TRB 5

51.2K 1.2K 17
                                    

TRB 5

Hindi ko na namalayan ang byahe namin papuntang bahay nya kasi madilim sa labas at ang bilis ng takbo. Nakasakay kami sa isang Hi Ace van na kulay puti, apat na lalaki ang kasama ko kasama ang driver.  Isa ay katabi noong driver at ang dalawa ay nasa likod ko at para silang mga bouncer ng bar sa laki ng mga katawan, jusko kung tatakas ako nito ay isang kamay lang at makakaladkad na ako.

Hmmmp, kailangan ko ng strategy tutal alam ko naman saan village nila ako dadalhin doon nalang ako mag iisip upang makatakas. Wala akong plano magtagal sa hudyung yun noh.

When were heading the village napansin ko ang gara ng mga desinyo ng entrance. At ng makapasok na kami ay naglalakihang mga bahay ang naroon, ang gaganda halatang pang mayaman talaga. After a block ay lumiko kami at huminto sa isang gintong gate. Wow! This must be his place. His mansion, no! Palace to be exact!

Shit!

When the gate open, tumambad sa akin ang napakalaking bahay, two storey ito at modern classic ang desinyo. Inilibot ko ang paningin ko ng makapasok na ang sasakyan at pagbuksan nila ako. Isang nakangitng matanda ang sumalubong sa akin.

"Magandang gabi Madame, ako po si Terry ang mayordoma. Halina po kayo Madame at nang makapagpahinga po kayo." Magalang niyang saad habang nakayuko.Iginiya nya ako sa double doors ng bahay at pinapasok.

Nang makapasok ako ay mas lalo akong nalula sa mga kagamitan. Napaawang ang bibig ko sa garage. Huge and elegant chandelier, huge paintings at ang gamit... pang royal family. May taste na ganito si Dwight? Ini-expect ko pa naman na very manly ang bahay nya yun pala parang kastilyo, diko alam na makaluma pala ang taong ito pero nakapa elegante talaga parang ayokong tumira dito nagmumukha akong maid dito. Nanliit ako sa sarili ko, naisip ko bigla ang agwat namin ni Dwight, ang taas taas nya.

Sya ang taong kahit sa pangarap ay Kay hirap abutin. Mayaman,gwapo at ang talino nya pero ang bobo nya pagdating sa pag aasawa, isipin mo! hindi man lang sya namili ng karapat dapat para dito sa palasyo nya? O baka sa sobrang dami ng pagpipilian nya ay hindi nalang sya pumili doon. Hay naku, hindi Kita maintindihan hudyo ka.

"Madame this way po," iginiya nya ako sa magarbong hagdanan papuntang second floor. Ang dami namang pintuan.

Huminto kami sa pinakadulong pintuan.

"Ito po yung magiging kwarto nyo Madame." At pinagbuksan nya ako. Tumambad sa akin ang napakalawak na silid, may malaking kama na kulay gatas at may sala din doon, ganoon kalaki ang silid na yun. May dalawang pintuan at-

"Iyun po ang walk in closet sa kaliwa at ang banyo po sa kanan." Sabi ni Terry.

May study corner din doon at may isang divider na puno ng mga libro.

"Sino po ba ang gumagamit dito?"
Tanong ko,hindi naman kasi ito mukhang guestroom.

"Kay miss Shane po ito dati Madame noong nag aaral pa sya, may kunting binago lang si sir Dwight upang maiba ang dating nito, last week nya ito pina renovate, pinalitan po lahat ng gamit except po sa study na ito....okay lang po ba?" Paliwag nya.

Ahh,family house pala ito,akala ko Kay Dwight lang. Tumango agad ako.

Ganoon kadali ang renovation sa silid na ito? Isang linggo ang bilis, kung sabagay ay kunti lang naman daw ang binago.

"Nasaan na si Shane?"

Lumingon ito sa akin.

"May asawa na po sya, at nasa kabilang block lang ang bahay nila ni sir Santillan."

May asawa na ito? Hindi ko anikala, ang sexy pa nito at bata pa.

"Talaga? Ang bata pa nya."

"Arrange marriage po Madame." Ngiti niyang sagot.

Uso talaga yun sa mga mayayaman ano? Buti hindi na arrange marriage itong si Dwight.

"Sige po Madame, lalabas na ako nang makapagpahinga na po kayo. Nandyan na po lahat ng kailangan nyo at kung may tanong kayo may intercom po sa bedside table." Yumuko ito at tumalikod na.

"Sandali!" Tawag ko dito.

"Ano yun Madame?" Lumingon ito.

"Stop calling me Madame, nakakatanda e, Amber nalang po."

"Paumanhin, pero hindi po iyon pupwede  lalo na at ikaw ang asawa ni Sir Dwight."

"Ahm, ganoon ba? Ma'am nalang, kahit hindi ako teacher pwede ng pagtyagaan."
Natawa naman ito bahagya.

"Mapagbiro ka po pala, sige ma'am kung yan ang gusto mo. Lalabas na po ako."

Nakakailang ang po lalo na at mas matanda sya sa akin. Ang galang naman ng mga tao dito. Hay naku imbes na matutuwa ako sa kalagayan na ito ay parang nakakatakot ang lugar na ito, masyadong malula, totoo ba na nandito nga ako?

Lumapit ako sa walk in closet at binuksan, may nakahilira ng mga damit, undergarments, sapatos at mga bag doon. May make up at mga lotion, pabango at may alahas na nakalagay sa jewelry box sa tukador. At lahat naka balot pa at halatang bago, ang iba ay may price tag pa maliban sa jewelry.

Gagamitin ko ba ito? Akin ba to? Ang sabi ni Terry ay Kay Shane ang silid na ito pero halata naman na hindi nya gamit ito lalo pa at lahat bago.

Pinaghandaan talaga ni Dwight ang pagdating ni ate Mira, bigla naman bumigat ang damdamin ko. Ganoon nya ka gusto si ate para ipaghanda ng ganito. Nakaka selos naman, siguro dismayado sya na ako ang gagamit ng mga ito. Nakakakungkot naman, napag iiwanan talaga ako palage.

Kumuha ako doon ng tuwalya, bathrobe, at paris ng panloob. Dumiritso na ako sa banyo na konektado din sa walk in closet. Nag shower ako at nag isip. Hindi parin humuhupa ang kirot na nadama ko. Ilang sandali ay may naisip ako.

Kailangan kong makita si ate Mira at ng makaalis na ako sa panaginip na ito. Hindi maari ito lalo na at may umuusbong na damdamin ang hindi dapat. No one can resist a Dwight Arizona, tingnan ka palang nya papangarapin mo nang mabihag nito pero ayoko nakakatakot yun at never kong pinangarap na maging miserable ang married life ko.

First of all, mag asawa daw kami pero may sarili akong silid. Alam ko naman na for show lang ito kaya separate kami ng silid buti nga iyon walang komplikasyon.

Ako kasi ang tao na madaling mahulog sa lalo na at pakitaan mo lang ng kasweetan ewan ko ba pambihira din ano, assumerang palaka talaga. And thinking he is expecting ate Mira would be her wife is a big slap to me, paano kaya nya tingnan si ate? Ang sabi ni Tito kakaiba e, kaya lalo akong nanliit sa sarili ko.

Tinapos ko ang pagligo at nagpatuyo.
Isinoot ko ang mga under wear at nag roba nalang, feeling ko kasi hindi talaga iyon sa akin ang mga damit kung pwede lang wag na mag damit e malamig masyado e kaya ito nalang muna gagamitin ko. Tutal ugali ko naman ang nakapanty at malaking tshrt lang pag natutulog.

Nahiga ako sa malaking Kama at ang sarap sa pakiramdam sakto lang ang lambot nito at nakapa komportable. Sa sobrang pagod ko ay nilamon agad ako ng antok at makatulog agad.
















The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon