TRB 24

47.8K 1.1K 8
                                    


"Akala ko ba in two weeks pa ang renovation? Bakit na demolish na kami?"
Inis kong sabi Kay Dwight na nasa kabilang linya.

"I change my mind, pinaumpisahan ko na ngayon. don't worry my secretary is there to guide you and your employees. Bye I need to go, see on Thursday."
Sabi nito.

"Akala ko ba bukas ang uwi mo?"
Lalo akong nainis,hindi ko alam.

"I'm sorry, may kailangan lang akong daanan sa Singapore branch. Bye."
Pinatay na nito ang tawag mukhang nagmamadali talaga,nasa Dubai kasi ito.

Hindi na kami pinapapasok sa building namin dahil imumpisahan na itong e renovate. Wala talaga itong sinabi sa akin, nakakainis na.

He's secretary Raymond guide us to the next building, nirentahan ito ni Dwight upang doon muna kami pansamantala mag opisina. Ang ground ay OK naman hindi na kailangan ilipat. Ang 2nd floor at 3rd floor ang inuna. Nang nakarating ako sa panasamantala naming opisina at nandoon na si Toni,ang aga nito.

Nasabihan ko na si Osang at Lian sa Plano ni Dwight sa building at okay naman sa kanila kaya siguro hindi na ito nagtaka sa biglaan naming paglipat.

May mga bago din kaming employees na hi-nire ni Lian upang matulungan kami sa lumalagong negosyo.

Napaka busy ng araw namin, Panay ang pasok ni Toni ng mga bagong clients at natataranta kaming lahat sa mga orders nila kaya hindi na kami nagka oras pang magkakaibigan.  Drain ako palagi pagkauwi ng bahay kahit pa may secretary na ako, ang daming kailangan madaliin. Minsan naiirita na ako Kay Toni pero para naman ito sa aming lahat kaya iniintindi ko nalang.

Thursday afternoon ay nasurpresa ako sa pagdating ni Dwight sa opisina,hindi pa talaga ito dumiritso sa bahay.

"Umuwi kana muna at magpahinga mamaya pa ako, may mga tatapusin pa kami ni Emma." Tukoy ko sa secretaryang pinahiram niya sa akin. Isa kasi ito sa mga employees niya sa hotel nila.

"Hihintayin na Kita."
Saad nito at pumikit. Nasa may sofa kasi ito nakaupo.

"Tulong!!!!, Amber!"
Narinig kong sigaw ni Toni.
"ang baby ko!" Sigaw niya.

Nagmamadali naman akoong lumapit dito at para akong nakakita ng multo dahil sa dugong umaagos sa kanyang hita.
" Tulungan mo ako Amber!" Impit niya.

Para naman akong nahimasmasan.
"Omyghad!!! Dwight!! Help" nataranta kong lapit sa kanya at inalalayan ito."Dwight!! " sigaw ko ng hindi pa ito gumalaw, nakaidlip siguro.

Nagmamadali naman si Dwight nang marinig ako.

" what happen? " namutla itong nakita ang kalagayan ni Toni.

Dali dali nya itong binuhat. Hanggang sa nawalan na ito ng ulirat.

"Bilis!" Sigaw ko dito na nagmadali namang lumabas.

"Sissy! Anong nangyari?"
Sabay na sabi nina Osang at Lian na humahangos pa itong lumapit sa akin.

"Dinugo si Toni." Nagmamadali na akong sumunod Kay Dwight s van.

Sumunod naman agad ang mga kaibigan namin.

Agad namang inasikaso si Toni ng mga doctor.

Hindi ako makatingin Kay Dwight ngayon na ang daming dugo sa kanyang damit. Sa totoo lang takot ako sa dugo. Minsan kasi umuwi si papa noon na may tama ng baril at naghihingalo ito. Nakatakas pala siya sa ambush,kaya mula noon ay iniiwasan ko ang masugatan dahil nanginginig ako kapag nakakita ng dugo.

"Hey, are you okay?" Lumapit ito sa kin kaya lalo akong nagsusumiksik Kay Lian, si Osang ang nagfill up ng mga detalye ni Toni sa nurse station.

"Sissy,okay ka lang?" Tanong naman niya.

"Blood, ayoko kong makakita ng dugo."
Bulong ko sa kanya.

"Omyghad...Dwight magbihis ka muna, hindi kasi komportable si Amber sa dugo. Ang dami kasi sa damit mo."
Paliwanag naman ng kaibigan ko, syempre alam niya kahit pa ang araw ng dalaw ko.

Buti at dala ni Dwight ang bagahi na nandoon sa van na sumundo sa kanya sa airport.

"I look fine now."
Dinig ko mula Kay Dwight na nasa likod namin.

"Iwan ko muna kayo,puntahan ko lang si Osang." Sabi ni Lian at tumayo na ito.

Tumabi ito sa akin.
"I'm sorry, I didn't know.'' Pagsisimula nito.

Umayos ako ng upo at nakita kong nakabihis na nga ito at malinis na.
" okay lang, hindi mo naman talaga alam." Sagot ko.

"May I know why?"
Mahinahon nitong tanong habang nakatitig sa akin.

Bumuntong hininga ako bago nagkwento dito sa takot ko sa dugo.
Mataman naman itong nakinig sa akin.

"Do you want to overcome your fear of blood? I know a doctor."

Napatingin ako sa kanya.
"No! Wala akong sakit!" Bigla kong Naramdaman ang inis.

"Hindi ko naman sinasabi na may sakit ka, I'm just aking you if you want to overcome your fear of blood." Pagpapakalma nito sa akin.

Napatingin ako sa mga daliri kong pinagtagpo."ayoko." Hindi ko alam pero kakaiba ang dating nito sa akin at hindi ako komportable sa ideyang iyun.

"Okay," yun lang ang sagot nito at binalot na kami ng katahimikan.

Maya maya ay lumapit sina Lian at Osang, Napa alam na daw nila ang kalagayan ni Toni Kay Aliyah, ang kapatid nito.

Nag usap usap din sila ni Dwight tungkol sa building renovation kung ano ang magiging arrangements sa bayad namin Kay Dwight pero tumanggi ang hudyo at sinabing para daw lahat yun sa akin. Namula naman ako.

"Rapunzel..." Lian whispered and wink at me. Inirapan ko naman ito.

Naagapan ang miscarriage ni Toni at kailangan niya ng ibayung ingat at pag aalaga.  Sinabi naman lahat sa amin ng doctor ang kalagayan nito at ang mga bawal. Stress.

Matapos naming kumain doon sa kalapit na restaurant ay nagpaiwan muna ako sandali sa silid ni Toni. Dwight is waiting outside, alam ko naman na pagod na ito pero ayaw niya akong iwan.

I saw Toni lying helpless.
After their broke up, hindi ko na siya nakitang ngumiti. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho. Ganyan ba ang dapat gawin kapag nasaktan na Toni.

Ang unfair mo,magkaibigan tayo pero sinulo mo ang sakit. Bakit hindi mo sabihin sa amin ng mabawasan naman ang mga bagahe mo, andito naman kami. Matatag siya kumpara sa akin, hindi ko pa nga alam ang landas ng pagsasama namin ni Dwight natatakot na ako. Paano kung katulad niya ay hindi mag work yung marriage namin kahit na napapansin kong Dwight is trying kahit hindi niya man sabihin at ito ako natatakot ng suklian ang mga pinapakita niya.

Kakausapin ko ba si Dwight tungkol dito? Nakakahiya naman. Ako pa talaga ang mauunang magtanong. Nakakatakot kasi mag assume. Baka kasi pag narealize niyang I'm not the one pala ay bigla nalang niya akong bibitawan?

I hate the idea, nakaka frustrate.










❤pem

Unreviewed.
Inaantok na...muahh

The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon