TWENTY FOUR
This story is not for publishing.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila sa baba, umakyat lang ako sa kwarto namin para doon umiyak. Para itago ang kahinaan ko, para sarilihin ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay namin kung wala siya. I need to be strong, but how? Kung siya ang lakas ko, paano ako magiging matatag?
Inipon ko lahat ng lakas ko at itinago ang sakit na nararamdaman ko bago bumaba. Inayos ko ang sarili ko para walang bakas ng sakit ang mukha ko, inayos ko ang sarili ko para hindi nila mahalata na isa akong talunan, na wala na akong pwesto sa pamamahay na ito.
Nadatnan ko silang nag-uusap at parang walang nangyari kanina. My sister's eyes landed on me, kaya napatingin din sa akin si Levinn. Tumayo naman silang dalawa.
"Good morning, Freen, this is Chelsea my client. Napadaan lang siya kanina kaya pinatuloy ko na. She'll join our breakfast—"
"Cut it Levinn. Stop pretending! Hindi ko gusto ang nagpapanggap hindi ba Freen?" Nanlaki ang mata ni Levinn sa narinig niya. Ramdam ko naman ang kabog ng dibdib ko. Nararamdaman ko ang tensyon sa paligid. I could hear the sound of my heartbeat.
"Hi Freen, I missed you." Sabay lapit niya sa akin at halik sa pisngi ko. Nanatili lang akong nakatayo habang si Levinn naman ay nakatingin lang sa amin. Shocked was written all over his face. This is the right time Freen, be ready.
"So as what I've said, I don't like prentending. Alam mo na naman siguro ang lahat 'di ba?" Chelsea said. Ano'ng karapatan niyang kausapin ako ng ganito sa loob ng pamamahay namin? Minsan ko na siyang nilabanan at alam kong kayang kaya ko kuhanin lahat ng mayroon siya ngayon. Lahat ng timatamasa niya ay akin, kaya sa isang iglap lang ay kaya kong maging akin ang kanya, but not Levinn. I need to fight for him, para sa amin. Alam kong mahal na mahal niya ako at iyon ang panghahawakan ko. Ang pagmamahal niya, martir na kung martir pero mahal ko rin siya at para sa amin ito.
"I am pregnant with him, with your husband Freen. And he is planning for a real annulment this time my dear sister."
"Chelsea!" Awat ni Levinn sa kanya.
"Bakit? Totoo naman 'di ba? We even had sex a while ago, and she saw all of it Levinn! So stop being a honorable husband. Hindi ka niya kayang bigyan ng anak! Ako kaya ko!"
"Stop Chelsea! You can go now! At walang nangyari sa atin kanina!"
"Ako aalis? Bakit? May karapatan na ako sa bahay na 'to. Dahil magiging asawa mo na rin ako soon. You'll file for annulment am I right?"
"I won't leave my wife Chelsea! Siya ang mahal ko at hindi ikaw."
"Siya ang mahal mo at hindi ako pero ako ang naanakan mo at hindi siya. How awful is that. Nakaawa ka naman Freen. Magiging useless lahat ng pinaghirapan ni Levinn kung wala rin naman kayong magiging anak. So sa tingin mo ano ang mangyayari? Hahayaan na lang ni Levinn na mawala lahat ng pinaghirapan ng angkan nila?" She laughed and look at me awfully.
"Poor Freen, poor Freen." She said.
"Freen let me explain. H-Hindi ko alam na k-kapatid mo siya."
"You don't need to explain all of it Levinn. I am not that stupid para hindi maintindihan ang lahat. And she's not my real sister. She was just an orphan ever since." Kahit mahina ako, kailangan kong ipakita sa kanila na malakas ako.
"Please Freen, try to understand—"
"Alam ko namang nasaktan kita ng sobra, pero bakit naman ganito kasakit Levinn. Nasasaktan ako at hindi ko na alam kung ano pang mangyayari." Hindi ko napigilang mapaluha ulit.
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomancePast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1