new plan

89 13 4
                                    

Chapter 6

Arra Menese's POV

"Hindi ko talaga akalaing makakaya mong gawin yung nangyari kanina Arra! First day palang and you've changed a lot!" Tuwang tuwa na sabi ni Hannah.

What she's talking about is yung nangyari kanina sa sagupaan namin ni Maria.

Nasampal ko kasi ito kanina. Literal pang napa nganga ang mga alipores niya.

Napag bantaan ko din kasi siya.
At ipaparanas ko din sa kanya kung anong impyerno ang naranasan ko nung lokohin nila akong dalawa ni Charles...

"Arra? Hey! Asan ka na?" Tanong sakin ni Hannah.

"Ayst, sorry. Sige bukas nalang ulit. Inaantok nako eh"
Pag rarason ko sa kanya.

Oo rason lang.

Kasi pag iisipan ko kung anong gagawin ko kung si Charles naman ang maka sagupa ko bukas.

Napangisi akong bigla.

May plano na kasi ako.

Yung uniform ko na ang isusuot bukas. Tsk. No worries dahil pwede pading mag civilian bukas. Ang kaso?
May consequence ata pag naka 5 warnings ka.

Tsk! Wala akong pake!

Inihanda ko na ang off shoulder kong dress.
Binili namin ito ni Hannah nung nasa mall kami. Ako mismo ang pumili. Maganda kasi ang disenyo nito.

Medyo na excite naman ako. Dahil makikita ko nanaman sila...
At mapapa nganga nanaman sila..

Mataray kung sa mataray pero wala akong paki.

Maiparanas ko lang ang hirap na ipinaranas nila ay kontento na ako.

Nag try na rin ako ng eyeliner sa mata ko kanina.
Maayos naman. Kaso hindi ko alam kung pano yung may curl.

Kaya ang nagawa ko ay yung diretso lang pero cute padin.

Napapikit ako ng mata ko. Feeling ko pagod na pagod na ako.

Hayst. Masaya din palang mag bago?

Nag bukas na ako ng mata.
Nag ayos na ako ng sarili ko bago matulog.

Kinabukasan ay nagising ako ng naka ngisi. Dahil mag sisimula nanaman ang araw na magpapasakit ako.

Sisiguraduhin kong magigisa sila.

Nag handa na ako. Inihanda ko na din yung mga gamit na inayos ko kagabi.

Nang makita ko ang itsura ko sa full body mirror ay napa ngiti ako. Bagay sakin!

Itinali ko ang buhok ko.

Sunod naman na ginawa ko ay ang maglagay ng eyeliner.

Medyo nahirapan ako sa pag lagay dahil nanginginig ang kamay ko.

Pero success naman dahil nalagay ko ng maayos.

Bumaba na ako ng hagdan.
Naamoy ko agad ang bacon na luto ni mommy. Naupo na ako sa upuan ko. Si kuya Raven naman ay kabababa lang din galing ng kwarto niya at bihis na bihis ito.

Kung hindi lang ito nag aaral ay mapag kakamalan ko itong may ka date eh. Ang ayos ng porma eh.

"Naka tingin ka?" Tanong sakin ni kuya. Napa iling iling nalang ako.

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon