Josen High

41 13 0
                                    

Arra Menese's POV

Tila masisiraan na ako ng bait sa nangyayari ngayon.

Hindi ako makapaniwalang ma a apektuhan parin pala ako sa kanya at sa mga galaw nito.

Sa simpleng pag tingin nito sa babaeng yun, nasaktan nanaman ako.

Durog nanaman ang puso ko.

Oo.nag se selos ako.

Pero mas pinipili ko ang mag sinungaling, mag tago ng nararamdaman at magpakitang di ako na aapektuhan.

Nagawa ko na iyon dati. Sa kanya. Kay Charles.....

Pasimple akong nag punas ng mga luha ko na isa isang lumalabas sa mga mata ko.

Gustong gusto kong umuwi.

Na huwag nalang tumuloy sa Josen High...

Para kahit sa isang saglit lang ay makapag pahinga naman ako.

Pero wala na akong magagawa.

Malapit lapit na akong makarating.

Sinikap kong patatagin ang loob ko para naman kahit papano ay hindi sabihin ng mga tiga Josen High na iyakin ang ini- exchange nila sa pala ngiti at masayahin nilang estudyante.

Huminga ako ng malalim nang ideklara na ng driver ng sinasakyan ko na naka rating na kami sa Josen.

Nang sumilip ako ay napaka raming estudyante ang naka tingin sa sinasakyan ko.

Heavy tinted kasi ito kaya hindi nila maaninag kung sino at kung anong meron sa loob ng sasakyan.

Napa ngiti ako ng mapait.

Kung sana kasama ko ngayon si Hannah...

Edi sana nakalimot ako kahit sandali sa problema ko...

Hays... 

Paniguradong mahihirapan ako.

Lalo nat wala akong kaibigan at kakilala dito.

Ni wala nga rin akong alam dito sa school na ito bukod sa pangalan nito at ang itsura nito.

Bumuntong hininga ako.

Binuksan ko ang pinto ng van at lumabas.

Huminga ng malalim at tumindig.

Sana, kahit sa ganoong paraan ay hindi nila mapansin na kagagaling ko lang sa iyak.

Naka tingin ako sa principal ata? Nilang naka ngiti sakin.

Hindi ko maiwasang hindi mailang at mahiya dahil sa mga titig ng mga estudyanteng naka hilera sa gilid ng dinadaanan ko.

Wala akong magawa kundi ang mag lakad ng tahimik.

Nang maka rating ako ay kinausap ako ng matanda.

"You're from Broken High? Am I right?" Naka ngiti at friendly-ng sabi ng matanda.

Bahagya akong tumango at ngumiti sa kanya.

"What's your name hija?" Tanong nito.

"Arra po.... Arra Menese" nahihiya kong tugon.

Ngumiti ito.

"Arra.. Nice name." Saad nito.

"I hope you enjoy your one week stay here in our school" sambit niyang muli.

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon