Chapter 30
Charles Arven Lim's Point of View
"Thank you"
Napa buntong hininga nalang ako at pinatay ang tawag sa cell phone ko. Isang kliyente. May trabaho nanaman ako. Hindi naman sa ayaw kong gawin ang trabaho ko. Gusto ko lang mamahinga eh. Ilang araw na rin akong walang tulog dahil sa isang project at eto, may kasunod nanaman.Napa ngiti ako nang makita ang picture naming dalawa ni Arra 5 years ago.
Oo, 5 years ago na pero ayaw parin akong hayaan mag move on ng alaala ko...NAMIN..
Ayaw parin humanap ng iba ng puso ko. Siya parin ang gusto.. siya parin at wala ng iba...
"Pre, tinitingnan mo nanaman yang wall paper mo, oh ano? May na pala ka ba?"
Napa tingin ako sa kaibigan kong si Jack.
Kasalukuyan kaming kumakain sa isang restaurant. Lunch break kasi namin ngayon."Malamang. Mahal niya yung nasa litrato kasama niya. Buggok!"
Si Jose ang nag salita."Sus, ikain mo nalang yan Charles. Nabusog ka pa!"
"Tch, palibhasa wala kasing love life ang g*g0 eh." Napapa iling iling pa si Jose.
Natawa nalang ako.
Si Jose at Jack, mga kaibigan ko simula palang nung Senior high school. At ngayon, kahit pati sa trabaho magkaka sama kami."Hayup tong lalaking to, porke may girlfriend ka na ganyan ka? Kung sabihin ko kayang baog ka noh? Ano kayang magiging reaction ng girlfriend mo? HAHAHAHAHA"
Na tawa na lang ako kay Jack na nagawa pang mang asar maka alis lang sa pan a alaska ni Jose.
"Tss, kung babae ka lang malamang inanakan na kita jan. Tingnan lang natin kung ma tawag mo pa akong baog"
Uminom pa ng juice tong si Jose na akala mo walang masama sa sinabi.
Mga balahura!
"Tumigil na nga kayo at nang maka kain na ng ma ayos! Mga balahurang g@g*!"
Tumigil naman na ang mga ito.
Nag simula na kaming kumain. Kahit na nang aalaska parin tong si Jose kay Jack.Kahit hanggang sa ma tapos kaming kumain ay nang aalaska parin silang dalawa sa isat isa.
Gusto ko sanang sumingit sa pag a alaskahan nilang dalawa kaso baka ako naman ang ma sabon nila.
Bumalik na kami sa office na pinag ta trabahuhan naming tatlo.
Nag ta trabaho ako bilang engineer dito kasama si Jose, samantalang si Jack naman ay nag ta trabaho bilang architect.
"Bro? Baka maka hanap na ako ng girlfriend ah?"
Napa tingin ako kay Jack na nasa may desk ko. Napa iling iling nalang ako.
"Maya ka na mag kwento. Busy ako eh"
Tumalungko naman ito at ilang saglit pa ay umalis na ito. Lagi siyang ganyan. Kapag na bore, mag ta trabaho na.
Napa tingin ako sa picture niya na naka lagay sa frame dito sa desk ko.
Naka ngiti at may eye glasses pa ito noon.
"Arra, how I wish you're here with me"
I said to myself.It's too painful na sa imagination ko nalang ito na kakasama.
Na balitaan ko noon na nag ho home study si Arra. Na tuwa at nawalan ako ng tinik dahil don. Takot ako na hindi ko na siya makita pa
Pero noong senior high school na kami, Hindi ko na siya nakita o nahanap pa. hinanap ko siya sa kung saan saan.
Sa malls, sa parks, sa restaurant na laging kinakainan niya. Hinanap ko rin siya sa kaibigan niyang si Hannah kaso wala.. wala rin itong alam..Nag lakas ako ng loob na lumapit sa kuya ni Arra... Si Raven. Kaso ipinag tabuyan niya ako.. kahit sa nanay niya ngunit tanging iling na lamang ang sagot niya sa tuwing nag pupunta ako roon sa bahay nila.
2 taon ko siyang hinanap hanggang sa may marinig ako sa Dean at principal namin.
Pinag uusapan nila ang mga ga graduate na. At hindi ko ma iwasang hindi makinig lalo na at na banggit ang pangalan ng babaeng mahal ko....
"Sayang at wala na po si Arra dito Mr. Principal. Dapat sana ay dito siya grumadweyt."
"I agree Dean. Kung hindi lang sana nangyari ang mga bagay na hindi inaasahan ay hindi sana ito lilipat sa U.S para makalimot."
"Ganun talaga ang buhay Mr. Principal, wala tayong magagawa. Desisyon niya at ng mga magulang niya ang umalis dito sa pinas at mag bagong buhay roon"
"I agree Dean. Sana ay bumisita siya rito pag balik niya"
"Sana nga"
At dahil na guluhan ako, pinilit kong puntahan ang Dean ng school at mag tanong sa kanya.
Sabi niya ay dati niya na raw alam na umalis si Arra at nag punta ng U.S, pero mas piniling manahimik dahil naki usap si Arra sa kanya.
Gusto kong sumigaw at mag wala dahil sa nalaman. Ang babaeng pinaka mamahal ko ay iniwan na ako at nag bagong buhay sa ibang bansa.
Masamang masama ang loob ko. Gusto kong mag paliwanag. Gusto kong magalit. Gusto kong humingi ng tawad.. gusto kong makasama siya.. pero huli na ang lahat. Iniwan niya na ako... 2 years ago pa!
Nalulong ako sa masamang bisyo. Alak, sigarilyo. Alam kong ayaw niya sa mga taong ganun pero wala akong ma gawa. Masakit.
Mahirap.Hanggang sa sinabihan nalang ako nila Jack at Jose na itigil ko na ang mga iyon.
At ipina realize sa akin na kailangan kong ayusin ang sarili ko para sa kanya. Nag bago ako at ginawa ko siyang inspirasyon.Inspirasyong walang ka matayan.
Mahal na mahal ko parin siya.
Hanggang sa mag trabaho ako, siya parin talaga, ipina blind date na ako nila Jack at Jose sa ibang mga babae pero iisa lang talaga ang hanap ng puso ko...
Si Arra lang at wala ng iba pa.
Sa ilang taon na di namin pag kikita ni Arra. Hindi ako na tali sa iba. Si Maria Kate? Nag sorry na siya sa akin. Pinag sisisihan niya raw ang ginawa niya noong high school pa kami.
Naka move on na siya sa akin. Naka hanap ng iba at ngayon? May syota na siyang foreigner.
Ang balita ko ikakasal na sila next year? Buti pa siya..
Napa tawad ko na siya at gusto niyang makipag ayos noon kay Arra.
Kaso wala parin siya.At ngayong 5 taon na ang nakaka raan nang mawala siya. Bumalik na siya.
Bumalik na ang babaeng hinahanap hanap ng puso ko. Si Arra.....
BINABASA MO ANG
Mend Someone's Broken Heart (Completed!)
FanficArra Menese's story Starring: Song hye kyo as Arra Menese And Song Joongki as Charles And many more ☺☺ Genre: fan fiction. Romance. Number 1 in category song song couple ♡ Number 18 in category "completed"