Chapter Sixteen

546K 11.1K 1.4K
                                    

SIXTEEN

This story is not for publishing.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay namin nang ligtas. Basta ang alam ko lang nasaktan ko na naman siya. Buong biyahe ako umiiyak, na kahit na nanlalabo ang paningin ko, pinilit ko pa rin ang makarating sa bahay nang maayos.

"Freen." Sumalubong sa akin si Mamita pagkapasok ko sa bahay. Pinilit  kong mag mukhang maayos kahit na halatang kakagaling ko lang sa pag-iyak. Bakas sa mukha ni Mamita ang kalungkutan at pag-aalala.

"Nasa taas siya, mag-usap kayo." Hindi na ako nagulat nang sabihin niya iyon.

"Lakad na Freen, mag-usap kayo. Alam kong may problema na naman sa inyo. Dumating siya rito kanina at hindi maganda ang timpla ni Levinn." Ngumiti lang ako ng pilit kay Mamita at umakyat na sa taas.

Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa kwarto niya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at wala akong marinig na kahit anong ingay. Nadatnan ko ang mga basag na bote sa gilid, at mga basyo ng alak. I looked at him who is now sleeping peacefully. Wala na siyang pang-itaas pero may pantalon pa siyang suot. I don't know what happened to his room pero isa lang ang masasabi ko, he's miserable. Basag ang mga vase, nagkalat ang mga basyo ng alak, at mga picture frames, lahat magulo. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya. I touch his face, ang maamo  niyang mukha. I stared at him for a moment. Hindi muna ako umuwi agad kanina, nagpalipas muna ako ng ilang oras bago umuwi. Gusto ko siyang makausap pero alam kong galit siya sa akin. I want to clear everything. Alam kong mayroon siyang karapatan para malaman ang lahat.

Lumabas ulit ako ng kwarto niya at pumunta sa guest room para magpalit ng damit. Kumuha na rin ako ng panlinis para malinis ang kwarto niya, ayokong magising siya na ganoon pa rin iyon. Mahimbing pa rin ang tulog niya pagpasok ko sa kwarto niya, marahil ay dala ng alak na mga ininom niya. Inayos ko ang mga picture frames na nagbagsakan. Hindi ko alam ang irereact ko nang makita ko ang mga picture na nagkalat sa sahig. It's our wedding picture, nandoon din ang mga picture namin nung college at mga certain events. Hindi niya tinanggal iyon. Inilagay ko sa bagong frame ang mga pictures at dinisplay ng maayos sa lamesa. Nilinis ko ang buong kwarto niya na dating kwarto namin. Binuksan ko rin ang aircon na hindi na niya nabuksan. When I finished cleaning his room. Lumapit ako sa kanya para kumutan siya. Pinakatitigan ko siya nang matagal at para bang kinakabisado ko ang mukha niya. Mapait akong napangiti at tsaka tumalikod para lumabas na ng kwarto niya, pero bigla akong napatigil nang marinig ko ang boses niya sa may likuran.

"What are you doing here?" Nakaramdam ako ng kaba nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko magawang humarap sa kanya dahil sa kabang nararamdaman ko at sa mga sinabi niya kanina sa akin. Dahan dahan akong humarap kahit na kinakabahan pa ako.

"N-Nilinis ko lang iyong kwarto mo." Sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko at pinakatitigan niya lamang ako.

"A-Ano, s-sorry kung naistorbo ko ang tulog mo." Yumuko ako, dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.

"L-Lalabas na ako, pagpatuloy mo na ang pagtulog mo, sige." Tumalikod na ulit ako sa kanya at lumabas ng kwarto niya. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at napasandal ako pagkasarang pagkasara ko ng pinto. Nararamdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko at ang bilis ng paghinga ko. Nang makarecover na ako, huminga ulit ako ng malalim bago lumabas. Nabigla ako nang pagbukas ko ng pinto ay siya ang tumambad sa harap ko.

"L-Levinn." I managed to say his name but I stammered.

He suddenly grab my wrist and take me to his room. He closed the door and lock it. Binitiwan niya ako at biglang humarap sa akin. 

"I thought you left." He said while looking at my eyes. Napayuko na lang ako at hindi nakasagot sa sinabi niya.

Ilang minuto akong tahimik at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong hapitin papalait sa kanya.

"L-Levinn." I stammered while looking at him. Amoy na amoy ko ang alak sa katawan niya at pakiramdam ko ay nilalason ako noon.

"Why?" He asked huskily.

"W-Why?" I asked.

"Why are you still here? Why?" He asked.

"I-I.." I don't know what I am going to say. Kinakabahan ako at natatakot sa baka kung ano ang sabihin ko at masaktan na naman siya at ako.

"Answer me." He said calmly. Nauubusan na ako ng hininga dahil sa kaba at bilis ng pintig ng puso ko.

"I-I cancel my resignation letter." Iyon lang at napayuko ako. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. 

Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. He just looked at me too at tumalikod na sa akin. Dumiretso siya sa banyo at isinara iyon. I sighed.

Lumabas ako sa kwarto niya at dumiretso sa baba. Naabutan ko si Mamita na nagluluto. Hapon na pala, at nakalimutan kong kumain. Kaya bigla akong nakaramdam ng gutom ng maamoy ko ang adobong manok na niluluto niya.

"O Freen, kumain ka na dito." Ngumiti lang ako ng tipid kay Mamita at umupo na sa tapat ng lamesa. Kanin at adobong manok ang inihanda niya sa harap ko. Agad akong kumain dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom. Nalarinig ako ng mga yabag kaya napatingin ako sa taong may ari noon. It was Levinn.

"O hijo, sabayan mo na si Freen at kumain ka na rin." Sabi ni Mamita at naghanda pa ng isang plato. Iniwas ko ang tingin ko ng mapatingin ako sa kanya, dahil nakatitig siya sa akin. Umupo siya sa harap ko. Itinuon ko ang pansin ko sa pagkain pero nararamdaman ko paring nakatitig siya sa akin.

"M-Mamita tapos na po ako." Sabi ko kay Mamita at tumayo na ako.

"Kakaupo mo lang ah?"

"Busog na po ako. Salamat po sa pagkain." Nagdala lang ako ng isang basong tubig at dumiretso sa labas. Nakita ko ang malaking swimming pool kaya doon ako dumiretso. Medyo madilim na sa labas dahil mag-gagabi na. Kung hindi pa ako siguro aalis doon ay baka hindi ko kayanin na titigan niya lang ako ng ganoon. I looked around, this place. The swimming pool which I designed, wala pa kasing pool dito nang lumipat kami kaya naisipan kong palagyan. Marami kaming memories dito at marami kaming kababalaghang ginawa dito. Umupo ako sa gilid ng pool at inilublob ang mga paa ko. The water is cold at masarap iyon sa pakiramdam. I remembered again when I saw him crying. The last time I saw him crying was because of me too. The night I left. 

"Are you avoiding me?" Napalingon ako bigla sa nagsalita. Bigla na naman akong kinabahan.

"I just want to give you space." I said. Bigla siyang tumabi sa akin at inilublob din ang mga paa sa pool. I can smell the soap he used.

"What space?"

"To think."

"Think of what?"

"W-What you've said a while ago." Bigla siyang napatahimik. Hindi siya kumibo pero agad din naman siyang nagsalita.

"It was true." Bigla akong napatingin sa kanya.

"What I've said are true." I looked at him and he stared back, those eyes, those beautiful eyes he has. I wasn't shocked when he suddenly kissed me and I answered without any hesitations.

****

This story is not for publishing. 


My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon