THIRTY NINE
This story is not for publishing.
"F—Freen." Hindi makapaniwala si Levinn sa nakikita niya ngayon. Maraming taon na ang nakalipas at sigurado akong nabigla siya na naririto kami.
"Mommy it's big!" Masiglang sabi ni Aivan ng matanaw ang tinatahak namin.
Tinignan ko si Levinn na nakatulala ngayon. Tinatahak namin ngayon ang mahabang lupain ng Ranco De Montemayor. Maraming taon na ang nakalipas pero kahanga hanga pa rin ang ganda ng Rancho. Hindi ko ipinaalam kay Arthur na kasama ko si Levinn at ang mga anak ko. Hindi niya pa rin alam at wala silang kaalam alam. Gusto kong sabay sabay nilang malaman ang lahat. Alam kong kumpleto ang angkan ngayon ng Montemayor dahil nalaman din nila na ako ang President ng LCM na isa sa mga ka-business partner ng Montemayor Empire. I also want to make it clear, I want everything to be real. Ito na ang tamang panahon para malaman nila ang lahat, ang tungkol sa mga anak ko. They are Montemayor and they will be still a Montemayor.
"Mommy! It's big, sa atin ba 'to o kay Daddy?" They are referring to my dad. Sumilip ako sa rearview mirror at ningitian sila. Tinignan ko si Levinn. Inililibot nito ang mata sa paligid na tila binabalikan ang nakaraan. Natatanaw ko na ang mansyon ng mga Montemayor at ang ganda nito.
After nine years Freen, you are here again. I smiled bitterly.
"Mommy, it's big! Ang laki mommy, parang house sa TV!" Aivan exclaimed ng halos ilang kilometro na lang ang layo namin sa mansyon. Tinignan ko ulit si Levinn, pero passive lang ang emosyon niya.
"You are so innocent Aivan." Axcel said. Passive lang din ang emosyon nito na kawangis ng sa ama niya. Parehong pareho sila ng ugali.
"Freen!" Una akong bumaba at agad na sumalubong sa akin si Arthur, Gian at Paul. Lahat sila ay nagsisigwapuhan pa rin. Halatang masayang masaya sila.
"Hindi ako makahinga!" Sigaw ko ng sabay sabay nila akong yakapin ng mga naglalakihan nilang katawan.
"God Freen! If I am not married, I'll court no matter what!" Histerikal na sabi ni Gian. Napangiti ako ng wala sa oras. Lumingon ako sa sasakyan at hindi pa rin nalabas si Levinn.
"Shut up Gian, you really never change." I smiled.
"You are...gorgeous Freen. You got the shape!" Paul said.
"You are still pervert Paul! Where's your son?" I asked.
"He's in Manila, nambababae." Tumawa siya ng pagak.
"Freen?" Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Lolo Gab na hinihintay ang mga yakap ko. Walang pag-aatubiling tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. It's the same scene when I came back nine years ago. Mahigpit akong niyakap ni Lolo Gab.
"Lolo Gab." Hindi ko napigilan ang hindi mapaiyak. Lalo na ng makita ko ang kalagayan niya. Hindi na siya tulad ng dati na malakas pa. He looks really old. I was shocked when I heard Tito Albert and Tita Selene's voice. They hugged me too as if there's no tomorrow. Sila ang tumayong magulang ko when I was in college. Hindi ko na rin nagawang makipagkita sa kanila nine years ago dahil nasa ibang bansa sila. I am such a coward.
"You grown up hija. Look at you now, you are a lady. You are so beautiful." Tita Selene said. Ngumiti siya ng mapait. Maybe she was thinking of Levinn. How our perfect relationship was ruined because of me. How everything ended in a crap.
"Hija, I am so proud of you." Tito Albert hugged me too.
"Oh my God Freen! It's you, hindi ba ako namamalikmata? Ikaw nga!" Nagulat ako ng bigla akong dambahin ni Lilet ng yakap niya. Sa likod niya ay si Travis na may buhat na batang lalaki na kamukha niya. His son, I guess.
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomancePast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1