SEVENTEEN
This story is not for publishing.
Marahan ko siyang itinulak nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. Hindi ko alam at wala akong ideya sa takbo ng isip niya ngayon at hindi ko rin alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya.
"Am I a bad kisser?" Mahina niyang tanong. Pakiramdam ko naman ay namula ang buong mukha ko sa sinabi niya.
"H--Hindi, nabigla lang ako." Halos pabulong ko ng sagot. Hindi naman siya nagsalita at tumitig lamang siya sa kawalan at ganoon din ako. Ilang minutong walang nagsalita sa pagitan naming dalawa hanggang sa hindi na niya natiis at binasag niya ang nakabibinging katahimikan.
"I was miserable the moment you left." He said in a low voice. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil naramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit na naramdaman ko na noon.
"I don't know what I am going to do with my life, how I will continue my life without you. Hindi ako kumakain at alak lang ang laman ng tiyan ko. I was even sent to hospital because of ulcer and fatigue and I almost died in pain. You know what? Hiniling ko na sana mamatay na lang ako o kunin na lang niya ako dahil wala ka na sa buhay ko. Nang lumabas ako sa hospital, puro alak pa rin ang kasama ko. Laman ako ng bar, and I even cheated on you. I asked myself kung nagtaksil nga ba ako sa'yo kung ikaw naman ang nang iwan. Every night, I shared my bed with different women. Iba-ibang babae, pero mukha mo ang nakikita ko sa kanila. Hinintay kitang bumalik sa akin, hinintay kitang sabihin mong nagbibiro ka lang sa mga sinabi mo noon. Hinintay kita Freen, at ako naman 'tong naghintay sa wala. Until one time I tried to suicide, I am that stupid because of you. Naisugod agad ako nina Mommy, kaya nakaligtas ako. But when I woke up, ikaw agad ang hinanap ko. Nagbabakasakaling babalikan mo ako." Hindi ko napigilang hindi maiyak.
Pakiramdam ko, unti-unti akong winawasak sa mga sinasabi niya. Pinigilan ko ang sarili ko noon na tumakbo sa kanya dahil alam kong masasaktan ko na namang siya. Pinigilan ko ang sarili ko kahit na gustong-gusto kong makita siya.
"Noong arwa na iyon, nagising din ako na wala ka na talaga. I woke up that I needed to live without you, I needed to continue my life without you, I needed to be strong kahit na ikaw ang lakas ko, na kailangan kong panindigan ang pagiging Montemayor ko. I focused myself in the company, na halos hindi na ako umuuwi dahil sa pagtatrabaho. I wanted you to know na kaya kong mabuhay ng wala ka. But you know what is the worst part of my story?" I saw tears fell down in his cheeks.
"When I saw you, nawala lahat ng pinaghirapan ko. Nawala yung inipon kong lakas dahil nakita ulit kita. I failed, I didn't make it. I still love you." Seryoso niyang sabi sa akin. Hindi ako nakasagot at nakagalaw sa sinabi niya at ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.
Bigla siyang tumayo at tumalikod na sa akin pero bago siya umalis ay muli siyang nagsalita. "Pack some of your things, we will leave tomorrow."
Ganoon na ba ako kasama? Na hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya kapag iniwan siya?
Hindi ko napigilan ang tumawa habang nakatingin sa kanya. Sambaktol na naman kasi ang mukha niya at kanina pa siya asar na asar sa akin.
"Tumigil ka nga sa pagtawa!" Naaasar niyang sigaw sa akin.
Napatitig naman ako sa kanya at tanging boxer shorts lamang ang suot niya at malaya kong nakikita ang katawan niyang nakakalaway naman talaga.
"Ano ba!" Inis niyang sigaw nang makita niya akong nakatingin sa kanya habang nagpipigil ng tawa.
"Bakit ka ba nagagalit? Ang sexy mo kaya oh! Tignan mo iyang abs mo tapos yung butt mo rito sa picture ang kinis! Dinaig pa ang mukha ko!" Nakangiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomansaPast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1