Chapter 24 - Ang Mahikang Yage

281 9 0
                                        

-ROSOLINA's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-ROSOLINA's PoV-

"Dumating na s'ya Rosolina. Nakita s'ya ng naggagandahang mga mata ko," pagkatapos sabihin ni Tsismosa 'yon ay yumukod na s'ya at lumabas. May pumasok naman. Nandito na s'ya.

"Kamusta?" bati ko sa kanya. Ngumiti s'ya. Kahit kailan ay makakapagkatiwalaan s'ya. Ang isa sa mga sikretong alagad namin.

"Nagawa ko na," ako naman ang napangiti.

"Ohw, magaling. 'Di magtatagal babalik sila dito. S'ya lang ang paraan para matalo ang nakatakda." hindi s'ya kumibo kaya dinagdagan ko ang aking sinabi. "Napakagaling ng ginawa mo. Napakagaling ng mga ideya mong kulamin ang sakop ng kaharian, magsanhi ng pagtuyo, at lason. Alam ko, maaapektuhan ang pangalan ng anak ko. Si Doluis. Pero konting tiis nalang, mabubuo na si Eruck."

"Ako ang bahala sa kanila. Mamaya, darating si Rahalia. Dala ang isang buong paa ni Eruck na nakuha n'ya sa Greece. Isang napakalayong lugar." napapangiti ako.

"Hahahaha! Hehehe! Hohoho! Napakagaling!" humagikhik naman s'ya.

"Ano nga pala ang balak mo sa Englishera?" tanong ng aming sikretong alagad.

"S'ya ang dilag na iaalay sa muling pagbabalik ni Eruck." sagot ko.

"At ang lobo?" napangiti akong muli.

"Patayin mo."

-JASMINE's PoV-

"Lobiosia... Lobiosia..."

Mag-uumaga na pero hindi namin s'ya makita. Bago kami umalis papunta sa bahay ni Tita Alicia ay tsaka lang namin naalala si Lobiosia. Naaawa na ako kay Tasio. Nanghihina na s'ya.

Halos nilibot na namin ang buong subdivision na ito. Lahat ng kapit bahay ay napagtanungan na namin. Wala, walang Lobiosia.

"Tasio, imposibleng makita pa natin s'ya," saad ni mang Mikey nang muli kaming nagkita-kita dito sa abo naming bahay.

"Hindi, buhay pa s'ya, buhay s'ya," nanghihinang sagot ni Tasio. Pero wala, wala s'yang luha.

"Tasio, baka, baka nasunog na s--"

"BUHAY S'YA MIKEY!" at kasabay ng pagsigaw ni Tasio ay biglang kumidlat pero nalusaw ito bago pa makarating sa lupa.

"Buhay s'ya," malamig n'yang tugon.

Nagliwanag naman ang buong paligid dahil sa pagsikat ng araw.

 Pati ang snow na bumabalot sa buong paligid ay lumiwanag na din.

"Uuwi na 'ko," dagdag pa ni Tasio. Gumalaw naman si Ecia na nakadapo sa balikat ko.

"Tasio--" pero bago pa ako makapag react ay binalot na ng kayumangging usok si Tasio at parang nahati muna s'ya bago nawala.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon