Chapter Thirty Four

593K 11.9K 773
                                    

THIRTY FOUR

This story is not for publishing. 

Marahan kong pinahid ang mga luhang dala ng saya ng nakikita ko ngayon. Napakatagal na panahon na simula ng makita ko ang saya sa mukha ni Levinn. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, at hindi ko alam kung bakit ko nagawang itago at ipagkait sa kanya ang maging ama sa mga anak ko, sa kambal ko.

"Who are you?" Nagtatakang tanong ni Axcel sa kanyang ama. Ngumiti nang maluwag si Levinn kay Axcel habang sinusuri nito ang buong mukha ng anak. Marahan niyang hinaplos ang mukha ng kambal at tinignan ang mga anak ng may ngiti sa mga mata.

"M—My name is Levinn." Pilit na ngumiti siya kahit na alam kong may kakaiba siyang nararamdaman, kahit na nakikita ko sa mukha niya na nasasaktan siya kung bakit ko nagawang itago sa kanya ang mga anak niya. Napatingin sa akin si Axcel na may halong pagtataka.

"Levinn?" Tanong ni Axcel. Tumango naman si Levinn at hindi napigilang yakapin ulit ang anak.

"He's Axcel, and that one is Aivan." Tumingin naman sa akin si Levinn pati na rin ang kambal.

"Mommy, who is he?" Tanong ni Axcel. I gulped the lump form in my throat and smiled widely.

"Boys, di ba sabi ko sa inyo one time darating yung papa n'yo kasi miss na miss na niya kayo?" Sabi ko sa kanila. Sabay namang tumango ang magkapatid.

"Yes mommy, hindi ba sabi mo busy lang siya? Pero pupuntahan niya tayo kasi miss na miss na niya tayo mommy?" Aivan said. Marahan akong tumango habang naiiyak. Nilakasan ko ang loob ko at buong lakas akong tumitig sa kanilang tatlo.

"Siya ang papa n'yo." I finally said. Sabay na napatingin si Aivan at Axcel sa kanya.

"Papa?" Aivan stares at his father's face na para bang hindi makapaniwala na nasa harap na niya ang ama.

"I am your father." I could see tears flowing in his cheeks. Walang pag-aatubiling niyakap ni Aivan at ni Axcel ang ama. Mahigpit na pumulupot ang maliliit nilang mga braso kay Levinn at para bang ayaw na itong pakawalan pa. Na para bang ayaw na nilang umalis pa ito.

"Papa! Papa!"

Mas lalo akong napaiyak na makita ang mga anak ko na kayakap ng ama nila. Na makita ang tatlong pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko na magkakasama at masaya. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, ang kasiyahan na umaapaw sa puso ko. Na sa wakas ay nagkakilala na rin ang mag-aama ko.

"Ikaw ba yung Papa namin? Bakit ngayon mo lang kami na-miss? Bakit mo ngayon lang kami pinuntahan?" Tanong ni Aivan kay Levinn.

"I am so sorry for not coming back early, pero promise sa inyo ni Papa. Hindi na ulit ako aalis. Dito lang ako sa tabi niyo." Niyakap niyang muli ang mga anak ko bago ito binuhat.

"Mommy, kaya kaming buhatin ni Papa ng sabay oh. Ikaw hindi mo kami kayang buhatin, wala ka kasing muscles katulad ni Papa!" Masayang sabi ni Aivan. Ngayon ko lang sila nakita na ganitong masaya.

"Are you playing basketball?" Axcel asked his dad na para bang ngayon lang makikipaglaro sa big boy. Gusto kasi nilang makalaro ang big boy na tulad 'daw' nila.

"Yes, gusto mo ba maglaro tayong tatlo?" Nagliwanag naman ang mukha ni Axcel sa sinabi ng kanyang ama.

"Yes! Yes! Aivan, may kakampi ka na! Hindi ka na laging talo." Napangiti naman ako sa asaran ng dalawa. Miski si Levinn ay napangiti rin sa sinabi ng anak namin. Samantalang si Aivan ay sumimangot sa sinabi ng kapatid.

"Papa, hindi ka na aalis?" Tanong ni Aivan kay Levinn.

"Gusto n'yo ba hindi na ako umalis?"

"Yes." Magkasabay na sagot ng kambal sa kanila. Bigla akong napangiti.

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon