karibal

53 13 0
                                    

Arra Menese's Point of view.

Simula nung araw na himatayin ako, parang nag bago ata ang mga tao sa paligid ko.

Pano ba naman kasi?
Yung mga chismosa? Bibihira nalang ako makarinig ng chismis nila tungkol sakin.

Yung mga kaklase ko naman na kung dati ay minsan lang ako pansinin, todo pansin na sakin.

Yung mga babaeng tinatarayan ako dahil may gusto sila kay Charles? Mas lalo atang sumasama ang mga tingin nila.

Kung nakaka matay lang ang tingin, edi  kanina pa ako humandusay sa lapag.

Si Maria?

Aba malay ko lang sa babaeng yun. Pag tumitingin ako sa kanya, iiwas na ito agad.

Napa tingin naman ako kay Hannah na nag sa soundtrip lang sa tabi ko.

"Hannah? May napansin ka ba?" Tanong ko nang makuha ko ang atensyon niya.

"Saan?" Tanong niya.

"Sa tao sa paligid? Sa mga chismosa, sa mga btches? Sa mga tao sa classroom at kahit si Maria? Wala ka bang napa pansin?" Tanong ko.

Napa tahimik naman ito. Baka ay nag iisip ito ng mga posibilidad kung bakit ganun ang mga tao sa paligid.

"Actually... Baka binalaan nilang dalawa...

.... Hindi ko lang alam pero pakiramdam ko lang..."
Sabi niya.

Napa kunot naman ako ng noo.

Anong pinagsasa sabi nito?
Ang gulo!

"Diretsuhin mo na nga ako Hannah?" Sabi ko.

Sabay pa kaming napa buntong hininga.

"Sabi ni Steve, gusto ka raw niya ligawan..." Sabi nito.

Nakaramdam ako ng kung ano sa nalaman ko.

"Then?" Sabi ko para ipagpa tuloy niya ang sinasabi.

"Alam mo namang sikat si Steve eh. Dito sa classroom, at sa buong school. Kaya naman ay baka winarningan niya yung mga tao jan na kung sino sino para hindi ka siraan at kung ano ano.." Sagot niya.

Napa lunok naman ako.

"So anong kinalaman ni Maria aber? Si Maria na malandi at maputak? Makikinig kay Steve? Wala naman yung pinapa kinggan pwera nalang kay...." Sinadya ko talagang hindi sabihin ang pangalan ni Charles dahil halata naman na niya kung anong sasabihin niya.

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon