building hope

12 2 2
                                    

Chapter 39
Arra Menese' Point of View

"Charles, 2 days nalang uuwi na tayo."
Banggit ko habang kumakain ng pakwan. Nasa may veranda kami ngayon at nagpapa hinga. Kaka tapos lang namin mag babad sa tubig.

"Yeah. Kaya sulitin na natin yung mga araw na andito pa tayo. Nga pala? May alam akong pasalubong center dito. Puntahan natin yun pag paalis na tayo. "

Kumuha siya ng mangga at kumain.

"Sige ba."
Ngumiti ako sa kanya.

Naramdaman ko siyang tumabi sa akin.

Wala nang mali malisya.
Masaya naman kami. Sa ilang araw na pamamalagi namin dito, natutunan kong wag maging bitter. Kahit na ganun pa naman ang nangyari sa akin.

Sa isang iglap, yung pagiging cold ko sa kaniya? Biglang nawala.
Para ngang nag balik kami sa dati eh.

Oops, hindi yung iniisip niyong dati na naging kami ha?

Yung dati na tropa tropa lang kami.
Kahit ang totoo, nasa 20's na kami.

"Ano iniisip mo?"

"Wala naman. Iniisip ko lang na ma mi miss ko tong lugar na to."

"Hmm? Pwede naman tayong bumalik dito ah?"

"Tayo?"

"Oo, pwede naman."

"Panong tayo?"

"Haha. Kung alam mo lang "

Napa tingin ako sa kanya with "what did you say" look

"Wala naman akong sinabi ah? Tumawa lang naman ako"

Nag kibit balikat ito.

"Alam mo? Sana bumalik yung dati."
Muli niyang sabi.

Napa kunot naman ako ng noo.
"Why did you say so?"

"Wala.. na miss ko lang yung dati. Nung mga panahon na kaaway pa ako ng best friend mo. Nung mga panahong magkakasama pa tayong lahat.."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Anong nakaka tawa sa sinabi ko?"

"Wala naman Charles. Nung mga panahon talagang kaaway ka pa ni Hannah?"

Humagikgik naman ako.

"Seryoso ako. Nakaka miss lahat."

"Yeah. Na miss ko lahat. Alam mo? Kahit naman ganun ang kinalabasan noon. Pwedeng pwede naman tayong mag reuninon eh"

Katwiran ko.

Tumango naman ito.

"Yeah you're right."

"Maam? Sir, may tawag po sa inyo si sir Contreras."
Napa tingin kami dalawa ni Charles sa babaeng nag salita.

"Ate, ano daw po sabi?"

"Maam, kinakamusta kayo. Pa sagot nalang po"

Tumango ako at umalis na sa beranda para sagutin ang tawag. Naiwan naman si Charles doon habang kumakain parin ng mangga.

Nangangasim nga ako eh. Ano to? May regla si Charles?

"Hello sir?"

"Hello Arra. Kumusta ang tatlong araw niyo jan?"

"Sir, eto ok naman po. Thank you po sa pa vacation."

"Walang anuman hija. Sige. I'm just checking on you guys. Ingat kayo jan. I'm out"

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon