Chapter Twenty Three

543K 10.1K 1.2K
                                    

TWENTY THREE

Ayaw pa rin gumising ng loko at sarap na sarap pa rin sa pagtulog. Napagod ata kagabi dahil nag-inuman pa sila. Akala naman niya kasi kaya niyang uminom nang marami eh hanggang dalawang bote nga lang siya at tumba na.

Hindi ko muna siya ginising at hinayaan ko munang matulog. Alam kong napagod din siya sa todo todong pakiusap na solohin ako kagabi, pero ayaw ko. Ano siya sinuswerte? Lagi na lang akong napapagod sa kanya at hindi ko alam kung saan s'ya kumukuha ng ganoong lakas para para pagurin ako nang sobra.

Tinignan ko ulit siya at ang sarap lang halikan ng medyo nakaawang niyang labi. Ang pula kasi tapos ang nipis at nakakaakit. Naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap ng matitigas niyang braso sa bewang ko at nagawa pang ipatong ang hita niya sa hita ko. Pati ba naman sa pagtulog manyak?

I checked if he's really asleep. Malay mo nagtutulog tulugan lang ang loko at minamanyak lang ako. Uso kaya ang ganyan ngayon, iyong magtutulug tulugan tapos kapag minanyak ka magagalit ka pero ang dahilan ng boyfriend mo ay hindi niya alam ang ginagawa niya kasi nga tulog siya. But the point is, hindi ko na siya boyfriend. Asawa ko na siya ngayon at hawak ko na ang apelyido niya. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya nangangalay at kanina pa ako nakahiga sa braso niya.

Tinignan ko ang dibdib niya na katapat ng mukha ko. Ang lapag ng dibdib niya at ang sarap higaan. Madalas pa rin kasi siyang mag work-out at may sarili kaming gym sa bahay dahil ayaw niyang pumangit ang katawan niya dahil baka raw maghanap ako ng iba.

"Montemayor." I poked his chiseled chest. 

"Hmmm." He moaned.

"Hindi ka pa ba gising?" Tanong ko sa kanya, but he just buried his face in my hair.

"I just want to hug my wife, just stay Misis." Pakiramdam ko naman namula ng bongga ang mukha ko sa sinabi niya. Ang sarap pala talagang tawaging Misis ng totoo.

"Nagugutom na ako eh." Maktol ko sa kanya.

"Kainin mo na lang ako." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya at nakapikit lang siya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Montemayor naman eh! Gutom na nga ako! Kagabi kasi hindi mo man lang ako pinatapos kumain at hinatak mo na lang ako dito!"

 "Sabi mo gutom ka. I'm just allowing you to eat me fully and—ARAY!" Bigla ko kasi siyang kinurot sa dibdib niya. 

"Isa pa at tatanggalin ko iyang pagkalalaki mo."

"Sus, tatanggalin daw. Baka kainin mo." Sabay tawa niya ng nakakaloko. Itinulak ko siya at tumayo na. Pero hinatak niya lang ulit ako kaya yakap yakap na naman niya ako. But this time, mas mahigpit at hindi talaga ako makakatakas dahil pati hita niya ipinulupot niya na rin sa hita ko.

"Sinabi ko bang umalis ka sa tabi ko?"

"Ikaw kasi eh! Kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo."

"Bakit ba? Kasal na naman tayo ah. Kahit naman hindi pa tayo kasal nag sesex na tayo eh. Sumasabay pa nga ako sa'yo minsan maligo ah!"

"Tignan mo 'to! Sabing h'wag kang magsasalita ng ganyan eh! Naiilang nga ako."

"Ano ba kinaiilang mo? Nakita mo na naman lahat ng meron ako.Gusto mo ipakita ko pa—" Tinakpan ko na ang bibig niya bago pa lumabas ang kung anu-anong kababuyan sa bibig niya.

"Napaka prudent naman nito. Halika nga gawa tayo baby." Tapos niyakap niya ulit ako.

"Montemayor naman!"

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon