TRB 13

48.8K 1.2K 20
                                    


Sa sobrang excited ko para bukas ay tumulong ako sa paghahanda ng hapunan. Mahigpit nila akong pinagbawalan dahil nandito daw si Dwight at baka mapagalitan sila pero nagpumilit ako at ginamitan ng pagkamaldita,napailing na nakangiti nalang si Terry. Sinabihan nya ang mga maids na hayaan na lamang ako.

Ang saya ko kaya ako ang nag decide kung ano ang lulutuin for dinner.

I cooked roasted chicken and beefsteak, paborito daw ito ni Dwight kaya sinarapan ko talaga, pasalamat narin at makakabalik na ako sa trabaho bukas e para namang ang tagal kung nawala,hihi.

When I'm done ay ako na mismo ang tumawag sa kanya sa opisina nya dito sa bahay nya,naaasiwa akong sambitin ang mansion kahit yun naman talaga ito.

Kumatok ako ng dalawang beses pero walang sagot doon kaya binuksan ko na baka nakatulog na. Nakita ko syang may tinitipa sa kanyang laptop.

"Terry,I'm busy-"

"Dwight!" Pinutol ko ang kanyang sasabihin.

Napatingin ito sa gawi ko.
"Dinner is ready." I place a smile on my lips kahit kinakabahan ako na baka magalit ito sa pag intrude ko.

Bumuntong hininga ito. "Just a minute."

"Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain."
I insist and bit my lips.

Kaagad nyang pinatay ang laptop at tumayo. Habang papalapit ito sa akin ay ayan na naman ang pamilyar na tibok ng aking puso, parang nagkarerahang mga kabayo sa lakas ng kabog nito. Naku nakakatakot ito. What if I fall?

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin at tinitigan ako.

"What's wrong?"
Napakurap naman ako ng mahalimuyak ko ang amoy nya, so manly at ang sarap amoy amuyin.

"Ahm, wa-wala may naisip lang ako...l-lets go." Nauna na ako sa kanya pababa dahil nahiya ako. Kung ano ano kasi iniisip, kastigo ko sa sarili ko.

Habang kumakain ay paminsan minsan akong sumusulyap Kay Dwight at ang gana nyang kumain, gusto nya talaga ang beefsteak dahil yun ang una nyang kinuha.

"Manang Loyda, nagbago ba kayo ng recipe? Mukhang mas sumarap yata ahh." May ngisi nyang tanong sa kusinera nyang nasa gilid lang nakatayo.
Napayuko naman ako ng tingnan ako ng matanda.

"Naku iho hindi, luto iyan ng asawa mo."
Bigla ay napatingin ako Kay Dwight na natigilan sa pag nguya at napatingin sa kin, our gaze met.

"You can cooked?" He asked.

Kinakabahan ako, bakit ba ako palagi kinakabahan kapag sya ang kausap ko hindi naman ako mahilig magkape ah.

"Yeah, just a little." Mahina kong sabi.

"But its good. Really good." He amazingly said.

"Pa-thank you ko sa pagpayag mong bumalik na ako sa trabaho."

Tumango-tango ito. "Walang magbabago sa set up natin, babalik ka lang sa trabaho and the following are on my terms...are we clear?" He said with authority.

Napalunok naman ako. Bakit ba naiintimida ako sa kanya, ganyan ba talaga ang dating nya sa akin.

"Sure!"

Kahit anong terms yan basta ba hindi lang ako nagmumukmuk dito at magagawa ko na ang mga ginuhit kung mga desinyo. Kumain akong nakangiti, masaya talaga ako dahil miss ko na rin ang mga kaibigan ko. Sasabihin ko narin sa kanila ang kinasasangkutan ko.

I sleep that night na naka pair of pajamas, kahit hindi ako komportable ay nakatulog ako dahil masaya ako at excited ako para bukas.

Maaga akong nagising kinabukasan, tulog pa nga si Dwight ng bumangon ako mukhang ginabi din sya ng tulog last night.

Maaga akong nagising kinabukasan, tulog pa nga si Dwight ng bumangon ako mukhang ginabi din sya ng tulog last night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I wear all white, ang gaan kasi ng feeling ko kahit alam ko mamaya ay gigisahin nila ako ng tanong.

''Good morning!!" Bati ko Kay Dwight na nakabihis narin, nauna na kasi ako sa kanya sa baba at ngayon ay nagkakape.

"Excited huh!"
Sabi nya ng naupo sa kanyang pwesto sa dinning table.

"Yeah, may mga bago kasi akong designs at gusto ko ng gawin ang mga iyun...kung hindi busy sa shop."

Napatingin naman ito sa akin. "May iba ka bang ginagawa bukod sa pagtatahi ng mga design mo?" He asked habang kumuha ng salad sandwich at kinagat.

"Syempre priority namin ang mga orders ng mga costumers namin, multitasking kami kasi anim lang yung sastre namin at kami din ang gumagawa ng iba."

Nangunot ang noo nito. "Sastre lang ang tauhan nyo?"

"Of course not, we have security guard and two boys para sa printing sections namin. Syempre kunte pa, kakasimula pa namin last year noh... We work first after college kasi kulang pa yung ipon namin para mag tayo ng negosyo, kaya nang makaipon ng kunti ay pinagsama namin at boom!! ito na, kumikita naman."masaya kong paliwanag dito.

Nag isip ito at nagpatuloy sa pagkain. "Mahirap siguro mag multitasking lalo na at may hilig ka talaga."

"Actually no! We love what we're doing, its called passion..."

Tumango-tango ito.

After we eat ay sabay na kaming lumabas ng bahay at nandoon na ang Ferrari nya at ang van ng mga bodyguards, so I assume na sa mga bodyguards ako sasakay. When I'm heading to the van ay bigla nya akong hinawakan sa braso.

"Where you going?" He said.

"Sasakay na,bakit?"

"Sasakay ka sa kotse ko." Matigas nitong sabi.

Paano? Ihahatid nya ako?
Bigla naman may itim na kotse ang nauna ng lumabas, mga bodyguards din.

"Pero pwede naman ako doon sa van, baka ma out of the way ka."

"What did I say lastnight, Zoey Amber?"

Oo nga pala, 'with his terms'

Wala akong nagawa kundi sumakay sa kotse nya. Nanliit ako dito, sa movies ko lang ito nasilayan ang Ferrari at ngayon ay lulan na ako nito. Feeling ko si Paul Walker ang magmamaniho, ayii.

Sumakay na ito sa passenger seat at pinaandar ang magara nyang sasakyan, sumunod naman ang van ng mga bodyguards.

"Four of my men ay mananatili sayo. At susunduin Kita mamaya."

Nanigas ako sa sinabi nya. Kailangan ba yun? Gusto sanang itanong kaso natakot ako na baka pauwiin nya ako at hindi na papayagan kapag madami akong tanong.

"Ikaw ang bahala."
Yun na lamang ang nasabi ko. Ang haba masyado ng hair ko, magpapagupit na kaya ako baka kasi matisod ako nito eh.

Hihi.












❤pem

Unreviewed.

The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon