Doing the basics

90 14 10
                                    

Chapter 5
Arra Menese's POV

Napatingin ako sa mga pinamili namin ni Hannah kahapon.

Napa rami ata? Mukhang naubos yung savings ko... Ayoko namang manghingi ng pera kay mommy o kay kuya eh. Nakaka hiya...

And besides? Grade 12 palang ako...

Its Monday today.

Oo. Monday as in Lunes!

Every Tuesday, Wednesday and Thursday lang kasi ang uniform requirements eh.

So every Monday and Friday, naka civilian kami.

And napagtanong ko na din kay Hannah kung anong isusuot ko.
nawindang ako sa sinabi niya. Eh pano ba naman kasi!

Pina pa suot niya ako ng black na tank top and black na skater skirt.

Pero wala akong magagawa. Sayang naman kasi ang pinamili namin kahapon.

Nagsabi na din siya sakin na tanggalin ko na daw ang eye glasses ko. At palitan ng contact lens.

Ginawa ko na din iyon.

Napatitig ako sa whole body mirror na nakalagay dito sa kwarto ko.

Napa ngiti akong bigla.
Malaki na ang ipinag bago ng itsura ko.

Hindi na ako manang tingnan.

Sinuklay ko ang buhok ko.
Malaki na din ang improvement ng itsura ko ng dahil sa buhok ko.

Its really nice. I can confidently walk not minding them.

Napatingin ako sa lip gloss na hawak hawak ko.
Strawberry flavored ito.
Pinahid ko ito ng dahan dahan sa bibig ko. Hindi kasi ako marunong mag lagay ng lipstick o kahit lip gloss man lang.

"Arra! Halina! Ihahatid ka na ng kuya mo sa school niyo!" Dinig kong sabi ni mommy mula sa baba..

"Opo!papunta na!" Sigaw kong pabalik.

Tumakbo na ako pababa.

Tiningnan naman ako ni mommy mula ulo hanggang paa.

"Arra, anak, you look gorgeous!" nakangiting sabi niya.

Napangiti din ako. Dahil hindi na maibabalik ang manang na Arra.

Alam Kong hindi pa ako sanay sa mga ganitong damit pero masasanay na ako.

Laking pasasalamat ko naman kay Hannah dahil dito.

Kung wala siya, hindi ako mag babago ng ganto.

"Arra! Tara na, wag kang babagal bagal, male late din ako" bungad sakin ni kuya.

Sumunod na lang din ako.

Oo nalang kuya.. Bulong ko...

Oo, pabulong, dahil ayokong mag away pa kami ni kuya.

"Arra, sigurado ka bang yan na talaga ang isusuot mo?" Parang alanganing sabi sakin ni kuya.

"Kuya Raven naman oh? Ganda ko kaya?" Sabi ko at nag peace sign pa.

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon