang ganito dahil kahit ako ay nahihirapan para sa kanya.
"Tell me, what is it?" Tanong ko sa kanya.
"You left me." Mahina at halos pabulong na niyang sabi sa akin. Natigilan ako sa sinabi niyang iyon.
"Ikaw talaga kung anu-ano na lang ang pinag-iisip. Hindi naman kita iiwan, ano ka ba. Love na love kaya kita kahit na makulit at manyak ka. Pakiss nga sa baby boy ko." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Sabi mo iyan ha." Sagot niya at tsaka mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Naglalambing na naman ang baby ko, iyong totoo?" Ngumiti ako sa kanya. Hating gabi na lahat-lahat, naglalambing pa rin.
"Ala-una na ng madaling araw, pero naglalambing ka pa? Matulog ka na ulit, hindi ako aalis at babantayan kita." Bulong ko sa kanya.
"Sa tabi ko lang ikaw ha, dito ka lang." Paulit-ulit niyang sabi hanggang sa makatulugan na niya iyon.
I smiled and pinched his cheek. "Opo, matulog ka na." Bulong ko sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap dahil mas lalo ko lamang narealize na napakaswerte ko para mahalin ako ng isang tulad niya. Maswerte ako dahil mahal niya ko at mahal na mahal ko siya.
I'm so blessed to have a Montemayor in my life. Napakaswerte ko dahil mahal na mahal niya ako. I felt his warm breathe and it feels so good. Paano pa kaya kung mag-kaanak kami? Madadagdagan na naman ng isang Montemayor ang buhay ko at mas lalo akong magiging masaya.
Kinabukasan, nauna akong nagising sa kanya. Wala kaming pasok ngayon. Pareho kasi kami ng schedule dahil napaka-possesive ng Montemayor ko, kahit na business ang course niya at ako naman ay Engineering, marami pa rin kaming time sa isa't isa.
I cooked our breakfast. Gusto niya kasi ako ang nagluluto ng kakainin niya kahit na prito lang 'yon. Narinig kong bumukas ang kwarto ko. I looked at him, gulo-gulo ang buhok at parang batang nagkukusot pa ng mata.
"Good morning Montemayor!" Ngumiti ako nang bongga sa kanya. Hindi naman siya sumagot at nakangusong lumapit lamang sa akin.
"I thought you left." Lumapit siya sa akin at mahigpit na naman akong niyakap sa likod.
Humarap naman ako sa kanya na mayroong ngiti pa rin sa mga labi. "Mga paandar mo, Montemayor. Paamoy nga kung mabango." Sabi ko sa kanya at tsaka ko itinaas ang braso niya at inamoy ang kili-kili niya.
"Sweetheart..." Nakanguso niyang sabi.
"Ito naman, inamoy lang ang sungit agad." Pinagpatuloy ko ang pagluluto ko habang siya ay nakayakap pa rin sa akin. Naramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko at nakaramdam ako ng kiliti.
"Levinn ha, tigilan mo iyan at mawawalan tayo ng kakain ngayong umaga." Suway ko sa kanya. Tumigil naman siya sa ginagawa niya at nakuntento na lang sa panonood sa akin na magluto.
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomancePast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1