Chapter Fifteen

564K 12.2K 2.1K
                                    

FIFTEEN

This story is not for publishing.

 

I was on my way in my apartment when my phone suddenly rang. I looked at screen and smiled when I saw his name registered on my phone.

"Ano na naman ba, Montemayor? Kakatawag mo lang ah." Nakangiti kong sabi sa kanya kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. 

"I miss you." Paos niyang sagot sa akin.

"Which part of my body did you miss?" I asked. Sigurado akong magkasalubong na naman ang makakapal niyang mga kilay.

"Basta, lahat sa'yo miss ko na." 

"Umuwi ka nang maaga para makita mo agad ako." Sabi ko.

"Kung pwede lang iwan ko na 'tong mga trabaho ko at umuwi para landiin ka, ginawa ko na. Nagrereklamo na nga rin si Mommy dahil sawang-sawa na raw siya sa pagmumukha ni Daddy at hindi na niya ako nakikita."

"Kung maaga kang uuwi, sunduin mo ako at dumaan tayo sa bahay niyo para kumain together with your family." I said.

"You sure?" Nahihimigan ko na ayaw niya. Kasi kapag nagkataon wala baka roon na kami matulog sa kanila at hindi niya ako malandi dahil bantay sarado siya. 

"I am pretty sure, Montemayor." I said.

"How about our new house? Ayaw mo bang doon muna tayo?" 

"Kapag kasal na tayo, Montemayor tsaka tayo titira roon. Nagmamadali ka masyado, ilang araw na lang naman!" Natatawa kong sabi.

"Hindi na ako makapaghintay."

"Matuto kang maghintay at wala ka bang trabaho ngayon? Tawag ka nang tawag mamaya hindi ka pa tapos sa mga paper works mo. You won't be the CEO anymore if you failed your Dad and Lolo Gabriel, you know." I teased him.

"Sus, chicken lang naman 'to. Wala ka bang bilib sa asawa mo?"

"Oo na, ikaw na magaling. So what's with the call? Maliban sa miss mo na ako?" 

"I just want to say I love you that's all." Natawa naman ako sa dahilan niya, napakababaw.

"Sus, Montemayor. Gusto mo lang talaga akong masolo mamaya! Ikaw ha!"

 "Oo na, oo na!"

"Sinasabi ko na nga ba eh, basta ha, behave lang diyan? I love you pangit!"

"I love you too, ingat ka ha?"

 "Oo na, Montemayor. Miss na tuloy kitang yakapin!"

"Gusto ko na tuloy umuwi, naiinis lang naman ako dito at ang daming gagawin."

"Magtigil ka, tapusin mo iyan at para makauwi ka na."

"Mamaya, yari ka sa akin."

"Ewan ko sa'yo, babye na! I love you!" I said then I hang up.

Dumiretso ako sa apartment ko dahil kakatapos lang ng klase ko. About naman sa kasal, ayos na lahat. Nag-hire kasi ang ang parents ni Levinn ng wedding planner kaya mabilis lang napatakbo ang lahat. Sa food tasting naman parents na rin niya, at sa wedding gown tapos na rin. Date na lang ang hinihintay, at masyadong excited lang talaga si Levinn at tinatawag na akong Misis. Biglang nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko agad. Si Levinn lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng ganito.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon