TWENTY FOUR
This story is not for publishing.
"Do you want to sleep?" Paul asked his son. Nasa kandungan niya ngayon ang anak niya habang nakaupo sa sofa. Kanina pa kami nagkukuwentuhan ng kung anu-ano at inantok na ata ang anak niya sa pagkukwentuhan namin. Napangiti naman ako sa pag-uusap ng mag-ama. Mahigpit na yumakap kay Paul ang kanyang anak, at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. I never thought Paul will be like this, a father, a great father to his son.
"Inaantok na ang anak ko." Sabi ni Paul kaya napangiti ako.
"Patulugin mo na kaya?" Sabi ko naman.
"Mamaya pa 'to matutulog, makulit 'to eh. Kakausapin pa ako nito at ako ang pinapatulog ng baby ko." Sabi ni Paul habang nakangiti. Tinignan ko ulit sila, masasabi kong mahal na mahal niya ang anak niya base sa pinapakita niya. Protektado niya ito at ipinaparamdam niya na kahit mag-isa lang siya, mahal na mahal naman niya ito. Bigla tuloy akong nakaramdam nang kakabiba.
Does Levinn will do the same if we have a son?
He told me the story about his son. He had a relationship with someone in Italy who left him after her pregnancy. Iniwan lang sa kanya ang anak niya at iniwan na sila. Hindi niya alam ang gagawin niya, ayaw niyang umuwi ng Pilipinas dahil natatakot siya. Pinalaki niya ang anak niya ng mag-isa hanggang sa mapagdesisyunan niyang umuwi sa Pilipinas kasama ang anak niya. Gusto niyang maiparamdam sa anak ang buo niyang pagmamahal, gusto niyang mapalaki ito ng matalino at marangal. Ayaw niyang lumaki ang anak niya na kagaya niya, pabaya at hindi nag-iisip ng tama. Ang anak niya lang ang pinakamahalagang bagay ngayon para sa kanya.
"Baby, gusto mo na mag-sleep?" Paul asked his son again. His son shook his head. Ayaw pa talaga nitong matulog. Mahigpit ang yakap nito sa ama na para bang ayaw ng bumitiw pa.
"Sabi ko sa inyo eh. Naglalambing na naman ang baby ko." Napangiti ako sa sinabi ni Paul. Si Gian naman at Arthur ay pinanonood lang si Paul habang nakangiti. Ayaw pa ring bumaba ni Levinn dahil napagod daw siya at gusto niya na raw matulog.
"Pwede ko ba siyang kandungin?" Tanong ko kay Paul.
"Baby." Sabi ni Paul sa anak niya pero ayaw talaga nitong bumitiw sa ama.
"Medyo ilang kasi ito sa ibang tao, nag-aadjust pa."
"Buti naman at hindi mo kamukha ang anak mo 'no?" Biro ko kay Paul, kahit na kamukhang kamukha niya ang anak niya at kulay ng buhok at mata lang nito ang naiba.
"Hindi ba?" Tanong ni Paul.
"Kamukha mo, niloloko lang kita. Mukha lang talagang foreigner ang anak mo, malakas ang genes ng Mommy niya."
"Kapag nagkaanak naman din kayo ni Vinn, magiging maganda rin ang kalalabasan. Maganda ka at may itsura naman si Levinn kahit papaano." Sabi ni Paul sabay tawa. Ngumiti lang ako sa kanya. Kung nagkataon, sinapak na ni Levinn 'tong si Paul kapag narinig siya.
"Ikaw Gian? Kailan mo ipakikilala kay Lolo Gab ang girflfriend mo?" Biglang sabi ni Paul. Nanlaki naman ang mata ni Gian sa sinabi ni Paul.
"Huwag kang maingay! Marinig ka ni Lolo at pilitin akong ipakilala si L.A, alam mo naman 'yong babaeng iyon baliw."
"Oo na, o sige matutulog na rin ako at tumba na ang anak ko." Sabi ni Paul sabay buhat sa anak niya.
"Good night sa inyo, bukas tayo magkukuwentuhan nang matagal." Sabi ni Paul at tsaka umakyat sa taas.
"Matulog ka na rin Freen, at baka iniintay kana ng masungit mong asawa sa taas. Alam mo naman 'yun ayaw ng nag-iintay." Sabi ni Gian sabay kindat.
"Baliw kayo 'no? Sige, matutulog na rin ako. Magsitulog na rin kayong tatlo, alam kong mag-iinuman pa kayo eh."
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomancePast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1