coron palawan!

25 3 4
                                    

Chapter 37

Arra Menese's Point of View.

Naka rating kami dito sa Palawan ng ligtas.

Bumyahe na kami mula Manila pag patak ng alas dose. Todo habilin pa sa akin si Jess na huwag na huwag ko raw kakalimutan ang pasalubong ko para sa kanya. Ayun, napa oo nalang ako. Ang kulit eh.

In explain sa amin ni Mr. Contreras ang tungkol rito. Sabi niya. Same room kaming dalawa nitong si Charles, pero.... Hindi naman same bed. Mag r reklamo pa sana ako kaso. No buts raw... Marami raw kasing reserved na rooms at ang room nalang naming dalawa ni Charles ang hindi pa okupado. Swerte pa nga raw namin dahil may natira pang room.

Na siya namang totoo dahil pagka rating namin dito ay jump packed nga ang tao.
Ewan ko ba. Gusto ko sana sa Boracay nalang eh... Kaso kasi... Ipinasara muna para ma linis ang buong isla.

"Dinner?"

Napa tingin ako kay Charles na naka upo na sa kama niya at pinapanood akong mag ayos ng gamit ko.

"Sige una ka na"

"Pero bilin sakin ni Tita at ni boss na bantayan ka. Mahirap na"

"Hindi na ako bata Charles. Don't treat me like a kid. I'll punch you"

"Woah, scary"

"Scary mo mukha mo"

And after a conversation, a lot of dead air occupied our presence.

"Ahm?... Tara sa labas? Saka mo na gawin yan. Dahil nakaka gutom bumyahe"

Aya nito.

"Oo na. May magagawa pa ba ko?"

Umirap ako at saka padabog na nag lakad papunta sa may pinto.

Naramdaman ko naman ang prisensya niya sa likod ko.

"So?... Anong kakainin natin?"

"Wala pa nga tayo sa table diba? Nag tatanong ka ka agad ng pagkain?"

"Sabi ko nga. Lika na dito."

Hinila niya ako sa may table malapit sa amin at kumuha ng menu.

"Now. What will we eat?"

"Tch. Eto nalang. Sige na. Order na. Iiinform ko lang si mommy para di na siya mag worry pati na rin si Kuya para di na mag tampo"

Sagot ko.

Nag order naman siya habang ako ay nag t text kila mommy at kuya.

Si Kuya naman kasi nag tampo eh. Di niya raw alam at bakit ko raw kasama tong si Charles?

Tss. Nag explain ako kaso... Ewan ko talaga dito kay kuya.

Muntik na ngang sumunod dito sa Palawan eh. Buti nalang pinigilan siya ng mabait kong best friend.

Nang matapos akong mag text ay napa tingin ako sa harap ko. Kaharap ko kasi so Charles ngayon eh.

"Arra..."

Bigkas nito pero medyo mahina lang.

"May sasabihin ka?"

Tumingin ako sa cell phone ko. Umiilaw kasi ito. At tumatawag nanaman si kuya. Kinansel ko nga.
Kulit eh.

Nireplyan ko nalang siya para di na naman siya mag tanong tanong.

"Wala naman. Ahm.. San mo gustong pumasyal bukas? Para mautusan na raw ni mister Contreras ang tour guide na binayaran at pinag bilinan niya."
Turan niya.
Sakto namang dating ng mga pagkain na inorder namin.

"Kahit saan.. may alam ka bang pwede natin puntahan?"

Kumuha ako ng rice at isinerve sa plato ko.

"May mountain climbing. Baka gusto mo dun muna tayo? Tapos sa mountain climbing na iyon, may bukal raw dun na pwedeng mag babad. Sinearch ko yun bago tayo umalis ng office."

Napa isip ako sa sinabi niya.
Mahilig ako sa mountain climbing. At may bukal?!!
Woah. Parang nagpa star shaped tuloy ang mga mata ko.

"Sige. Payag ako."

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya.

Kumain na kaming dalawa at nag kwentuhan about sa work.

(A/N: imagination ko lang yung sinabi ni Charles 😂 enebe. Diko alam kung meron talaga nun in real life sa Palawan eh 😂)

Kinabukasan.....

"Sige po sir. Opo. Nag p pack na kami ng gamit namin. Sige po. Opo... Ayos naman po kaming dalawa ni Arra... Ah. Yes. Thank you po. Sige po. Salamat"

Kasalukuyan naming hinihintay yung tour guide namin para sa trecking namin.

Eto ako. Excited masyado kaya kaninang 3 am, binulabog ko si Charles na himbing na himbing sa pag tulog..

Ang usapan namin ay 4 at impake, at oras iyon ng pag kain. Kaso... Hayst... Oo na. Ako na excited.

Nag hikab si Charles.

"Ang aga naman natin. 5 kaya ang sinabi ni sir sa tour guide natin. Eh kita mo? 4:30 palang oh. Napa aga tayo masyado Arra."

Sabi nito at umupo sa may tabi sabay subsob ng mukha niya sa kamay niya.

"Eh sorry na. Tss"

"Oo na. Iidlip lang ako saglit. Gisingin moko mamaya pagka dating nung tour guide."

Antok na antok talaga siya.

"Whatever."

Sabi ko naman. Sabay irap.

Umupo rin ako sa may isang tabi at isinubsob ang mukha ko sa kamay ko gaya ni Charles.
Medyo inaantok rin kasi ako eh.

Masyadong na excite. Biruin mong natulog kami ng ten dahil sa kaka panood ng mga nag p perform pero na gising ako ng three?

Oo na. Kasalanan ko rin naman pero... Hehe? Wala nakong mapangatwiran eh.

Kaya heto ako. Tinamaan rin ng antok.
Maka tulog nga muna....

























(Short Update muna mga peeps )

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon