TRB 9

47.8K 1.2K 14
                                    

Pagbukas ko ng pinto ay narinig kong nagbilin si Dwight.

"Don't let her out without my permission." Matigas nitong sabi.

Ang higpit nya talaga, kakainis.

Sa inis ko ay hindi muna ako nagbihis,naghilamus at nag toothbrush lang ako.

Mag iisip ako ngayon ng paraan upang makauwi, paniguradong magtataka na yung mga kaibigan ko na hindi ako nakapasok sa trabaho.

Kumain ako ng breakfast mag isa kasi umalis na ang hudyo na di man lang nagpaalam sa akin.

Naglibot ang paningin ko sa buong dinning room, nagbabakasakali na may makita akong paraan upang makatakas.

Hanggang sa natapus na ako kumain ay wala pa akong naisip. Dinala ko ang aking pinggan sa kitchen nakita ko doon ang isang katulong. "Si Terry?" Tanong ko dito.

"Namalingke ko ma'am."

Pagkakataon ko na ito
"Ilang guard ang naiwan?"

"Apat po sila sa labas ma'am."
Palaging apat ang naiwan sa akin at pansin kong dalawa lang ang kasakasama nya.

May naisip ako bigla.
" may ingredients ba dyan para sa brownies? Gusto ko kasing gumawa para sa atin."

Nagliwanag ang mukha ng katulong.
"Ang bait nyo naman po ma'am, mukhang meron naman po ma'am."

"Paki prepare naman, may kukunin lang ako sandali."

Hindi ko naman sila lalasunin, papatulugin ko lang.

I always bring my sleeping pills on my pocket kaya pagkakataon ko na ito. Pumasok ako sa kwarto at hinalungkat ang clutch ko and thank God may dalawa pa akong natira  nito, minsan kasi hindi ako nakakatulog agad sa gabi dahil sa insomnia kaya meron ako nito at nilalagay ko ito sa pitaka dahil minsan ay nakikitulog ako Kay Toni.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuhay ito, ang daming message agad galing Kay Osang at Lian.

Tinext ko si Toni na sunduin ako sa gate nitong village,more than an hour ang byahe papunta dito kaya may time pa akong gumawa ng brownies at ipapatikim ko sa mga tao dito.

Nagmadali akong gumawa ng brownies forte ko ito dahil paborito ko kaso hindi ako kakain nito ngayon kasi lalagyan ko ito ng flavor, hihi.

Around 30 mins ay naluto na ito at tinawag ko ang lahat ng kasambahay pati narin ang mga bodyguards upang pakainin. Nagmatigas ang mga ungas baka raw pagalitan sila ni Dwight kaya ginamit ko ang magiging Mrs.Arizona.

"Kakain kayo kasama ko o hanggang ngayon nalang ang serbisyo nyo? Mamili kayo....I can call Dwight right now" at iniwagayway ko ang aking cellphone.

Namutla silang lahat.
"Kakain na po ma'am" halos sabay sabay nilang sabi.

Napangiti naman ako.Nang makita silang nag unahan sa pag Kain, halos mapuno ang loob ng dinning room ang dami kasing kasambahay ni Dwight e wala naman masyadong mga ginagawa.

"Oops wait,kukuha lang ako ng juice." Tumayo na ako.

"Ako na po ma'am." Sabi noong mas batang katulong na ngumuya ng brownies.

"Samahan mo nalang ako, halika."

Tumungo na kaming kusina, Napansin kung Napa kurapkurap na ito.

Ayan gumagana na.
Habang nagtitimpla ako ng juice ay naghanda naman ito ng mga baso.

"Ma'am, mag c.cr lang po ako sandali."

Sulyap ako sa kanya " okay."

Habang naglalakad ito ay pahawak hawak ito sa kung saan saan.
Hanggang sa nakapasok na ito sa likod ng kitchen.

Napangiti naman ako. Inihanda ko na ang juice na dadalhin sa dining room.
Napangisi naman ako ng makita silang nakatungo lahat sa mesa.

Dali dali kung ibinaba ang juice sa mesa at patakbong lumabas ng bahay. Wala akong sapin sa paa pero binaliwala ko ito basta makalabas lang ako.

Ang init ng simentong inapakan ko ay halos pumaso sa aking mga paa.
Nang matanaw ko ma ang gate ng village ay para akong nakahinga. Nakita kong busy sa Facebook ang security guard na nagbabantay kaya naman ay nilampasan ko lang ito at dumistansya doon upang hindi ako makita.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang kotse ni Toni kaya tinakbo ko ito.
"Amber!!"

Nang makapasok ako ay para itong maiyak ng makita ako,niyakap nyang ako ng sobrang higpit na akala mo ay may aagaw sa akin.
"Anong nangyari sayo?" Ani nito.

Naiyak na ako, ang hapdi na kasi ng  paa ko.

Para talaga akong takas na priso sa ginawa ko, at na iimagine ko na ang itsura ni Dwight. Parang halimaw na kakain ng tao, naku wag naman sana nyang tanggalin ang mga pinatulog ko.

Wala kaming imikan sa byahe, pinagtatagpi ko pa ang sasabihin ko sa kanya, hindi rin naman ito nagtanong nakiramdam lang.

Pumasok kami sa isang subdivision na kailanman ay hindi ako na gawi, huminto kami sa isang bahay.

"Kaninong bahay ito, sissy?"

Pinatay nyang ang makina ng kotse. "Bahay namin ni Theo."
May gusto akong sabihin pero wala akong maisip. Oo nga pala mag asawa sila.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay ang maliit na frame ang napansin ko sa lamp table. Wedding picture nila ito ni Theo na kasama ang kanyang ama at adopted sister.

Tumingin ako sa kanya."Are you happy sissy?"

She sigh."half"

Alam ko kung bakit dahil hindi naman sila nagpakasal dahil sa love, tulad ko ay napilitan lang din sila.

"Mag uusap tayo pero kailangan mong mag ayus muna.. Nasa kabilang kwarto ang guestroom yung pula ang pinto,dadalhan nalang Kita ng damit."

Hindi na ako umangal dahil nanlalagkit na rin kasi ang feeling ko.

Naligo ako at nagbabad pa sandali. Hinatidan nya ako ng damit kaya sinuot ko na.

Pagkatapos kung mag ayus ay lumabas na ako ng silid at kumain na rin kami ng lunch.

We ate our lunch together.

"Toni, OK lang ba kayo ni Theo?"
Basag ko sa katahimikan namin.

"Oo naman. We're civil to each other."
Habang umiinom ito ng tubig.

"Anong plano nyo?" She  raise her brow.

"What are you trying to say Amber?"

I held a sigh." Sissy I'm already married like you." Mahina kong sabi.

"What???" Para itong natamaan ng malaking bola sa rebelasyon ko.

"A replacement bride to be exact" I sigh again.

"Paano nangyari yun?" Nablangko yata utak niya sa sinabi ko.

Uminom ako ng tubig. "Si Ate Mirasol sana ang ikakasal pero hindi sya sumipot....,kesa mauwi sa kahihiyan ang groom side ako ang pinalit Kay ate tutal Wala namang nakakilala sa kanya kundi si Dwight lang."

"Dwight?" She asked.

"Dwight Arizona the great Cold and Heartless man behind the alcohol industry."

Her eyes widened when she heard the name. Sya lang naman ang may ari ng mga planta ng alak sa buong Pilipinas. Well nakapangalan iyon sa ama nya pero sya na ang nagpalago at namahala for 6 years.

Natulala sya sa rebelasyon ko. Mga mahigit isang minuto. "Hoy, magsalita ka!!" Sabi ko

Parang nahimasmasan naman ito sa pagpukaw ko. " I'm sorry..... Totoo ba ito? Pakiulit nga?" Paninigurado niya.

"Totoo nga!! Asawa na ako ni Dwight Arizona" sabay pakita ko ng wedding ring sa kamay ko.

"O....my....ghad!!!!"



❤pem

The Replacement Bride (SBH Series#2) [COMPLETED] EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon