Chapter Twelve

603K 11.7K 1.1K
                                    

TWELVE

This story is not for publishing.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Montemayor?" Tinaasan ko siya ng kilay. Naka business suit pa ang mokong at halatang dito dumiretso sa apartment ko.

"Gusto ko lang makita ang misis ko, pwede ba?" Ngumisi siya at ako naman ay nagpipigil lang ng tawa. 

"Ano bang pangalan niyang misis mo?" Natataw akong tanong.

"Freen, Freen Montemayor." Nakangisi pa rin niyang sabi.

"Wala siya, may kinitang ibang lalaki. Kabit niya ata." Bigla namang nagbago ang timpla ng mukha niya.

 "Hindi ako natutuwa, Freen." Napahagalpak naman ako ng tawa. Malapit na kaming ikasal ni Levinn, magiging Mrs. Levinn Vincent Montemayor na rin ako sa wakas! Inaayos lang namin ang ilan pang kailangang ayusin at ilang lingo na lang, ikakasal na kami. Pinapasok ko agad siya, natatakot kasi akong lamunin ng lalaking ito. Pagkasarang pagkasara ng pinto ay bigla naman niya akong siniil ng halik. Isinandal niya ako sa pinto at mariin akong hinalikan.

"Damn, I missed you so much." Bulong niya sa gitna ng mga halik niya.

 "Levinn, magpalit ka muna..." Halos nanghihina ko nang sabi habang bumaba ang mga halik niya sa may leeg ko.

"Pwede namang h'wag nang magsuot ng damit." Bulong niya sa akin at tsaka ako muling siniil ng halik.

"L--Levinn, kumain muna tayo." Suway ko sa kanya.

"Tapos na ako." Bigla naman akong namula sa sinabi niya kaya kinurot ko siya. 

"Minsan napaka-sadista mo talaga!" Maktol niya. Tumayo na siya at parang model na inirampa sa harap ko ang hubad niyang katawan na hindi ko alam kung paano niya nagawa. 

"Magbihis ka nga!" Sigaw ko sa kanya.

"Sus, kunwari ka pa. Gusto mo rin naman ang nakikita mo!" Nakangisi niyang sabi.

"Isa!"

"Oo na, kakain na tayo!" Sabi niya sabay tawa. 

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Magkasalubong na ang mga kilay niya ngayon, senyales na nagagalit siya na dati ay bibihira niyang gawin dahil hindi siya madaling magalit pagdating sa akin.

"For what, Levinn? Para saan at kailangan ko pang tumira sa'yo? Dahil ano, para pahirapan ako? Para ipamukha sa akin na iniwan kita at saktan ako?" Pinigilan ko ang umiyak.

"For what? You're actually asking me that question?" He smirked.

"L--Levinn tama na, please. Itigil mo na 'to at wala namang mangyayari."

"Stop this? Why? Are you afraid of me?" 

"Hindi ka ba nagsasawa, Levinn? Paulit-ulit na lang tayo, paulit-ulit lang natin sinasaktan ang sarili nating dalawa. Tama na please, tama na..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ako.

"Hindi pa Freen, dahil mas sobra pa ang ginawa mo sa akin noong iniwan mo akong mag-isa sa ere. Iniwan mo akong sira, until now Freen. Hindi ko na alam kung paano bubuuin ang sarili ko simula ng umalis ka. Simula nang-iwan mo ako sa ere." Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata ko. Tama ba ang naging desisyon ko sa pag-alis? Tama bang iniwan ko na lang siya basta basta? Tama ba na sa gitna ng pagsubok ay iniwan ko siya?

"S-Sorry." Napayuko ako, nahihiya ako sa kanya. Minahal niya ako ng sobra sobra pero ganoon ang isinukli ko sa kanya.

"Sorry? Is that enough? Mababalik ba noon ang dati kong buhay? Do you think your fvcking sorry will be enough to complete my life again? Tell me, Freen! Is that enough?!" Tumaas na ang boses niya. Mas lalo akong napaiyak. Napakasama kong tao, napakasama.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon