TRB 2
Sinipat ko ang sarili sa length mirror and I see a goddess, conceited masyado, hahaha.
I wear the white dress I bought last time with the help of the girl name Shane. Bagay na bagay, ang ganda ko. Worth it ang presyo.
I dialed ate Mirasol's number but its unattended. Busy siguro sa preparations.
Hmmm. Kailan din kaya ako ikakasal noh? Ano kaya ang feeling ng ikakasal sa taong mahal mo. Hay, Naalala ko yung kapatid ni Shane ang gwapo niya hindi siya mawala sa isip ko. Ano kaya feeling maging misis niya noh? Mukhang ang sarap niyang yakapin. Eeeyy,kinilig ako. Kaso suplado yata e, ayoko sa mga suplado nakakaintimida.
Si Theo crush ko dati yun,snob siya pero hindi naman siya suplado, kapag kinausap mo siya ay papansinin ka niya pero ang Dwight na yun nakakainis. Kawawa naman ang magiging misis, I heard she is getting married.
I'm on my way to the hotel, ang ganda talaga ng feeling ko ngayon. Ang gaan ng feeling ko, siguro makikilala ko na si Mr.Right.
Excited na ako.
When I parked my car, sinipat ko muna ang sarili ko sa rearview mirror and I kissed away. Tiningnan ko ang phone ko at 15 minutes before 4, mabuti ng maaga at ng matulungan ko si Ate sa iba pang kulang.
I'm on my way to the reception when two men blocked my way.
"Ikaw ba si Amber Zoey Dalmante?"
Naalarma ako sa dating nila. Para itong mga goons na nakapormal, ang lalaki nila.Kinakabahan na ako.
"Yes,why?" Dumistansya ako. Na takot na agad ako.
"Sumama ka sa amin." Sabi noong mukhang si Fajardo sa PBA.
Mas lalo akong lumayo.
"Ayoko ko nga!" Luminga ako para humanap ng guard pero naka tingin lang ito sa akin.
"Guard!!" Tawag ko sa guard malapit sa entrance pero wala itong reaksyon. Kinakabahan na ako.
"Miss utos ito ni Mr. Arizona." sabi naman noong mukhang si Paquito Diaz.
"Hindi ko kilala yang sinasabi mo!" Palapit sila sa akin at hahawakan na ako.
"Stay away from me!" Sigaw ko. I panicked and I'm getting really nervous.
Umatras ako pero nahawakan ako sa braso noong mukhang si Fajardo.
"Miss sumama kana dahil kami ang malalagot pag natagalan pa tayo."
Humigpit ang hawak nito ng iniwaksi ko ang kanyang kamay.
"No!! Let go of me!! This is harassment!! Guard! Guard!" Pero parang walang naririnig ang mga gwardya. Ano bang security meron ang hotel na ito! I'm already panting in fear.
Binuhat ako noong isang goon na parang sako ng bigas. Wala man lang respeto sa pagkababae ko, ang seksi ko pa naman.
"Ibaba mo ko hayop ka!!! Ahh!! Ahh!! Help! Help!.." Pinaghahampas ko siya sa likod ngunit para akong humahampas sa pader, antigas. Sumakay kami sa elevator na may nakalagay "Private" jusko ano na mangyayari sa akin dito. Katapusan ko na ba? Wag naman sana maawa ka panginoon tulungan niyo po ako.
Patuloy parin Ko sa pagsisigaw kahit alam kong walang makakarinig sa akin, hinahampas ko rin ang likod niya kahit sumasakit na yung kamay ko. Jusko wag niyo pong hayain na hindi ako mailibing kung katapusan ko na ito. Natatakot na talaga ako. Halos umiiyak na sa takot.
Di nagtagal ay bumukas din ang elevator at lumabas kami ngunit pumasok uli sa isang silid. Jusko ito na nga!!! Wala na akong kawala.
"Let me go!!! Please!!! Maawa kayo wala akong kasalanan nino man kahit utang wala ako noon maawa kayo!!!" Naiyak na ako sa takot lalo na ng isara nila ang pinto at nilapag ako sa isang silya.
Marahas akong huminga at nakita ko si Tito Rafa na hawak ng dalawang mukhang goons din na lalaki.
"Tito!" Akmang tatayo ako ng pigilan nila ang balikat ko upang manatiling nakaupo.
"Amber" nakayukong sabi ni Tito ng may pag aalinlangan.
"Well, your daughter is not coming..."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si...
Dwight.
Namilog ang mata ko.
"Ikaw?" Nagtatanong kung sabi. "What's the meaning of this?" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Simple, my bride is not coming and she's nowhere to be found. Your gonna be her replacement." Siryuso nyang sabi.
Nangunot ang noo ko.
"what?? Ano to, joke?" Tatawa na ba ako?
"Definitely not Miss Dalmante." Lumapit ito sa akin at dumukwang.
"I need a wife to have my heir and here is your uncle who has a huge 'utang' in my casino is happen to offer his daughter bilang pambayad utang. Isn't it amazing?" He smirked. He looked like a demon, nagsisi tuloy akong pinuri siya minsan. Isa siyang ganid.
Nanlaki ang mga mata ko ng magsink in sa akin ang sinabi nya. Tiningnan ko si Tito na hanggang ngayon ay nakayuko parin.
"Tito!" nanghihingi ako ng paliwanag.
"I'm sorry Amber pero sumama yata si Mirasol sa boyfriend niya at sinuway ako." Nanginig na sabi ni Tito.
"Pero Tito, you should asked me for help. I can lend you money." Giit ko. Hindi naman siguro sagot ang pagpapakasal.
"Mababayaran mo ba ang mahigit walong milyon niyang utang Miss Dalmante?"
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Paano nagkautang si Tito ng ganito ka laki?
"This arrangements is a big favor Miss Dalmante and since your cousin is not here, pwede na kitang pagtiisan. Ayaw mo naman sigurong makita ang tiyuhin mo sa kulungan, right?"
Ano? Chossy pa siya sa ganda kong ito? Ano ba ang standards niya? Miss Universe? Hoy! Mukha niya, hindi porke't pang Hollywood ang beauty niya ay papakasal na ako? Gago ba siya?
"No way!" I said. Nababaliw na ba siya?
"Yes way and we're late for our civil wedding. And everyone is waiting for us. Ready or not you are going with me." at hinablot niya ako palabas ng kwarto.
❤
BINABASA MO ANG
The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] Editing
Tiểu Thuyết ChungSisters by heart series#2 She shouldn't be the bride ngunit hindi sumipot ang kanyang pinsan sa marriage for convenience na iyun kaya siya ang naipalit ng kanyang tiyuhin. Amber is trapped, lalo na ang puso niya. Paano kung bumalik ang kanyang pinsa...