transform

82 15 5
                                    

Chapter 3

Arra Menese's POV

"ARRA!gising!"
Naririnig kong paulit ulit na sinasabi iyon ni mama.

"Opo! Gigising na!" Sigaw ko naman pabalik para marinig niya ako.

Bumangin na ako sa kama. At naalala ko na aalis nga pala kami ngayon ni Hannah. Patayo palang ako ng kama nang biglang may kumalabog sa pinto ko.
At sa gulat ko ay muntikan ko pang mabitawan ang cellphone ko.

Nang makita ko kung sino ang walang hiyang nag pumilit mag bukas ng pinto ko ay napa mura ako sa loob loob ko.

Sino ba naman kasing matinong tao ang kakalampag ng pinto ng kaibigan niya para lang pumasok? Pwede naman kasing kumatok nalang ng maayos?

Jusko tong babaeng to.

"ANO BANG PROBLEMA?! PWEDE NAMAN KASING KUMATOK NG MAAYOS! BAKIT KELANGAN MO PANG KALAMPAGIN ANG PINTO KO NA ANIMO HINAHABOL KA NG MULTO?!" asar kong sabi.

"Aba? Sorry! Excited kasi ako eh! Nakita ko kasi yung status mo eh! Jusko! Antagal mo mag upload ng status mo ano! Eto lang talaga yung hinihintay ko! Yung ma lagay mo na single ka. Hay nako. Gusto ko tuloy magpa party dahil dun! Di mo alam kung gano ako ka proud noh!"

Napa ngiwi ako ng di oras...

For heaven's sake? Bakit kelangan niya pa mag pa party?
Hindi ko alam kung nawalan ba ng turnilyo sa ulo yan si Hannah o naka hithit lang ng katol.
Baka naman naka high?

Pumasok nako sa banyo para maligo. Hindi pako nakaka banlaw ay bigla nang sumigaw.

" Arra! Bilisan mo nga jan! Di ako mapakali. Excited nako!"
Sigaw niya.

Napa irap naman ako ng mata. Jusko tong babaeng to.

Pagkalabas na pag kalabas ko, bungad agad ni Hannah ang damit na hawak hawak niya.

Mukhang basahan! Yung jeans may punit punit! Yung pang itaas naman, kung isusuot ko, mukhang bitin.
Kita ang pusod!.

"Jusko naman Hannah! Eto talaga ipapa suot mo sakin?! Mukhang basahan! Tira tira ba to ng basahan?! Wala bang mas matino?"

Tanong ko sa kanya.
Napasapo naman siya ng noo at pailing iling pa. Mukhang dismayado? Eh totoo naman kasi ah?

"Ano ka ba naman Arra! That is what we call fashion! Ikaw kasi, masyadong balot eh! Basta! Isuot mo yan! Diba move on sabi mo? Edi move on! Baguhin mo sarili mo!"
Sabi naman niya sabay abot ng damit na hawak niya.

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon