TRB 6

48.1K 1.5K 84
                                    

TRB 6

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, sino ba ang nagbukas ng bintana, panira talaga! antok pa ako.

Nag inat ako at umupo sa kama, ginusot ang mga mata na naka Indian sit. Ang sarap yata ng tulog ko sa napakakomportabling higaan at silid. I woke up like a princess.

Halos mapatalon naman ako sa kinauupuan ko ng makita ko si Dwight na komportabling naka upo sa may sofa at mataman akong tinitigan.

"Holyshit!" Tinakpan ko yung dibdib at hita ko dahil nakalantad ito.

"bakit kaba pumapasok ng silid ng may silid!" Angil ko sa kanya, namula naman ako sa hiya sa itsura ko. Kanina pa ba sya dito? Naku nakakahiya talaga, may muta ba ako? O kaya ay laway, ahh!!!! Kakainis!

Tumayo ito at namulsa. Wearing a bottom down shirt at dark blue slacks ay sobrang gwapo naman niya sa umagang ito. Bagong ahit ang balbas at bagong  ligo. Naaamoy pa talaga ang aftershave na ginamit niya.

"Did you always sleep that way?" Naningkit ang mga mata nito.

Naguluhan naman ako. Ang kanyang mga tingin ay kasing talim ng bagong hasa na kutsilyo. Ano ba ang problema ng taong ito?e ano naman kung ganito ako matulog e nasa loob naman ako kwarto.

"Bakit anong mali sa itsura ko?" Umiwas ako ng tingin kasi matutunaw na yata ako sa mga titig nya, kainis naman oh.

"Did you know that  you almost got raped?" Madilim niyang sabi.

Natakot ako bigla, Bakit may nakakapasok bang iba sa silid na ito? Naku ayoko ko na dito, buti pa sa apartment ko kahit maliit safe naman ako. Jusko kung kailan pa yata ako napunta sa magarang bahay na ito ay madedesgrasya pa ako.

"A-ano?s-sino? Nahuli mo ba?" Kinakabahan kung sabi. Sana nahuli nya at ng makatikim sa akin ng mag asawang sampal, ang lakas naman yata ng loob nyang magnasa sa akin.

"Who else?.... Me, sa itsura mo kahit sinong makakakita sayo ay pagnanasaan ka talaga, you have night dress over there.Damn it!"

Galit nitong sabi at tinuro ang closet, I also heard him curse at umiwas ng tingin sa akin. Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.

Nahiya naman ako sa narinig ko. Ako gahasain nya? May epekto pala ako sa kanya? O masyado lang itong mahalay? Naku kinikilabutan ako. Ayoko ko pang isuko yung V-card ko noh! Kahit pa asawa ko sya, hindi naman totoo yun.

"Get dress, we'll have breakfast downstairs." Ani nito sa siryusong tono.

Yumuko ako. "Wala akong damit dito." Mahina kong sabi, dahandahan naman akong umupo sa gilid ng Kama at inayos ang aking roba.

Marahas naman itong lumingon sa akin
"What did you call the dress inside that fucking closet." Bulyaw parin niya.

Bakit ba sya nagagalit? Para naman akong batang pinagalitan ng ama dahil nagkasala. Pinagtagpo ko ang akong mga paa at napakagat labi.

"Hindi naman talaga akin yun diba? That was intended for ate Mira e ako ang nandito kaya bakit ko gagamitin?" Marahan Kong sabi.

Bumuga ito ng hangin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Kaya ka ba hindi nag damit because of that stupid reason?" He gritted his teeth.
"Sino man ang nandito ay pag aari kung ano man ang gamit na narito kaya magbihis kana dahil gutom na ako, baka gusto mo ikaw ang kainin ko? Matagal akong nabubusog kapag raw." He smirked even if he's holding and anger.

Nanlamig ang tyan ko bigla, napalunok naman ako sa sinabi nya.

"You pervert!!" Lalo ko lang niyakap ang sarili ko. I glared at him at nagmamadaling pumasok sa walk in closet.

"I'll be at the dinning." Sigaw nya mula sa labas.

My God pinagpawisan ako doon ah. Iniinis talaga ako ng hudyung yun. Ganoon pala ahh. Tingnan natin kung hindi kaba mahihirapan nitong susuutin ko.

Kinuha ko isang isang baby blue na dress na masyadong revealing ang cleavege at napaka iksi nito para sa tangkad ko. Dumiritso ako sa banyo at naligo muna bago nag ayos ng kunte.
Hindi ko masyadong tinuyo ang buhok ko and I do it in a messy bun way. Maglalaway ka ngayon gago ka, pinahiya mo ako ganina pwes humanda ka.
I just wear a skin tone flat sandals at lumabas na. Nakita ko si Terry na natigilan ng makita ako.

"Nasaan po si Dwight?" I smiled sweetly.

"Nasa dinning po ma'am, sumunod po kayo." Nagpatiuna na ito sa pag baba. Hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga overcome ang bahay ni Dwight, nakakalula. Habang pababa ako ay may tatlong guard na nasa living room nakaupo, nang mapansin nila ang presenya ko ay biglang lumingon sa gawi ko ngunit yumuko agad ang mga ito pero tumayo naman at bumati.

"Magandang umaga po ma'am." Sabay nilang sabi.

"Good morning." Masayang saad ko.
Bahagya akong huminto ng nakababa na ako.

"Halika na po ma'am, kanina pa po naghihintay si sir Dwight."

Tumango naman ako at sumunod.GGSS yata ako ngayon, ang gaan sa pakiramdam.

Nang marating namin ang dinning ay nakita agad ng mga mata ko si Dwight na nagbabasa ng news papers. May isang maid ang nakatayo,naka unipormi ito at dalawang guard sa di kalayuan sa kanya.

Napansin nya yata na may tao kaya ibinaba nya ang dyaryo at  napatingin sa akin. Laglag ang kanyang panga ng hagurin nya ako ng tingin.  Marahas itong tumayo at-

"Everyone, get out!!!" Sigaw nito.
Bad mood? Napalundag naman ang mga tao doon pati na rin si Terry.

Bumuga ito ng hininga at ang sama ng tingin sa akin.

Yumoko silang lahat at umalis.

"Mapapatay ko ang taong gumawa ng damit na yan."




The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon