Chapter Thirty Five

615K 11.4K 811
                                    

THIRTY FIVE 

This story is not for publishing. 

"Mommy?" Bigla kong naitulak si Levinn nang marinig ko ang boses ng anak ko. It's Axcel. Sana ay hindi niya nakita ang ginagawa namin ni Levinn. We are both engrossed to each others lips at hindi na namin napansin kung may iba pang tao sa paligid namin. Sana lang talaga ay hindi niya kami nakita dahil tiyak na magtatanong siya bukas kung bakit kami naghahalikan ng ama niya.

Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap niya para mapantayan ang height niya. He looks so scared, pawisan kasi ang mukha niya. Marahan kong hinawi ang bagsak niyang buhok na humaharang sa mukha niya.

"Mommy, I had a bad dream." He said. He slowly put his arms around my neck. He even buried his face in my shoulder na para bang takot na takot na iwan ko siya.

"It is just a bad dream baby, bad dream only. It wasn't true, it's just a dream. I'm here, I'm going to protect you." I said as I caressed his back.

"Mommy, you won't leave me right? You won't?" He asked. He tighthen his hug so I did. I carry him and let him rest in my arms.

Bigla akong napaharap kay Levinn. Nakatingin siya sa amin na parang may tuwa sa mga mata niya. Na para bang tuwang tuwa sa nasaksihan niya. He smiled not showing his teeth.

"I could really see myself to him." He smiled. Lumapit ako sa kinaroroonan niya habang buhat buhat si Axcel. Ramdam ko na nakatulog na ang anak ko kaya marahan kong hinahagod ang likod niya para maging komportable siya.

"You are his father right?" I smiled.

"I am." Simple niyang sagot. Bigla akong nagulat ng tumayo siya at niyakap kami ng anak niya mula sa likod.

"L—Levinn."

"Let me hug you. Gusto kong maranasan ang mayakap ang mag-ina ko. Gusto kong maramdaman nila na nandito na ako, bilang asawa at ama sa kanila. I want them to feel what I feel. Mahabang panahon akong nawala at gusto kong bawiin ang lahat ng iyon. Gusto kong ialay sa inyo ang natitira ko pang panahon sa mundong ito. I want to father them, raised them and love them like you did. Gusto ko ako ang magtuturo sa kanila ng mga bagay na hindi pa nila alam. They are my kids, and I'm proud of it." Hindi ako nakapagsalita sa mga sinasabi niya. Naaalarma ako dahil nararamdaman ko ang init na dala ng katawan niya. Manipis lang ang suot ko kaya damang dama ko ang katigasan ng katawan niya, ang init na dulot nito at ang pakiramdam na nakayakap sa'yo ang isa sa mga taong importante sa'yo.

"They are my kids, they are. Sila ang bunga ng pagmamahal ko sa'yo Freen. Gusto kong malaman ng lahat na anak ko sila, na may pamilya na ako. Na may anak na ako at dalawa pa, gusto kong malaman nila na ikaw ang ina ng mga anak ko, na ikaw ang nagpalaki sa kanila sa mga panahong wala ako dahil sa pagiging gago ako. I'm a jerk before, and I won't let that happen again. Because right now, I feel so complete, because of you and because of my kids." Nararamdam ko ang pagbagsak ng luha ko. Masaya ako dahil kahit na ipinagkait ko sa kanya ang mga anak ko. Natanggap niya ako, hindi siya nagalit, hindi niya ako nagawang sisihin na hindi niya agad nakilala ang mga anak niya.

"You know what? Akala ko wala na akong babalikan dito, akala ko uuwi lang ako dito para sa wala. And I never expect this. When I saw Aivan, my world suddenly stopped. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako. I felt so complete. Dahil ramdam ko na galing siya sa akin, na akin siya, na anak ko siya. When I touch him, I feel so full. I feel so complete, pero hindi pa pala. Dahil nang makita ko si Axcel. Doon ako mas naliwanagan, doon ako mas naging buo. Masaya ako, masayang masaya dahil mayroon na akong anak at sa babaeng mahal ko pa. I admit, kahit hindi na ako magkaanak basta makasama ka lang ayos na. Mabubuhay na ako, but when I saw them. I said to myself that no matter what happen, mabubuhay ako." Hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak. Hindi ko napigilan ang sarili ko na umagos ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang bumagsak.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon