Maria the drama queen

76 16 1
                                    

Chapter 10
Arra Menese's POV

"Arra? Hey, calm down. Tama na ang kaiiyak. Ikwento mo sakin kung anong nangyari.. I'll help you" sabi ni Hannah. Nagtimpla ito ng juice. Halatang concerned ito. Base sa mga tingin at tono ng pananalita niya.

Huminga ako ng malalim at ikinuwento ang nangyari.

Habang kinukwento ko ang nangyari samin sa mall ay hindi ko maiwasang hindi maiyak.

Bumabalik lahat ng mga sinabi ni Charles sakin.
Nagpapaulit ulit to sa ulo ko.

Yung tono ng pagkakasabi niya, yung itsura niya. Yung mga salita niya.

"Aba?.. Hindi pwedeng mapunta lang lahat sa wala ang pinaghirapan mo. Arra. I suggest, you take up the offer of our principal.. Yung mag exchange student ka sa isang particular school for one week. Arra, that's a suggestion. And also? Advice na rin yon. Para naman makapag unwind ka even just for a week." Pagsasaad ni Hannah...

Nagpunas ako ng luha. Napag desisyunan ko na din na umuwi.
Kahit na mukha akong haggard sa itsura ko ngayon.

Naki sleep over siya dito sa bahay at ngayon ay kasalukuyan niyang sinasabi ang mga suggestions niya para daw makalimutan ko na ang nangyari.

At isa sa nagustuhan kong suhestyon niya ay ang maging exchange student para sa isang linggo.

Three days ago lang ako iniform ng admin namin and kung papayag na daw ako, mag sisimula na ako sa bukas...

"What do you think?" Tanong niya sakin.
Tumango ako.

Sa isang linggong yon, makaka layo ako sa kanya.

Hindi ko siya makikita at makaka meet up pa ako ng bagong kaibigan.

"Ngiti na" sabi niya sakin.

Pinilit kong ngumiti pero halatang peke ito.

Natulog na kami.

Mag hahatinggabi na kasi eh.
Minsan ka nalang iiyakan ni Arra Menese Charles Lim.
.............................................................

Pagkagising ko ay naabutan ko si Hannah na dumudutdot ng cellphone niya.

Napa iling iling nalang ako.

Naku naku ang babaeng ito.

Tumayo ako para sana ay mag unat kaso harang tong si Hannah kaya nahulog ako...

Napa hawak tuloy ako sa pwet ko na unang una pa manding tumama sa sahig.

"Hannah naman!" Sita ko.

Napa peace sign naman ito.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan tong babaeng to, malamang ay nasuntok ko na ito.

Nagpunta na ako sa banyo.
Nang tumingin ako sa salamin na naka lagay sa banyo ay nagulat ako. May eye bags kasi ako.
At halatang haggard ako. Minabuti kong maghilamos. Maya maya nalang ako maglalagay ng light make up.

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon