TWENTY
This story is not for publishing.
Parang walang nangyari kanina at normal pa rin ang inaasta ni Levinn. Gusto ko siyang sapakin, tadyakan at pagsusuntukin. Sa loob ng tatlong taon, naniwala akong wala na kami. Naniwala akong tapos na kami sa tatlong taong nakalipas, na ang namamagitan sa aming dalawa ay wala na. Naniwala ako na binitiwan na lang niya ako dahil nasaktan ko siya ng sobra. But what now? Malalaman ko na kasal parin kami at hindi niya pinirmahan ang annulment papers? Nagawa niya akong linlangin sa loob ng mahabang panahon!
"Freen, nangigigil ka ata diyan sa kutsara't tinidor na hawak mo?" Doon lang bumalik ang atensyon ko sa kanila nang magsalita si Lolo Gabriel.
"Ano ba ang naiimagine mo at gigil na gigil ka diyan sa tinidor na hawak mo?" Tanong ni Lolo Gabriel.
"Wala po Lo."
"Sus, wala nga ba? Baka ano na yan Freen ha! Kayo talagang mga bata kayo, madalas n'yo atang ginagawa ang pagtatalik at sabik na sabik ka. Pati yang hawak mong tinidor ay iyong napagdiskitahan." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Lolo Gabriel. Kung kanina inis ang nararamdaman ko, ngayon ay hiya na. Tinignan ko si Levinn at kampante lang siyang kumakain.
Mamaya kami magtutuos ng siraulong iyan. Mamaya ko ilalabas ang lahat ng galit ko sa Montemayor na iyan.
"Lo." Saway ni Levinn kay Lolo Gabriel nang maramdamang tinitignan ko na siya ng masama. Alam kong alam niya kung ano ang ibig kong sabihin sa mga tingin ko.
"Aba bakit kayo mahihiya? Kaya ninyo nagagawa iyan dahil mahal ninyo ang isa't isa at kung nasasabik ang asawa mo pagbigyan mo. Para magkaapo na ako ulit. Tandang tanda ko pa ang Lola ninyo kung paano ko suyuin." At tumingin pa si Lolo Gabriel sa hangin na para bang binabalikan pa ang nakaraan.
"Lo, stop it."
"Manang mana ka talaga sa tatay mo. Napakatigas ng ulo, at ikaw naman doon na kayo sa kwarto at simulan nyo na ang seremonya."
"Lo!" This time napasigaw na si Levinn.
"Bakit? Nahihiya ka? Aba, kasama mo nga ako nang nagpatuli ka at ako pa ang nagpapaligo sa'yo dati ah. Kasabay mo pa nga ang mga pinsan mo maligo sa swimming pool at ngayon mahihiya ka?" Pinipigilan kong tumawa o ngumiti dahil baka akalain niyang wala na ang galit ko. Mamaya pa kami mag tutuos.
"What I mean Lo, nasa harap tayo ng pagkain and it's a private thing between us. Kami lang ang nakakaalam at nakakakita ng mga ginagawa naming 'yon."
"Kaya dumarami ang teenage pregnancy sa Pilipinas eh! Hindi pinag-uusapan ang ganyang bagay. At anong mali sa mga sinasabi ko? Totoo naman lahat ng iyon at ikaw Freen, kapag lasing yang si Levinn sunggaban mo na! O kaya akitin mo." Matagal ko nang alam na ganito si Lolo Gabriel, pero hindi ko akalain na hanggang ngayon ay ganito parin siya. Baliw parin.
"O siya sige, tapos na ako kumain. Kung may kailangan kayo nasa library lang ako at ang mga pinsan mo Levinn ay paparating na, malapit na raw sila." Tumayo na si Lolo Gabriel at iniwan kami. Dalawa nalang kaming nasa harap ng lamesa at tahimik na kumakain. Pinapakalma ko muna ang sarili dahil ayokong sirain ang araw ko sa Montemayor na 'to. Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain ko, pero naramdaman kong tumayo siya. Nagulat na lang ako ng umupo siya bigla sa tabi ko. Nasa tapat ko kasi siya kanina at ngayon nasa tabi ko na.
"Bakit?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Usap tayo." Sabi niya sa akin ng diretso.
"Ayoko." Inirapan ko siya at itinuon ang sarili ko sa pagkain.
"Mag-uusap tayo." Sabi niya.
"Hindi pa ako tapos kumain." Dahilan ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig.
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
Roman d'amourPast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1