When we're heading home ay kinompronta ko sya."Why did you do that?"
"Do what?" His confusing face.
"Ang ipakilala mo ako sa mom mo."
Medyo may irritasyon sa boses."Why not? Your my wife."
Ayan na naman sya.
"Hindi mo naman talaga ako asawa ah. Your only using me to get the company from your dad."I saw him clenched at kinabahan ako doon. "Dwight, we're no real couple. We can file an annulment tutal nakuha mo na ang gusto mo!"
Bigla syang nagbreak at sinuntok ang manibela.
Just wow Amber, you ruin his day.
"I'm trying everything to make you comfortable, even you working ay kinunsider ko kahit kaya naman Kitang buhayin. Ano pa ba ang kulang?"
Mahinahon pero may diin nyang sabi.
Kumalabog ang dibdib ko, ano pa nga ba?"I'm...just...saying na hindi naman natin kailangan na... Ma stuck sa isa't isa."
I saw his jaw moved.
"Why not take the convenience of this marriage,huh?" Sabi nyang nakatingin sa akin,napayuko naman ako.Napaisip ako sa sinabi nya,pero hindi yun ang gusto kong nangyari.
"We don't love each other,Dwight."Maramdaman kong nanigas sya at tumagal iyun ng ilang sandali at nang makabawi ay tumingin muli ito sa akin kaya nag angat ako ng tingin.
"Fairytale don't exist,Amber."
Tama sya, kathang isip lang yun.But I wanna be happy like my parents before, sabi nila sa akin kahit mahirap ang mapangasawa ko basta mahal namin ang isa't isa walang impossible sa aming pagsasama, kaya ayoko sa set up namin ni Dwight dahil parang hindi talaga totoo.
" I know, pero masama bang maghangad na kahit papaano ay mahal naman ako ng asawa ko? Hindi ko yun hihingin sayo dahil alam ko naman na hindi mo kaya ayoko ng konsiderasyon lang. Gusto ko yung pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa... I never been into a relationship before Dwight, gusto ko rin naman maranasan ang magmahal at mahalin,tulad ng mga magulang ko." Mahinahon kong paliwanag sa kanya.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya bagkus ay pinaandar nya ang kotse at pinaharurut ito. Napabuntong hininga nalang ako, hindi nya talaga ako pakikinggan. How selfish you are Dwight.
Kahit sino magugustuhan ka, you have power, money and fame. May lugar ba ako dyan sa puso mo? Lahat ng babae ninais ang mahalin,yun sana ang gusto ko.
Gusto kong maranasan yun pero hinaharang mo, okay sana kung sasabihin mong susubukan natin but no you only manipulate me like one of your businesses. Hindi ako isang bagay na pag-aari mo na kung anong gusto mo ay yun ang masusunod.
Hapon na kami ng makarating sa bagay at hindi parin nya ako pinapansin. Sinalubong ako ni Terry, she aged like mama kaya nang tingnan ko sya ay bigla akong naging emosyonal, I miss her.
"Ma'am Amber."
May pag alala sa boses nya kaya bigla ko nalang syang niyakap. Dinama ko ang pagyakap sa kanya."Yakapin nyo naman po ako oh."
Gusto ko lang ng comfort.
Naramdaman ko ang pagyakap nya.
I really miss mom, pagbalik namin galing Korea bibisitahin ko sya.Hindi sumabay ng hapunan si Dwight sa akin, may tatapusin daw ito kaya mamaya na sya. Naging malungkot ang gabi ko kaya nakatulog ako ng maaga,hindi ko rin namalayan na tumabi si Dwight. Kinabukasan ay nagising ako sa lagaslas ng tubig sa banyo, naliligo na siguro ito.
Bumangon ako at tiningnan ang oras alas singko pa lang ah, ang aga naman nya. Napansin kong may maleta na sabay naman nito ay ang pagbukas ng pintuan sa banyo.
Napalingon ako sa kanya.
"Everything is ready, you fix yourself we're leaving in an hour."
Ki-aga-aga ang bossy, ganon ba talaga sya?wala man lang good morning.Nakita kong pumasok sya sa walk in closet kaya sumunod na ako sa banyo at naligo.
Wala parin kaming kibuan.Hindi pwede ito, out of the country tapos war zone? Ang gaga ko naman kasi.
I look at my cellphone and saw Toni's chain message at bigla ko naalala ang sinabi nya noong nalaman namin na nagpakasal ito Kay Theo.
"What am I trying to say is that hayaan na muna natin ang mga sarili nating mainvolve minsan sa labas ng mundo natin... We're guarding ourselves since high school kaya mga tayo walang mga boyfriends.....at hindi tayo habang buhay single."
"Guys let's get out of our comfort zone, and when everything get mess we still have each other. Right?"
" I know how to cry and be wasted and after that I will stand up, accept and move on.....yun naman yun diba?"
Nasabi nya iyun dahil mahal nya si Theo pero ako? Mahuhulog pa lang hahayaan ko ba? Tulad ng sabi niya,Hindi ko alam kung ano ako pag ako nasaktan baka hindi ko kayanin, Toni is such a strong woman e ako?
Bahala na siguro, alam ko naman ng part talaga ng buhay ang masaktan ka. Hindi mo naman siguro maiiwasan yun diba?
Napasubo narin ako,siguro susugal nalang ako. Kung ano man ang kahihinatnan nitong larong ito bahala na si Batman.
I let a deep breath.
"Dwight." Tawag ko sa kanya na siryusong nagmaneho patungong airport,hanggang airport lang ang mga bodyguards sa pagkakaalam ko.
"Don't start Amber.If it is all about the annulment, my answer is NO!."
I bit my lips, yun pala talaga ang ikinagagalit nya."I'm sorry." Mahina kong sabi.
He slowdown the car at bahagya akong nilingon. "Ayoko lang na masayang ang byaheng ito, we can pretend..." Pabitin kong sabi kasi hindi ko rin alam kong ano ang pwede naming ipagkunwari na simula't sapol ay nagkukunwari naman kami sa mga kakilala nya.
I heard him sigh. "Better."
Yun lang at pinaharurut nya muli ang sasakyan.So ano yun? Okay na kami?
Ano ba talaga ang plano mo sa akin Dwight?wag mo naman sana akong itapon na parang basura kung kailangan mo na akong alisin sa buhay mo.
Napabuntong hininga nalang ako.
This is suicide.❤pem
Pasensya na sa maling grammar, hindi ako magaling dyan.✌✌
BINABASA MO ANG
The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] Editing
Ficción GeneralSisters by heart series#2 She shouldn't be the bride ngunit hindi sumipot ang kanyang pinsan sa marriage for convenience na iyun kaya siya ang naipalit ng kanyang tiyuhin. Amber is trapped, lalo na ang puso niya. Paano kung bumalik ang kanyang pinsa...