special chapter

17 2 24
                                    

Arra Menese

Minsan talaga, napapa isip nalang ako.
Pano nga ba nag simula ang lahat?
Lahat samin ni Charles at umabot sa puntong ganto?

"Love?"
Dinig kong sabi ni Charles.
May kasama pa itong kalabit.

"Ano yon?"

"Do you want anything? Maanghang? Matamis? Anong pinag l lihian mo? Just tell me love, I'll go find"
Halata ang excitement sa boses nito

"Baka mahirapan ka nanaman sa pag hahanap like last time na nag buntis ako kila Aya at Miguel."
I said. Jokingly

"Sisiw"
Sabi nito at hinimas ang tiyan kong 8 months na. Mag 9 months na nga sa susunod na linggo.

"Sisiw ka jan! Eh halos maiyak ka na nga sa pinapa hanap ko sayo eh!"

"Eh pano ba naman kasi! Ang pinahanap mo sakin nung pinag bubuntis mo yung panganay natin manggang pink. Saging na kambal pero tatlo dapat. Siling hindi maanghang. Orange na kulay violet. Grapes na kulay rainbow. Jusko! Saan naman ako hahanap nun? "

I scratched the back of my head nang ma alala ko ang pinapa hanap ko sa kanya nung nag lilihi ako kila Aya and Miguel.

Pasimple niya akong inakbayan.

"Kaya ngayon, pinag handaan ko talaga ng todo ang pinag lilihian mo. May manggang pink na ako sa ref, fresh pa yon. Pati grapes na rainbow colored andun na rin."

He kissed the top of my head.

"Just tell me baby, let me know what you want "

I hugged him tight.

"I just want to sleep "

Niyakap ko rin ito at pumikit.

Unti unti kong naramdaman ang pagod. At maya maya ay diko namalayang naka tulog nako.








Charles Arven Lim

Lingid sa kaalaman ni Arra, nag handa na ako ng mga pinag lilihian niya.

Manggang pink? Check
Grapes na kulay rainbow? Check
Orange na kulay violet? Check
Saging na 3 na magkaka dikit? Ok na rin siguro yon?
At marami pang iba.

Umabot pa sa puntong si Steve ang gusto niyang makita at hindi ako?
Sa gwapo kong to? Kay Steve pa siya nag lihi?
At dahil ayokong mag away kami, pinag bigyan ko siya. Pero bigla niyang sinabing ayaw niya raw ako makita. Nasaktan ako ng solid dun. Ako asawa niya pero ano? Sa iba niya pinaglihi mga anak ko?

Eh sperm ko yun eh!

Dahil mahal ko, nag sakripisyo ako at umalis ng mahigit 40 minutes. Nang bumalik ako, umiiyak na siya at panay na rin ang tawag ni sa akin ni Steve. Ewan ko ba.
Nang lapitan ko. Nag s sorry na siya at sinasabing nag sisisi daw siya.

Ewan ko ba? Ang weird niya mag lihi.
Pero never ko pag sisisihang mahal ko ang babaeng ito.
Hindi ko rin pinag sisisihang siya ang pinakasalan ko.

May Ayana Charisse at Aaron Miguel na kami at ngayon na dagdagan pa.
Abay napaka ayos.

Naka sure hit nanaman ako.

Nasa eskwela ang kambal at nag leave sa trabaho itong si Arra para sa pag bubuntis niya. Maselan kasi ito.
Habang ako? Nag leave din para alagaan siya.

Ayokong mag pabantay siya sa nanny or kung sino. Gusto kong nasa akin siya palagi para alagaan.

"Love? Anong ginagawa mo?"

Napa tingin ako sa maganda kong asawa na naka harap sa whole body mirror at tinitingnan ang kalahati ng katawan nito.

"Ang taba ko na."
Malungkot niyang sabi.

"Love. Halika nga rito"
Tawag ko sa kanya.

Agad naman itong lumapit sa akin.

"Ang taba ko na huhu"
Malungkot niyang sabi.
Paiyak na rin ito.

Bahagya akong napa ngiti
Siya tong nag sasabi ng "no to body shaming" pero tingnan mo ngayon ang ginagawa?

"Love, mataba ka man--"

Hindi ko pa natatapos sasabihin ko nag salita na itong agad.

"So mataba talaga ako?"
Nag simula na itong umiyak.
Inalo ko siya.

"Love, makinig ka muna sa akin ok?"
Tumango ito.

"Mataba ka man o hindi, Mahal parin kita at hindi yun mag b bago."

I kissed the top of her head. Pinunasan ang luha niya at binigyan siya ng tubig.

Hinintay ko itong kumalma.

Para sa akin, normal na ito kung nag b buntis siya at kahit pa ganun, hindi ako naiirita o ano pa man sa kanya. Siguro dahil sanay na?

Biglang bumigat ang pag hinga nito. Nako, iba talaga kapag buntis na.

Binuhat ko ito. Oo aaminin ko, bumigat nga siya. Pero kahit ganun ay walang kaso ito sa akin, na b buhat ko pa naman siya eh.

Dinala ko ito papunta sa kwarto at nilagay sa kama. Kinumutan at inadjust ang aircon.
Binalikan ko ito at nakitang mahimbing parin itong natutulog.

The girl na diko aakalaing naging akin, at still nasa akin.

Oo, ginago ko siya. Pero nag bago na ako at mas ipinaramdam ko sa kanya kung pano mag mahal ang isang Charles Arven Lim

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon