Chapter Eleven

602K 13.3K 1K
                                    

ELEVEN

This story is not for publishing.

Kanina pa ako hindi mapalagay sa opisina ko. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay mayroong mangyayari. Hindi ko siya maintindihan, gusto niya akong mawala, gusto niyang maghirap ako pero ito siyang lapit nang lapit sa akin. Nakatatlong kape na ata ako dahil sa sobrang pagkabalisa ko. When I was in Canada, coffee is my stress reliever. I looked at my wrist watch. Eksaktong alasyete y medya na ng gabi. Inayos ko na ang mga gamit ko, hindi na siguro siya makikipag-usap sa akin. Siguro alibi niya lang iyon para makatakas sa babaeng humahabol sa kanya ngayon. Isa pa 'yon sa pinagtataka ko sa kanya. Mailap siya sa ibang babae, dahil ayaw niya ng maingay. Kapag nga lumalapit ang iba kong kaibigan sa kanya tutungo lang siya o bubulungan ako ng umalis na kami o paalisin mo sila. 

He changes a lot.

Pagkaayos ko ng mga gamit ko ay lumabas na ako ng opisina. Para na namang sementeryo ang floor ko dahil halos wala ng tao roon. Agad akong pumunta sa elevator dahil takot ako na maging ­mag-isa. Agad akong pumasok pagkabukas na pagkabukas ng elevator. Gustong gusto ko nang makaalis sa building na 'to. Ewan ko ba kung bakit pero may kakaiba talaga akong nararamdaman simula pa kanina, simula ng sinabi niyang my wife. Na-miss ko tuloy siya, lagi kasi niya akong pinapakilala bilang asawa niya noong college kami, at pati narin sa buong main building ng Montemayor Empire, iIpinapakilala niya ako bilang asawa niya kahit hindi pa talaga. Kaya walang nalapit sa kanya, masyado kasi siyang maarte at gusto ako lang. Kaya nga isang beses dinala ko siya sa mall, yung talagang maraming tao. Tapos maraming nagpapapicture sa kanya at ang masama pa, ako pa ang ginawang nilang photographer. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, pinasaya niya pa rin ako sa araw na iyon. Kahit na ako dapat ang magpasaya sa kanya kasi ako ang nagyaya. 

Kumain kami ng dirty ice cream sa sea bay ng MOA. Kumain kami sa tipikal na kainan lang. Kumain din kami ng kwek-kwek, fishball, kikiam, siopao at marami pang iba na hindi namin nakakain. He is very protective, very caring. Kaya lalo siyang pumopogi sa mga mata. Lagi akong inaakit, lagi akong pinapasaya hanggang sa isang beses, may ginawa siyang kalokohan na hinding-hindi ko makakalimutan.

I checked my phone kung may nag-text na o nag miss-call na, pero wala akong nakitang pangalan niya sa mga nag-text. Usually kasi lagi yang nagtetext at nagtatanong kung nasaan na ako, kung kumain na ako, ano ginagawa ko, kumusta ako, o kung may problema ba. Pero wala pa rin akong natatanggap na text o tawag simula kaninang umaga. Maayos naman ang huli naming pagkikita, pero bakit hindi pa rin siya nagtetext? Sumakay na ako, at sa buong biyahe nakatingin lang ako sa phone ko. Hinihintay ang tawag o text niya. Galit ba siya?

 Levinn?

I sent it to him. Pero lumipas ang isa, dalawa, at sampung minuto ay wala siyang reply. I tried to call him pero laging nirereject. Pwede naman niyang sabihin sa akin na busy siya, pero h'wag naman iyong ganito na hindi siya magpaparamdam. Marahan kong pinahid ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko. Oo, naiiyak ako dahil hindi siya nagparamdam. Masisisi nyo ba ako kung talagang mahal na mahal ko iyong tao? I even gave him everything I have.

Nang nasa tapat na ako ng apartment ko, walang buhay kong kinuha ang susi sa bag ko at binuksan iyon, and I was shocked when I saw him when I turn on the lights.

"Levinn?" I asked. Napanganga ako nang makita ko ang nasa harapan ko. May table, may candle, may boquet of flowers at may mga pagkain sa lamesa. 

"Happy fourth year anniversary, sweetheart!" He yelled while smiling really wide. Walang lakas kong ibinaba ang bag ko at tumakbo papalapit sa kanya.

"Walang hiya ka! Hindi ka nagparamdam para lang dito! Mapapatay talaga kita Montemayor, sinasabi ko sa'yo!" Naiiyak kong sabi sabay yakap sa kanya nang mahigpit.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon