Amber's POV.Napabalikwas ako ng may maramdaman na humahaplos sa hita ko. At ng mapagtanto kong sino ay si Alfonso, nakakadiri.
Nalaman kong siya ang dumukot sa akin ng magkamalay ako kanina na siya ang sumalubong sa amin. Sinabi niyang gagamitan daw niya ako upang makuha ang gusto niya mula Kay Dwight pero binara ko siya at dinuraan. Ang putang ina ay sinuntok ba naman ako sa panga? E di nawalan uli ako ng ulirat sa lakas noon. Walangya hindi ba ako babae sa paningin niya at suntok talaga? Hindi man lang sampal.
"What are you doing??"
Galit kong sabi dito at lumayo sa kanya.
Ramdam ko parin ang sakit sa kaliwa kong panga,ang sakit."Gising na pala ang maldita."
Tumawa ito.
"Pasinsya kana ha,napalakas ko ata at nawalan ka ng malay." Bahagya itong lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang baba ko.
"Nobody dared to spit my face,woman. Kaya dapat lang na bigyan ka ng leksyon!" Madiin nitong sabi at marahas na binitawan ang aking baba.Maramdaman ko uli ang sakit doon.
"Nakausap ko na ang asawa mo,at bukas na bukas ay mapapasaakin na ang Arizona Empire na pinaghirapan nila ng ama ko. Thanks to you." Nagsalin ito ng alak sa kupita at kumindat sa akin.
Nakakadiri talaga ang matandang ito. Pweh!"At kung akala niya ay ibabalik kitang buhay sa kanya ay nagkakamali siya... Buhay ang kinuha niya, buhay ang magiging kapalit noon. At buhay mo yun!" Singhal niya sa kin. Para na itong baliw.
Nangilabot ako sa banta niya,magiging katapusan ko pa yata ngayon. Naku jusko,sana lang matagpuan nila ang katawan ko at ng malamayan man lang ng mga kaibigan ko. Alam ko naman na wala lang ako Kay Dwight kaya hindi niya ako ipagpapalit sa kayamanan niya. Nakuha nga niya nagpakasal ng kung sino sino lang para makuha ang ang kumpanya mula sa ama at ngayon ay mawawala ito dahil sa akin ay imposible.
Pero ang nag alarma sa akin ay may kinuhang buhay si Dwight, kaya niya yun?
"Anong ibig mong sabihin na buhay ang kinuha ni Dwight sayo?" Lakas loob kung sabi.
Masama itong tumingin sa akin at nilagok ang laman ng kupita.
"Pinahiya niya ako sa harap ng babaeng pinaka mahalaga sa akin. Pinagsabihan niya ng mga walang kwentang bagay tungkol sa akin, nagalit ang nobya ko at iniwan ako pero habang hinabol ko siya ay nasagasaan ito ng truck sa pagmamadali nito at namatay ito. Mula noon ay sinumpa kong kukunin ko ang lahat ng mahalaga sa kanya upang makaganti at bonus kana doon." Paliwanag nito na may galit ang tono.
"Wala ka naman talagang kwenta! Sakim!"
Sigaw ko dito. Nag aapoy naman ang mga mata nitong nakatingin sa akin."Maldita ka talaga ano? Sige lubusin mo na dahil katapusan mo na din naman."
Singhal nito sa akin at tinutukan ako ng baril.Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng takot bagkus ay tumapang ako. Hindi naman ako ganito, takot nga akong makita ang ang armalite ni papa noon na dala dala niya pag umuuwi siya galing sa misyon nila. Pero ngayon ay ang lakas ng loob ko.
Siguro hindi ko na kailangang matakot kasi makikita ko narin naman ang mga magulang ko at pakiramdam ko wala na akong dapat balikan.
"Dose oras ang binigay kong palugit sa asawa mo at kung hindi ito tutupad sa usapan ay lalapain ka namin na parang baboy, naintindihan mo?'' Lumaki ang mata nitong tumingin sa akin.
" hindi tutupad si Dwight sa usapan dahil wala akong halaga sa kanya, at kung inakala mong hindi ka niya mahuhuli ay nagkakamali ka. Sa oras na tumawag ka sa kanya ay na track na nila ang kinaruruonan natin kaya gago ka. Pupunta sila dito upang tapusin ka! Magasama sama tayo sa impiyerno ulol!!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na yun pero confident talaga ako, ayokong patalo sa pangit na ito. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Ang sarap niyang hambalusin.
Hinatak niya ang buhok ko pababa. Para namang matanggal ang anit ko sa sakit noon."ganoon ba, e di sige mauna ka sa empiyerno tutal demonya ka naman e."
Itinutok niya ang baril sa aking panga.Nakaramdam ako ang pagkirot sa puson ko. Naku ngayon pa yata ako mag de dysmenorrhea, kwenta ko kasi e araw na ng dalaw ko. Tiniis ko yun kahit unti unti na itong sumasagad sa sakit.
" sige, iputok mo! Hindi ako natatakot Kay kamatayan. Ang mga magulang ko ang susundo sa akin gago!" Sinampal niya ako ng pagka lakas. Peste,hindi pa nga humupa ang sakit sa kaliwa ng sinuntok niya ay pinarisan naman nito ng sampal sa kanan. Namumuro na talaga ang pangit na to.Bigla ko siyang tinulak ng buong lakas at natumba ito. Nag paputok agad siya ng baril kaya napayuko ako, hindi naman niya sa kin tinama. Agad itong tumayo at tumawa.
"Akala ko ba hindi ka takot mamatay?"
Tumawa uli ito.Sasagot sana ako ng may narinig kaming palitan putok sa labas.
Agad syang na alerto at hinablot ako.
Pinalibot niya ang kanyang mga braso sa aking leeg at tinutok ang baril sa aking ulo.Hindi ako na bother sa baril na nakatutuk sa ulo ko kundi sa sumasakit kong puson ko, hindi ko na ito nababaliwala tulad ng dysmenorrhea ko.
Parang may mahuhulog na ano.Bigla naman bumukas ang pinto ng silid na kinaruruonan ko at lumantad doon ang isang gwapong pulis, gwapo talaga!
"Wag kang lalapit, pasasabugin ko ang bungo nitong babaeng ito!" Sabi ng pangit na lalaking ito.
Hindi natinag ang pulis at mas lalo itong humakbang palapit sa amin, umaatras naman kami papuntang sulok.
"Gusto mo talagang tuluyan ko itong babaeng to noh?" Paghahamon ni Alfonso at diniinan ang baril sa ulo ko.
"No!!"
Kumalampag ang pinto at nakita ko si Dwight. Bigla ay gusto kung umiyak, naalala ko ang yakapan nila ni ate."Don't hurt her! I'm giving you my Empire just let her go......"
May iba pa itong sinasabi pero hindi ko na maintindihan dulot ng sakit sa aking puson.Maya maya ay may nararamdaman akong umagus sa aking hita at ng tingnan ko ay dugo!
Dugo!
Halos takasan ako ng ulirat sa nakita ko.
Bakit ako dinugo? Ahh, ang sakit.Bigla rumihistro ang itsura ni Toni sa aking isip noong muntik na itong makunan.
No!
Buntis ako?
"Baby ko!" Mahina kong usal bago ako nawalan ng malay at isang putok ang umalingawngaw sa akin at bumagsak na ako.
❤pem
Have you been to Guadalupe CDO?
Siyam na ilog ang tatawirin bago ka makarating sa chapel. Ang saya, ngunit nakakapagod sobra.
BINABASA MO ANG
The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] Editing
General FictionSisters by heart series#2 She shouldn't be the bride ngunit hindi sumipot ang kanyang pinsan sa marriage for convenience na iyun kaya siya ang naipalit ng kanyang tiyuhin. Amber is trapped, lalo na ang puso niya. Paano kung bumalik ang kanyang pinsa...