Chapter Nine

603K 12.3K 865
                                    

NINE

This story is not for publishing.

"Ang cute naman ng batang iyon." Sabi ko kay Levinn habang nakatingin sa isang freshman na chinito.

"Sus." Iyan lang yung sinagot niya. Kanina pa nga magkasalubong yung kilay niya eh. Ang dami kasing freshman na gwapo ngayon.

"Bakit na naman ba? Sinabihan lang ng cute ang isang lalaki, nagagalit na." 

"Pakealam ko 'don? Ikabubuhay ko ba 'yon?" Masungit niyang sabi sa akin. Nakaakbay siya sa akin at ako naman kumakain. Nakatingin lang siya sa kung saan habang magkasalubong ang mga kilay. Kanina pa ata siya naiinis sa akin.

 "Montemayor, halos gawin mo na akong asawa, nagseselos ka pa rin? Grabe ha."

 "Ewan ko sa'yo." Masungit niyang sabi. Graduating na kami next three months at running for Summa Cum Laude ang mokong. Ako naman, hindi ko alam kung gagraduate ako ng may latin honor pero nilalakad ko pa iyon. Kukuha muna ako ng board exam at siya naman ay didiretso sa Montemayor Empire. 

"Ano ba kasi talaga ang problema?" Tanong ko sa kanya.

 "Bakit pa kasi kailangan mong mag-aral ulit, pwede namang magpakasal na lang tayo at may pera na naman ako!" Bigla niyang sabi. 

 "Levinn naman, napag-usapan na natin ito hindi ba?" 

 "Magpakasal na lang kasi tayo, kaya naman kitang buhayin na!" Sabi pa niya. 

"Teka nga Montemayor, kanina pa nabibingi ang tenga ko sa kakasigaw mo!"

 "Ikaw kasi eh, kailangan pang mag-aral ulit kung pwede namang magpakasal na lang tayo at bubuntisin kita para aalagaan mo na lang yung magiging baby natin."  

"Montemayor, nag-aral po ako ng Civil Engineering hindi para magpabuntis agad sa'yo, kung hindi para magkaroon ng pangalan ang Freen Laurel maganda sa industriyang ito!" Sabi ko sa kanya sabay kurot sa tungki ng ilong niya. Tanghaling tapat hina-highblood ang boyfriend ko.

"Kasi naman.." He said. This time nakatingin na siya sa akin na parang nagsusumamo.

"Montemayor, hindi naman ako mawawala sa tabi mo. I'm still here for you, for your work. Susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo, and I can marry you kahit na nag-aaral pa ako. Alam mong mahal na mahal kita at handa akong samahan ka hanggang sa huli." I smiled at him and pinched his rosy cheeks.

"Pwede kang magbuntis?" Tanong niya.

"Siyempre pwede, pero masyado pa akong bata para magbuntis. Tsaka bakit ba iyan agad ang iniisip mo." I said.

"Sige na, pero may sexy moments pa rin tayo?" Namula naman ako sa tanong niya kaya hinampas ko siya. Siraulo talaga!

 "Ikaw nga tumigil tigil ka diyan." Sabi ko sa kanya.

"Kasi naman.."

"It's okay. Nasa apartment lang ako tuwing kailangan mo ako. You can go there kahit kaylan."

"Pwede parin akong matulog sa kama mo?" Tanong niya.

"Montemayor, bakit ang dami mong tanong?"

"Basta, pero pwede parin akong matulog sa tabi mo?" Tanong niya.

"Pwede, basta matutulog lang?" I laughed when his face turned to into poker face.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon