TRB 19

49.7K 1.3K 26
                                    


Nagkainuman ang mga lalaki pagkatapos kaso inaantok na ako kaya nagpahatid na ako Kay Dwight sa cottage namin, bumalik sya sa mga kaibigan nya at hindi ko na namalayan na tumabi ito sa akin sa pag tulog.

Kinabukasan ay nasa sillya na ito malapit sa bintana nagkakape at nakatutuk sa laptop niya.

"Hey!"
Pansin nito sa akin.

Napaka hard working nya talaga,ang aga nitong gumising kahit pa matagal itong natulog.
"Morning."
Bati ko sa kanya.

Bumalik na ito sa ginagawa kaya naligo ako at nag ayus, maglilibot ako ngayon sa isla dahil aalis na rin kami mamayang gabi.

May breakfast na doon na nakahanda kaya hindi na kami lumabas upang kumain.

Hinayaan nya akong lumabas ng cottage mag isa dahil may emergency daw itong inaayos. Pumunta akong souvenir shop at bumili doon ng kung ano ano para sa mga kaibigan ko, namimis ko na sila.
May bikini doon kaya bumili ako ng isang pares at sarung. Nang pabalik na kong cottage namin ay nakita kong nasa dalampasigan si Dwight at kelly, and she is flirting again. Naka one piece bikini ito na may butas sa pusod. At ang hudyong Dwight naman ay tuwang tuwa sa view. May pahampas hampas pa ang higad sa asawa ko, ang dalawang kamay naman ni Dwight ay nasa kanyang bulsa lamang pero halatang nag eenjoy sya babaeng kausap.

Nang gigigil akong nakatanaw sa kanila, emergency pala ha nalingat lang ako nakipaglandian kana sa iba.

Watch me.

Tumuloy akong cottage at nagbihis ng two piece bikini na kulay pink, ang sarap bigwasin ng mukha ng babaeng yun halata naman na gusto nyang masulot ang asawa ko pwes madamot ako sa mga bagay na dapat ay akin lang.

Akin lang talaga? Ambitious naman din pala ako masyado, pero habang hindi pa nya ako ina annul pagmamay ari Kita  Dwight Arizona.

Lumabas akong naka bikini na pinatungan ng sarung. Nakikita kong nag uusap pa rin ang dalawa at ang higad naman ay kumapit na talaga sa braso ng asawa ko. Naniningkit ang mga mata kong nakatutuk sa kanila.

Habang papunta ako sa gawi nila ay may humarang sa akin na chinitong lalaki.

"Hi!" He said with a genuine smile in his face.

Na amuse naman ako sa mukha nya, ang cute nya para syang si Li Min Ho ng City Hunter. Naexcite naman akong makakilala ng singkit. Fan pa naman ako ng mga singkit.

"Hey!"

"You look gorgeous, really." He amusely said.

Nahiya naman ako. "Thank you." Pag papacute ko dito.

"I'm Juno..." Paglalahad nya ng kamay sa akin.

Bigla naman may lumundag sa dibdib ko, I just can't believe I'm talking to a foreign guy right now. Hindi naman ako ignorante sa mga foreigner it's just that I'm trilled, first time may nagpakilala sa akin na singkit mostly kasi nakikialala ko ay amerikano.

I plastered a smiled at him, natutuwa talaga ako. I'm about to accept his hand for shake when somebody grab it.

Nawala ang ngiti ko ng makita si Dwight standing next to me with his dark eyes. Kinakabahan ako bigla sa expression niya.

Is he mad?

Bakit?

"My wife has no time for your nonsense,boy."he said coldly.

Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nya. 'Boy'? Ganoon ba sya katanda sa amin para tawagin nyang bata si Juno, natawa ako kunti pero hindi ko yun pinakita sa kanya.

" oh, I'm sorry Mr. I never expect she's married at her look." Juno shook his head and wave goodbye. Nanghinayang naman ako.

"Oh, you look disappointed. You like that boy?" anger is visible in is voice.

"He doesn't look like a boy, you know." May inis kong sabi. "Matanda ka lang talaga kaysa sa amin."

Killjoy.

He hold me tighter.
"Where did you get that piece of clothes huh? At bakit yan ang suot mo?"
Galit nitong.

Napakurap ako sa tanong nya,bakit yung higad na Kelly na yung naka swimsuit naman ah bakit hindi nya sitahin? ....dahil nag eenjoy siya?

I glared at him. "I bought it, and this is a beach Dwight. What you expect? Mag lacy bra at panty ako gagala dito?"

Mas lalo dumilim ang mga mata, para yatang may bagyong paparating.
"You change, because we're going home." Madiin nitong sabi.

"What? Hindi pa nga ako nakakatapak dyan sa tubig uuwi na tayo?" Gulat kong sabi.

"You wanna swim?"

"Of course!!"

"May swimming pool sa bahay,doon ka mag swimming kahit buong araw pa."
Ani nito at hinila na ako papuntang cottage namin at ng maisara nya ang pinto ay binalikwas ko ang pagkahawak nya, natigilan naman ito.

"Bakit ba ang kj mo? Ano ba ang pinunta natin dito? Ang makipaghapunan sa kaibigan mo? My God Dwight your unbelievable!! Ang ganda ng lugar!! Bakit hindi nalang natin sulitin? Enjoy ka ngang kausap yung kelly na yun kanina diba? Why not e enjoy ko narin pagpunta dito?Ang layo kaya ng byahe tapus wala lang?" I'm in hestirical.

Naningkit ang kanyang mga mata. Bakit ano ba iniisip nya?

"You think I'm enjoying talking to Kelly? Lumabas ako para hanapin ka pero naharang nya ako and she is proposing me a business like this kaya hindi ko siya maiwan,she aproach me nicely."
He explains. Why he explain?

Namula ako sa sinabi nya. Hindi ko naman hiningi na mag explain sya ang akin naiinis ako sa babaeng yun.
"O, e Bakit mo iniwan?" Tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Because that bastard is hitting on you!"
Pabagsak nyang sabi at dumilim na naman ang mga mata nya.

"Ano ngayon?" Ngumuso ako. Iinisin ko talaga sya katulad ng pagkainis ko.

"Gusto mo ba akong makulong dahil sa lalaking yun?" Lumapit siya sa akin at kinakabahan na ako.

"Ba-bakit ka naman m- makukulong?"
Palapit pa sya ng palapit hanggang sa inches nalang ang distansya ng aming mga mukha.

"Because I will wrecked that bastard hand if it landed's yours." Mariin nitong sabi at dumadapo na yung hininga nya sa mukha ko. Para akong nakukuryente sa ginawa nya.

"Y-your over a-acting D-"
Halos hindi ko na mabuo ang sasabihin ko sa kabog na nararamdaman ko ngayon. My heart is beating so fast.

He shut me with his finger.
"I'm not! because your only for me." Bulong nito bago nya sakupin ang mga labi ko.











❤pem

Try ko ang BS next chap.

The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon