building hope (2)

19 2 7
                                    

Charles Arven Lim's Point of View

"Hoy! Sino bang sinisigawan mo jan?!"

Nyeh? Pahiyado ako dun ah.

Napa kamot naman ako ng ulo nakaka hiya.

Ang hot talaga nito si Arra.
Hindi ako nag nanasa ah? I'm just appreciating someone's beauty.

"Ah? Hehe sorry"
Nag smile ako sa kanya pero yung ngiting awkward?

"Uy! Ano ba Arven! Para kang binata!"
Nag tawanan ang tatlong uggok.

"Tumigil ka nga jan Jack"

Sabi ko at tiningnan siya ng masama.

"What's your answer?..."

Kabado kong sabi.

Baka kasi pumalpak eh.. wag naman sana.

"I say..."

"You say?" Sabay sabay na sabi nilang lahat. Pati si sir naki sali na rin at kahit si Jess na nasa beranda at nanonood parin.

"Ahmm... I say yes?"

"Yes?" Sabi ng lahat.
Aba?! Imbis na ako mag tanong ah?

"Yes? May mali ba sa sinabi ko?"

Sabi nito na parang naguguluhan.

Bigla silang nag sigawan at nag saboy ng confetti.

Tuwang tuwa sila habang ako? Eto. Processing parin. Loading parin.

"Oh? Bakit parang dika masaya?"

Sabi niya nang maka lapit siya sa kin.

"You said yes?"

"Yup. I said yes. May mali?"
Ngumiti ito ng kimi.

"Walang mali. I'm so happy Arra. Very happy"

I cupped her cheeks and smiled.

"Kiss na!"
Napa tingin kami ni Arra sa taas.

"Oo nga! Kiss!"
Gatong naman nila Jack. Mga sira ulo.

"Kiss! Kiss! Kiss!"
Sabay sabay nilang sabi.

Nag tawanan nalang kami ni Arra

Maya maya pa ay tumingkayad ito at hinalikan ako sa pisngi.

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko.

"Ayieeee!!"

Sabi nilang lahat at nag bunyi.

Lahat kami ay nag punta sa may dining area para kumain at mag celebrate.

Yung pag kausap ni Arra sa telepono kanina? Set up lang yon hehe. Para lang mapa alis siya at ma gawa yung plano namin. Actually andito na silang lahat para sa plano ko.

Yung non consistent kong pag kain ng mangga? Wala. Para lang sa signal yun.

Ang usapan kasi namin nila Jose na siyang taga tingin sa signal, pag naka kain ako ng 10 na subo ng mangga, mag handa na. At pag naka additional na 15 larga na.

At siya namang natupad.

Pormal na rin akong kumuha ng basbas mula kay Mrs Menese at um oo naman ito.
Sabi pa nga niya, masaya raw siya dahil ako raw ang unang humingi ng gabay niya hindi si Arra.

"So? Pano ba yan? Walwalan time na ba?"

Napa iling iling nalang ako sa sinabi ni Jack.

Gag* talaga to.

"Nucks naman. Mag w walwal na Sana eh... Kaso? Anjan na ka partner mo sa building hope program mo eh"

Natawa nalang ako sa sinabi ni Jose.

"Hey"

Sabi niya. Naka ngiti lang siya pero di naka tingin sa akin kundi sa paa niya.

"Hey"
I replied.

"Tara sa labas. Usap muna tayo"
Sabi nito at hinigit ang braso ko.

Sumunod naman ako dito.

Pagka labas namin, isang duyan ang sumalubong sa amin.

"Alam mo. Hindi ko naman talaga alam kung anong isasagot ko kanina... Kung o oo ba ako o hindi"

Umupo siya sa duyan.

"... Kung papayag ba ako sa gusto mo. Amazing noh? Building hope? I want to build hope with someone who's worthy being with me. To mend my precious broken heart. Don't get me wrong. Nilalabas ko lang yung dialogue na para sayo naman talaga"

Humiga siya sa duyan at pumikit.

"Oo, nung una. Nag dalawang isip ako. Kasi takot na akong maulit ang lahat.... Pero alam mo ba kung anong nag tulak sa akin para mag sabi ng oo?"

Ngumiti siya at tumingin sa akin.
Sumenyas ito na tabihan ko raw siya. Kaya naman agad akong sumunod.

"Ano?"
Curious kong tanong.

"Nag tulak sa akin para um oo sayo ang puso kong basag at wasak. Dahil.. bawat mga piraso ng pusong to, sinasabi at sinisigaw na ikaw raw ang nararapat na umayos nito. Oo, naguguluhan parin ako. Nag lalaban ang puso at isip ko. Pero sa huli?
Nilabanan ko ang isip ko gamit ang puso ko na siyang nanaig. Sa ilang araw na pamamalagi natin dito sa resort na ito, masasabi kong nakita ko ulit ang Charles na kakilala ko. Medyo matured pero ganun parin. The same and old Charles. Kaya naman.. Isa rin itong factor na nagpa sabi sa akin ng oo.
So Charles Arven Lim.. can you mend someone's broken heart? Can you mend my broken heart?"

Naluluha niyang sabi.

Nang may luha nang bumagsak, agad ko iyong pinunasan at ngumiti.

"Arra Menese. Oo aaminin ko, naging duwag ako noon para hindi ka sundan sa states. Gusto kong mag paliwanag pero puro iyak lang and ginawa ko. Gusto kong bumalik ka pero wala akong ginawa. Kaya eto. Nag sikap ako. Inayos ko ang buhay ko. At sa pangalawang pag kakataon, nag kita ulit tayo. Nagka tagpo. Hayaan mo sana akong bumawi Arra."

Bumuntong hininga ako at nag patuloy sa pag sasalita.

"Nung nalaman ko sa Dean kung san ka nag punta. Gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung pano pa ako makaka bawi sayo. Mahal na mahal kita Arra. And don't ask me if I can mend your broken heart. Because yes. I can mend it. Just promise me to mend mine too.. because you broke my heart too... Can we mend each other's heart?"

Hinawakan ko ang kamay niya.

"I can mend yours too"
Sabi niya.

Binitawan ko muna saglit ang kamay niya at may kinalkal sa bulsa ko.

"What's that?"
Sabi niya pero inilingan ko lang siya.

Nang makuha ko na ang dapat kong kunin ay hinawakan ko na agad ang kamay ni Arra.

"Thank you Arra. I love you"

Sabi ko.

Nang tingnan niya Ang kamay niya, hawak niya ang bracelet na pina sadya namin noong high school pa kami. ibibigay ko sana iyon sa kaniya noon pero na kid nap siya.

"How come na sayo parin ito?"

Manghang sabi niya.

"Marunong lang akong mag tago"
Sabi ko naman.

Isinuot ko na ang bracelet na iyon sa kaniya. At ganun din ang ginawa niya sa bracelet na para sa akin.

"Salamat sa lahat"

I murmured.
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya and this day ended up with a kiss.

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon