TRB 23

48.5K 1.2K 10
                                    


Kring...

Kring...

Kring...

Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Ang aga naman tumawag, sino ba to.

Nang tingnan ko ang caller ID ay si Theo.
Napabalikwas ako ng bangon at hindi ko sadyang matabig si Dwight na nakayakap sa akin. "Sorry...I'll have to answer this baka importante."

"Who's that?." Pupungas punga pa ito.

"Si Theo."

"What?" Napabalikwas naman ito.

"Theo?" I answered him in confused.
I saw Dwight's dark eyes glared.

"Amber,tumawag ba sayo si Toni? Nawawala kasi siya at ang bahay parang nilouban,ang gulo, may mga bahid pa ng dugo." Nag alala nitong sabi.

"Ano? Dugo?... No, hindi siya kumuntak sa akin. Jusko Theo ang kaibigan ko."
I'm horrified for the news, sobrang kaba ang bumundol sa akin. What if something is happened to her.

Dwight mouthed 'what happen' pero tumulo na ang luha ko sa kaba.

"Tumawag na ako ng mga pulis para maimbistigahan. Sige tatawag nalang uli ako." Sabi nito at pinatay na ang tawag.

Inalo ako ni Dwight at pinakalma.
"What happened?"

"May nangyari sa bahay nila Theo, nilouban daw ito at may mga dugo and Toni is nowhere to be found...I'm worried Dwight. Baka may nangyari na sa kanya."
Napaiyak na talaga ako.

My phone beep for a message and I open it immediately. Its Aliyah.

From:Aliyah

Mga ate. Nandito kami ni ate Toni sa ospital, dads in critical and ate is a mess. Can you come over?

Bigla ay nabunutan ako ng tinik ng malaman kung nasaan si Toni, ang importante ay ligtas ito.

"Kailangan kong pumuntang ospital, nandoon daw si Toni." Nagmamadali kong sabi at tumayo na ako.

"I'll come with you."

Hindi na ako tumutol at dumiritso na sa banyo, I bath quick. Nang makalabas ako ay wala doon si Dwight.

Nagmadali kami papuntang ospital at doon nakita ko ang kalagayan ng kaibigan ko. Napahagard na mukha at may benda ang paa. Halos magkasabay lang din kami nina Osang at Lian.

"Sissy! Tumawag sa akin si Theo, nawawala ka daw ang bahay nyo parang nilooban yata at may mga dugo, Totoo ba yun? Anong nangyari sayo? May mga police na sa bahay nyo." Nag alalang sabi ko.

Umiwas ito ng tingin.
"hindi kami nilooban, winasak ko yun."

Tumingin kaming lahat sa kanya."may problema ba sissy? " mahinang sabi ni Osang.

Hindi ito sumagot at yumuko na lamang.

Nang hindi ito sumagot ay naintindihan namin na kailangan niya ng space kaya hindi na kami nangulit. Marami pa namang pagkakataon.

" normal lang sa mag asawa ang away pero ang brutal mo naman yata at talagang winasak mo ang loob ng bahay, nakakatakot ka palang galitin Toni." Ani ni Dwight na bahagyang tumawa. Tumingin ito sa kanya na walang emosyon kaya siniko ko ito.

" sorry " muli itong umiwas.

Naupo kaming lahat at nagpakiramdaman. "Matulog ka muna sissy, super haggard na yang mukha mo namumugto pa yang mata mo oh." Sabi ni Lian at giniya nya ito sa kanyang hita upang ihiga ang ulo.

The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon