TRB 12

48.6K 1.3K 8
                                    


Naglibot ako sa buong bahay, ang laki talaga mansion na ito kung matatawag, may gym ito ang lawak. May chapel din sa likod ng bahay at may magandang garden ang nakapalibot dito,at may wishing well pa. Para itong rest house sa bundok, hindi mo akalain na may mga kapit bahay ito dahil sa laki ng pader ang namagitan dito.

At ang pool,ang laki at ang ganda ng paggawa nito dahil may mga ilaw at landscape. Talagang pinag isipan ang bawat detalye nitong bahay, nagsusumigaw ito ng karangyaan.

May entertainment room na kasing laki ng pader ang TV,malawak na library, may opisina din, mga guestrooms at dalawang maids quarter. Ang mga bodyguards naman na stay in ay may maliit na bahay sa di kalayuan ng chapel sa likod.

Napagod ako sa paglibot kaya naupo ako sa may pool side, may maid na naghatid ng miryenda. "Salamat....ahm anong pangalan mo?" Ito kasi yung sumama sa akin na magtimpla ng juice kahapon.

"Merly po ma'am."

Ngumiti ako sa kanya, "sorry Merly ha,muntik ka ng mawalan ng trabaho dahil sa akin."

"Naku ma'am, wag po kayong humingi ng tawad, OK lang po."

"Hindi kasalanan ko naman talaga, pasensya na."

Tumango lang ito at nag paalam na.

Naku magkakasakit ako nito, hindi ako sanay na walang ginagawa. Nakakainis, namimiss ko na ang shop namin. Yung mga Suki kong teenagers sigurado akong nakaabang na yun sa bago kong design.

I love designing, hindi man ako pro dito pero ito ang gusto ko kaya kami nagclick kami magkakaibigan pareho ang hilig namin, ang mga tela at makina.

Si Lian ay mahilig sa mga pambatang damit, ito ang mga ginagawa nya bukod sa paghahandle ng mga account sa aming mga  costumers.

Si Osang ay mahilig sa mga curtains at mga sheets, stage actress kasi sya kaya gusto nya ang mga tela sa kanya din kasi ito laging pina hahandle.

Si Toni ay gustong gusto nya ang pagtatahi ng kung ano ano,wala namang particular pero minsan ay nag de design din sya pero nahihiya syang e benta ito sample lang naman daw.

Kaya naisip ko ang study doon sa dati kong silid baka may makita ako doong sketch pad, kaya nagmadali akong pumunta doon at naghalungkat and thanks to God dahil meron nga at mukhang hindi pa ito nagagamit.

Kinuha ko ito at bumalik doon sa poolside at doon na nag guhit.
Una kong ginawa ay ang mga fresh ang dating at nakagawa ako ng tatlo.

"Ma'am, lunch na po" sabi ni Terry.

Natigilan ako sa pag guhit. "Ah, sige susunod na ako."

Ngumiti naman ito sa akin.
"Mahikig po pala kayo sa pagguhit ng mga damit paniguradong magkakasundo kayo nu Miss Shane."

Naalala ko rin ito, nasaan na kaya sya.
"Saan po ba sya Terry?"

"Ang alam ko po ay may business trip ang kanyang asawa sa UK kaya isinama sya nito." Paliwanag nya.

"Ganoon ba," mabuti pa sya Shane mukhang masaya kahit arrange marriage.

Hindi na ako nag abala pa na magligpit kasi babalikan ko naman ito dahil ang daming pumapasok na design sa utak ko dahil sa paligid. Sumunod ako Kay Terry sa dinning room at ang ako lang yata ang kakain dahil pang isahang kubyertos lang ang nandoon.

"Kumain na kayo?" May dalawang maids kasi doon at si Terry.

"Pagkatapos nyo po ma'am" sagot ni Terry.

"Naku samahan nyo na ako, nakakalungkot naman." Nagkatinginan naman sila ng makahulugan at mukhang gets ko yun.

"Don't get me wrong, hindi ko kayo patutulugin ulit kayo naman ang naghanda nito kaya siguradong wala naman yung pampatulog diba?"

Nabunutan naman sila ng tinik ng bumuntong hininga ang mga ito.

"Sige na tawagin nyo na ang iba at ng makakain na tayo, Merly magdagdag ka ng mga plato para sa lahat." May pag alinlangan naman sa kanyang mukha, siguro hindi ito ang nakagawian dito panigurado yun."sige na, utos yan diba? At ako naman ang amo nyo ngayon diba? Kaya sabay sabay tayong kakain." Namimiss ko narin kasi ang mga kaibigan ko na madalas ay kasama ko sa pagkain.

Sumunod silang lahat sa utos ko at nagsabay kaming kumain, nakikipagkwentuhan ako sa kanila ng mga usual na mga pangyayari sa bahay na ito. Mostly sa kanila ay matagal ng nanilbihan lalo na si Terry, family house pala ito na kagustuhan ng mommy ni Dwight, namatay ito 5 years ago dahil sa ambush at ang pinaghinalaan nila ay kalaban sa negosyo ng pamilya.kaya ba ganoon nalang ka higpit si Dwight sa security ko? Ang special ko naman yata, para akong si Cinderella nito.

Si Shane ay anak sa labas ng kanyang ama at meron pa din daw lumitaw na anak nito sa dating nobya pero hindi nito kinilala ni Dwight dahil hindi sila magkasundo. Ang usap usapan daw ay pera ng pamilya ang habol nito kaya Nagmadali si Dwight mag asawa upang sa kanya mapunta ang negosyo na pinaghirapan naman nito dahil ito lang din ang pakiusap ng ama.

Ang Don naman ay matagal ng hindi dito nakatira mula ng mamatay ang asawa, nangungulila daw ito palagi kaya bumili ito ng di kalakihang bahay at doon na tumira.

Nang matapos kaming kumain ay nagpasalamat sila ay unang beses daw silang sumabay ng pagkain sa kanilang amo. Natuwa naman ako, amo na ba talaga ako? Hindi yata nag si sink in sa akin.

Bumalik ako sa poolside at nagsimula na namang gumuhit, naeenjoy ko masyado ang pag de-design dahil ang daming idea ang naglalaro sa isip ko.

Hindi ko namalayan ang oras at ang dami ko naring nagawa, mga dress at blouses.

Kailan ko kaya ito matatahi?
I feel sad when I look at my works, sayang kung hindi ko ito matatahi ang gaganda kasi at excited ako na pumili ng mga tela para dito pero magagawa ko pa kaya ito? Nalungkot naman ako, tumingin ako sa kalangitan at sunset na pala.

"You can go back to work tomorrow-"

Napabalikwas naman ako ng marinig ko ang baritonong boses na iyun, parang nagkarera yata ang mga kabayo sa dibdib ko. Napatingin ako sa kanya, naka suit pa ito at halatang pagod.

"In one  strictly condition."

Nagliwanag ang mga mata ko, makakabalik na akong trabaho makikita ko na ang mga kaibigan ko.

"You're going with bodyguards. Take it or leave it." Akmang tatalikod na ito.

"I'll take it." Excited kong sabi.

"Good,"

Yun lang at tumalikod na ito.











❤pem

Unreviewed.

The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon