TRB 15

49.8K 1.2K 10
                                    


"Bukas pupunta tayong Korea , my college friend invites us for their anniversary." He said while driving, hinahatid nya ako araw araw at sinusundo.

Ewan ko kung ano ang iisipin ko sa pinapakita ni Dwight, kung tutuusin ay parang normal married couple kami, nababangayan minsan. Oo nagbangayan kami noong pinintasan nya ang opisina namin. Hindi ako nagpatalo sa kanya, sabi nya hindi raw appropriate ang opisina namin natural kakasimula palang namin,kaluka.

Bukas ay sabado at wala akong trabaho, Plano ko pa naman na gagawa ng mga damit na naiguhit ko na pero hindi ko na magagawa.

"Bakit kasama pa ako?"
I pouted, I hate riding planes nahihilo ako. "Isa pa expired na ang passport ko" dagdag ko pa.

"Pina ayus ko na, pati visa handa na kaya wala kang rason para tumanggi."
Ang pera nga naman.

Bumuntong hininga ako, I felt defeated.
Sya talaga ang masusunod at naiinis ako doon.

Nang pababa na ako ay nagsalita sya.
"Mag half day ka may pupuntahan tayo. Susunduin Kita."

"Saan?"

"Basta!"

Hindi na ako nagtanong at tumuloy na lang. I've been avoiding him since I felt a strange heartbeat in me, natatakot ako na tuluyang mahulog sa kanya lalo na at on touch sya sa akin, lahat ng ginagawa ko ay napapansin nya at palagi syang may nasasabi dito. At ayoko mag assume at lalong ayokong umasa sa relasyong ito, masyadong marangya hindi bagay sa kin kaya habang maaga pa ay ayokong bigyan ng halaga ang pagsasamang ito, I know one day darating ang one great love nya at ako? Isang pagkakamali lang.

Nakatunganga lang ako sa trabaho, si Lian ay busy sa mga pambatang damit na tinatahi nya. Si Osang ay absent kasi may meeting daw sa school ng anak nya. Si Toni ay may kinikitang kliyente.

Nag sabi na ako sa kanila na half day lang ako at pumayag naman sila.

Around 11 ay tumawag si Dwight at susunduin na nya raw ako. Nag ayus ako ng kunte sa sarili ko kahit wala namang naiba dahil wala akong ginawa.

"We'll eat first, bago tayo tutuloy sa pupuntahan natin." Sabi nya nang nasa kotse na nya kami.

Hindi na ako kumibo tutal ay sya naman ang masusunod.

"Are you okay?" He asked.

"Yeah, I'm fine." Sabi ko ng hindi ito nilingon.

"Amber, I know your not. What is it?"
He insisted.

"Wala nga, wala lang ako sa mood."
Hindi ko parin sya nilingon.

Bigla ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking hita,naka miniskirt pa naman ako.Agad akong napabaling sa kanya.
"What are you doing?" Kinakabahan ako ng sobra. Pinandilatan ko din sya.

"Changing your mood?"

Kinilabutan naman ako sa boses na ginamit niya. Nagsitindigan ang mga balahibo sa buong katawan ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng tumawa ito ng pagkalakas. Walangya ka!!

Hinampas ko sya sa braso at tinawanan lang ako. "Pervert!!"

He just wink at me.

Kumain kami sa Italian restaurant dahil sinabi ko, I'm craving for pasta matagal na kasi akong hindi nakakain nito. Pagkatapos naming kumain ay nag byahe uli kami at huminto sa isang flower shop.

"Mr.Arizona..."
Bungad sa amin ng isang magandang babae, marahil ito ang may ari.

"Stop the formality Thessa." He's annoying tone.

The lady just chuckles and I feel irritated.

"She must be your wife." Baling nito sa akin, na may panunuya? Aba anong problema nito sa akin ha?

"Yeah, and I'm bringing her to her."
Naglibot ang paningin nito sa mga bulaklak doon. Kanino nya ako dadalhin?

"Oh, she must be something."
May nagising makahulugan ito.

Parang may kakaiba sa mga titig ng babaeng ito Kay Dwight, she likes him.

"Where's my order?"

I assume matagal na silang magkakilala dahil sa paraan ng kanilang pag uusap. Bakit hindi nalang sila nagpakasal mukhang close naman sila at mailalantad nya sa madla.

Naiinis ako, hindi ko alam kung bakit.
Parang ang sarap sabunutan ng babaeng ito.

Selos ka?

Ba't naman ako magseselos e wala naman silang ginawang kakaiba, ano ba yan nakakahiya itong mga pinag iisip ko.

Maramdaman kung may pumulupot sa bewang ko. "Ang talim yata ng tingin mo Kay Thessa, I assume your jealous." He whispered, it sent shivers down my spine. Ghad! Dwight lumayo ka sakin,pakiusap.

"W-why s-should I?" Utal kong sabi e na di-destruct ako sa kamay nya nasa bewang ko't hinahaplos haplos pa ito.

"Try harder,baby."
Inamoy nya ang likod ng tenga ko bago ako binitawan at kinuha ang mga bulaklak.

Nanlalambot ang mga tuhod ko sa ginawa niya. And I hate myself for feeling this way. Kung hindi lang kami nagsimula sa mali siguro masasabi kong may chance na pwede kaming ma-develope.

"Babe! Come on!." Napaigtad naman ako sa pagtawag nya, Kay lambing. Naiinis na talaga ako sayo Dwight, pa fall ka masyado.

I heard Thessa slightly laugh kaya napatingin ako sa kanya. ''Masasanay ka rin sa charms ng asawa mo."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalong maiinis dahil baka pwedeng naging ka fling nya ito?

So ano share kami?

Uhg!

Padabog akong bumalik sa kotse niya.
"Hey, smile! Hindi bagay sayong nakasimangot."

Inirapan ko nalang sya dahil nahihiya parin ako sa sarili ko.

Hindi naman mahaba ang byahe patungong cementeryo-

Cementeryo? Sino dadalawin namin dito?

Nauna na itong lumabas kaya sumunod naman ako, kinuha nya ang mga bulaklak sa backseat.
"Kindly get the candle?" Turo nya sa backseat na may isang basong kandila.

Kinuha ko ito ng walang pag alinlangan at sinara ang pinto ng kotse.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang museo.

Nagkakutob na ako kung sino ang nakahimlay dito at nakumperma naman ito ng mabasa ko ang lapida.

' Doña Martina Loyola Arizona '

His mother.

"Hi mom!!" Masiglang sabi ni Dwight while placing the flowers in front of his mother's grave.

Kinuha nya sa akin ang kandila at sinindihan ito.

Tumabi ito sa akin at inakbayan ako.
"Mom, I want you to meet my wife...Amber, my mom."

O my, ipinakilala nya ako sa mom nya.
"Hello po" I said awkwardly.

Bakit nya ginawa ito? Diba pansamantala lang naman ako? Hindi ba nya naisip na maaring sa susunod e ibang asawa naman yung dalhin nya? Yung talagang mahal nya.

Ang sakim mo Dwight, pinapaasa mo ko.










❤pem

The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon