Prologue

177 21 1
                                    

Oo, nahirapan akong aminin sa sarili ko na wala na kami.

Hindi ko tanggap na naging ganun siya sakin. Isa akong medyo nerdy na babae. At desente ako. Pero ang ipag palit ako ng lalaking mahal ko sa isang babaeng medyo showy ng katawan na makikitaan na halos ng kaluluwa?

Hindi ko yata iyon matatanggap.

Ganun nalang ba ang pinuntahan ng ilang buwan naming relasyon? Kinalimutan niya nalang ako ng basta basta?

Natuto akong mag tago ng emosyon. Yung tipong naka ngiti ka sa panlabas pero sa loob? Hirap na hirap ka na at na sasaktan ka na talaga ng todo.

Habang tumatagal, nahihirapan din ako. Meron din yung mga araw na nakikita ko silang nag lalandian. Dedma nalang rin ako. Kahit ang totoo? Gustong gusto ko silang pag untugin at saktan.

Akala ko talaga nung una malakas ako at kaya kong ipa mukha sa kanila na hindi ako na aapektuhan. Pero hindi eh. Kasi habang tumatagal. Mas lalo akong na aapektuhan.

Hay!
Buhay!

Ako, si Arra Menese at ito ang buhay ko

Published: 3-19-17

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon