Chapter Twenty Seven

509K 10.4K 590
                                    

TWENTY SEVEN

Dumaan ang ilang lingo. The project between Montemayor Empire and to my company was successful. Naging madali ang lahat dahil CEO mismo ang nakausap ko at kilala ko pa 'yon. Nasolusyunan agad ang naging problema ko sa LCM, I couldn't believe na Montemayor Empire pa ang makakasagot ng problema ko.

I looked at my phone and scanned the messages in my inbox. Tinignan ko ulit ang address na tinext sa akin ni Arthur, papunta ako ngayon sa kanila. Pinakiusapan ko rin si Arthur na huwag munang sabihin sa kanila na mayroon na akong koneksyon sa kanya. Paghahandaan ko ang lahat at hindi na ako magpapadalos dalos sa mga desisyon ko. Hindi ko muna ipinaalam sa kanila ang kambal, there's a right time for it.

Nakarating ako nang maayos sa exclusive village kung saan nakatira sina Arthur. Nag-promise ako sa kanya na dadalaw ako sa kanila pagkatapos ng deal between our companies. The guard asked me kung sino ang sadya ko roon, nang sabihin kong si Arthur ang sadya ko ay agad siyang may tinawagan. Nang ma-notify niya ang kanyang tinawagan ay pinapasok na niya ako. Mahigpit ang seguridad at halatang mayayaman ang nakatira sa exclusive village na iyon, batay na rin sa naglalakihang bagay na nadadaanan ko.

Tumambad sa akin ang isang napakaganda at napakalaking bahay pagkaparada ko sa harap ng mataas na gate. I texted Arthur para sabihing narito na ako. Wala pang ilang minuto ay bumukas ang gate kaya ipinasok ko ang sasakyang dala ko. Mas lalo akong napamangha nang makita ko ang kabuuan ng bahay. It's really beautiful and there's a renaissance style there.

"Freen!" Sumalubong sa akin si Arthur. I smiled to him and hugged him. Napatingin naman ako sa kanya, tanging board short lang ang suot niya at wala siyang suot na pang-itaas.

"Aba, bakit wala kang suot na damit pang-itaas?" Tanong ko sa kanya.

"Mainit tsaka naglalaro kami ng anak ko." Paliwanag niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Daddy!" Bigla namang may sumulpot na gwapong bata sa likod niya at nagtatatakbo papalapit sa amin. Binuhat niya ito.

"This is my baby boy. He's Alexander." Ngumiti naman ako sa gwapong bata na nasa harap ko.

"Hi, how are you?" I said.

"Dad, you should hide now. You brought a very beautiful lady here!" Napakunot naman ang noo ko.

"It's okay, mommy won't mind her. She's a friend of mine."

"No. Mommy will be jealous about it!" Nakuha ko naman ang gustong sabihin ng anak ni Xander. So selosa na pala ngayon si Sindy?

"Come on! Let's get insinde." Tumango naman ako. Natutuwa ako kapag nakikita ko si Arthur at ang anak niya nag nag-uusap. Para lang silang magkaibigan at parang matanda kung makipag-usap si Xander sa daddy niya. Ganoon din kaya si Levinn kung sakaling kausap niya ang mga anak niya? I sighed. I didn't even gave him a chance.

Mas lalo akong namangha ng makapasok ako sa loob. Doon ko mas nakita ang renaissance style ng bahay. The paintings, the vase and everything.

"Daddy, I don't want to see mommy again. She always pinched my cheeks." His son said.

"Hayaan mo lang ang mommy mo, ganoon talaga kapag—" Naputol ang sasabihin ni Arthur nang may magsalita sa likod ko.

"Kaya pala wala kayo sa taas? Nandito kayo at nagtatago? Pinagtataguan n'yo na ako ngayon?" Narinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko. I could see their face turned to pale nang marinig ang boses ni Sindy. Hindi muna ako humarap, I want to surprise her.

"At sino siya? Huwag mong sabihing kliyente mo siya? At siya pa ang pumunta dito. Baka gusto mong tadyakan kita palabas ng bahay Arthur! Magsabi ka ng totoo kung hindi sasakalin kita!" Sunod sunod na sabi ni Sindy kay Arthur.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon