Parang sasabog sa hiya ang pagmumukha ko pero naisip ko rin na hindi daw sya apektado.'I don't mind' pala ha humanda ka sakin ngayon,tingnan natin kung kung hindi ka ba magiging asong ulol.
Alam ko hindi ako kagandahan tulad ng mga kaibigan ko pero biniyayaan naman ako ng mala dyosang katawan kaya maglalaway ka ngayon, naka paa nga lang ako ay parang papatay kana ngayon mamatay ka sa pagpipigil hudyo ka.
Pumasok akong walk in closet at naghanap ng masusuot na komportable pero ang mga pinamili kong mga sando at T-shirt ay wala doon pero andito naman ang iba. Nakutuban na agad ako na hindi nya pinasali ang mga iyun sa paglilipat ibig sabihin ay ayaw nya akong magsuot ng ganoon.okay call ako dyan e di sa mga sando nya ako manghihiram. Hindi kasi talaga ako makakatulog kapag hindi lose ang susuotin ko e.
Nakakuha ako doon ng puting sando at dahil malaking tao si Dwight ay nagmumukha itong daster sa akin na hanggang hita lang naman kasi matangkad naman ako. Wala doon ang mga cotton shorts ko kaya hindi na ako nag abala, hmmm mas maaliwalas ang ganito.
Lumabas na akong walk in closet at nakita itong nakadapa at nakapikit, tulog na kaya? Sige nga ma try. Kumuha ako ng suklay sa tukador nya at hinulog ito para malaman ko kung totoong tulog na ba ito. At laking gulat ko ng napabalikwas ito and his gaze darted at me.
"Oops! Sorry...nabitawan ko." Jusko kinabahan yata ako sa titig nya, aatras nalang akong at magbalog ng sarili. Ayan kanina ang tapang tapang ngayon ano ka? Che! Pambihirang konsensya ito.
"Fuck!" Napasabunot naman ito sa kanyang buhok. "Bakit mo ginamit yang sando ko?" Galit nyang sabi.
Tinapangan ko ang mukha ko. ''Ano sa tingin mo? Hubad ako matutulog? Masaya ka, wala naman kasi doon ang mga pantulog ko." Jusko para akong bata kung magdahilan, ano ba dapat isasagot ko?
"Holyshit, you'll be the death of me woman!!" Galit nyang sabi at bumangon, natakot naman ako sa possible nyang gawin sa akin, naku hindi pa ako handang isuko yung Bataan ko no!
I cross my arms around my breast, nag bra naman ako kahit papaano no.
Ang dilim ng mga mata nya habang papalapit ito sa akin. "The next time you will wear only this-" Hinawakan nya ang laylayan ng sando na suot ko."-you'll be dead meat!" Yun lang ang sinabi nya saka ito pasok ng banyo.Am I going to laugh na? O magsasanay na naka pajama habang sya ang katabi ko sa pag tulog? That would be torture!!
Tumakbo akong Kama at nagtalukbong, lahat ng tapang ko ay lumayas sa katawan ko at doon sa labas natulog.
But in the other hand humalakhak yung demonyita kong konsensya. Cold shower men.
Victory is still mine.
Nakatulog na ako ng hindi pa lumalabas ng banyo si Dwight kaya kinaumagahan ay hindi ko alam kung tumabi ba ito sa akin o hindi. Tanghali na rin kasi ako nagising at wala na ito, may meeting nga pala ito nang alas otso malamang e alas dyis na.
Naligo ako at nag ayus, ano ba ang pwede kong gawin sa bahay na ito? Magkakalat kaya ako tutal marami namang maids. Biro lang di bagay sa akin.
Pagkatapos kong kumain ay napag desisyunan kong humingi ng tawad sa mga napatulog ko kahapon,muntik pa silang mawalan ng trabaho dahil sa kababawan ko kaya naman ay pinatawag ko sila lahat.
Nang nagtipon na sila ay may takot akong nakita sa kanilang mga mukha, bakit kaya.
"Ahm, gusto ko lang sana na humingi ng paumanhin aa nagawa ko kahapon...nakakahiya tuloy sa inyo."
"Walang anuman ma'am, ang importante ay walang nangyaring masama sa inyu."
Natawa naman ako sa sinabi noong isang maid."wala naman talagang mangyayaring masama sa akin,kaya ko ang sarili ko."
"Hindi po tayo nakakasiguro dyan ma'am." Sabi noong isang bodyguard.
Nagtaka naman ako. "Bakit mo nasabi?"
"Asawa na po kayo ni sir Dwight at malaking tao po sya, ibig sabihin marami ang kalaban nya sa negosyo at pwede nya kayong gamitin Laban sa iyung asawa."
Ito ba ang dahilan kong bakit may bodyguards talaga dito?
"Naku ma'am noong nagising po kaming wala na kayo ay para na pong katapusan na namin. Ipinagkatiwala po kayo ni sir Dwight sa amin pero nakawala ka po kaya resposibilidad namin na hanapin ka bago pa malaman ni sir na nawawala kayo pero nai report po ito ni Terry at sya na mismo ang naghanap sayo." Sabi naman noong isang bodyguard na ka mukha ni Fajardo. Si Dwight mismo ang naghanap sa akin?
"At hindi po sya tumigil hanggat wala syang lead sayo, kaya inabot po kami ng hating gabi sa kahahanap sayo...halos lahat ng CCTV dito sa maynila ay pinatingnan nya masundan lang ang kotseng sinakyan mo."
Bakit iyun ginawa ni Dwight pwede naman nya akong pabayaan."Nag alala po sya sa inyu ma'am." Sabi naman ni Terry na nakikinig pala,wala kasi ito kanina. "Bukod Kay Miss Shane sayo ko pa lang nakita na ganoon nag alala si sir, syempre asawa ka nya."
Napa isip ako sa mga sinasabi nila.
Hindi!!,kargo di kunsensya lang nya ako kung madali man ako ng mga kalaban nya. Nagdilim ang paningin ko sa isiping iyun.
❤pem
Unreviewed.
BINABASA MO ANG
The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] Editing
General FictionSisters by heart series#2 She shouldn't be the bride ngunit hindi sumipot ang kanyang pinsan sa marriage for convenience na iyun kaya siya ang naipalit ng kanyang tiyuhin. Amber is trapped, lalo na ang puso niya. Paano kung bumalik ang kanyang pinsa...