TWENTY SIX
Mula sa terasa sa labas, tinignan ko ang mga anak ko na naglalaro ng basketball sa court na ipinagawa ko sa tabi ng pool. Halata sa mga mukha nila na nageenjoy silang maglaro ng basketball. Tinanggal ko na ang parusa ko sa kanila dahil first time palang naman nila itong ginawa at nauto na naman nila ako. Sinadya ko rin na magpagawa ng maliit na court sa tabi ng pool para mayroon silang mapaglaruan. Sarili ko ring disenyo ito at ako rin ang naging engineer sa pagtatayo ng bahay namin. Gusto ko kasing makasigurado na magiging maganda ang bahay namin para magkaroon ng saysay lahat ng pinaghirapan ko sa kompanya.
Naalarma ako ng biglang madapa si Aivan habang tumatakbo, lalo na nang hindi ito makatayo at mukhang nabalian pa. Nakita ko si Axcel na mabilis na lumapit sa kapatid niya at ininspeksyon ang paa ni Aivan.
Unti unting sumilay ang ngiti sa mukha ko ng ipasan ni Axcel ang kapatid niya at dalhin ito sa kinaroroonan ko.
"Mom, it hurts." Reklamo ni Aivan nang maibaba siya ni Axcel sa harap ko.
"Sabi ko sa inyo na mag-iingat kayo di ba?" Ipinatong ko sa hita ko ang paa ni Aivan na nabalian at ininspeksyon iyon.
"Mag suot muna kayo ng damit, tirik na tirik ang araw at gustong gusto n'yong maglalaro ng basketball." Sabi ko sa kanila. Hindi rin kasi sila maawat at gustong gusto maglaro, dahil weekends lang sila nakakapaglaro.
"Axcel, get some ice and ice compress inside." Utos ko sa anak ko. Sumunod naman ito at pumasok sa loob para sundin ang utos ko.
"Mommy, makakalakad pa ba ako? Makakapaglaro pa ba ako ng basketball? Makakapag swimming pa ba ako? I'm scared, mom." Sunod sunod na tanong ni Aivan.
"Kung mag-aaral ka na, at magpapakabait sa school, gagaling ka." Sabi ko sa kanya habang dahan dahan na hinihilot ang paa niya. Hindi naman malala ang nangyari sa kanya, yelo lang at ayos na.
"Talaga mommy? Kapag ba nagpakabait na ako gagaling ako? Kapag natulog ba kami ng maaga ni kuya gagaling agad ako?" Inosenteng tanong ni Aivan sa akin.
"Oo naman, at malay mo bigyan ka pa ni Papa Jesus ng gift. Kaya magpakabait ka." Bigla namang dumating si Axcel dala ang ice compress at yelo. Nilagay ko agad ang yelo sa ice compress at ipinatong sa paa ni Axcel para hindi mamaga.
"Gusto n'yo bang magmeryenda?" Tanong ko sa kanila. Sabay silang tumango kaya nilagyan ko ng chocolate cake ang dalawang platito na kanina ko pa inihanda kung sakaling magutom sila.
"Wala ba kayong balak suotin ang mga damit n'yo?" Iniabot ko kay Axcel ang isang platito at nilagyan ng juice ang baso niya.
"Mommy, pagpapawisan lang kami. Kaya huhubarin na lang namin." Sabi ni Aivan.
Sinusubuan ko si Aivan ng cake habang nakapatong naman ang paa niya sa hita ko. I need to take care of him, at baka hindi ako mapakali mamaya kung sakaling hindi pa ayos ang anak ko.
"Mommy, hindi na siya masakit pero malamig."
"Malamang, pinatungan ng yelo kaya malamig." Masungit na sabi ni Axcel. Sumimangot lang si Aivan sa sinabi ng kuya niya samantalang ako ay napangiti. Close talaga silang dalawa, nahihiya lang ipakita. Magkayakap nga sila matulog minsan, tapos laging sabay maligo 'yang dalawa. Nahihiya lang talaga sila, kasi nga lalaki sila. Natutuwa rin ako kapag nag-aaway sila kasi hindi sila nag susumbong sa akin, nagbabati na lang sila ng kusa.
"Mommy, pwede mo ba akong uwian ng McDo mamaya?" Sabi ni Axcel nang maubos ang kinakain niya.
"Sure, ikaw Aivan? McDo rin ba ang gusto mo?"
"Dunkin donuts sa akin mommy." Sabi ni Aivan.
"Baka naman tumaba kayo n'yan? Ayaw n'yo nang maging macho? Akala ko ba sabi n'yo macho kayo?" Natatawa kong sabi sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomancePast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1