im in trouble

23 2 2
                                    

Arra Menese' Point of View

"Mas madali palang ayusan si ate girl pag tulog. Parang sleeping beauty oh."

Parinig kong sabi ng isang babae.

"Ang ganda niyang bride. Na kaka loka. Magiging tunay na lalaki talaga ako nun pag nagka taon kapag si ate girl ang ipapa kasal"
Sabi naman ng isa. Siguro ay bakla ito.

Teka?.. bride?

Anong bride? Teka. Hindi pa naman kami ipapa kasal ni Charles ah? Hindi pa kami nag uusap kung kelan ang kasal. Kaka engage nga lang namin kahapon. Sinong niloloko nito?

Iminulat ko ang mata ko at napa tingin sa mga nag sasalita.

"Ay shocks! Gising na si ate girl. Mag madali kayo! Aayusin niyo ang buhok niya"
Sabi nung baklang may hawak na make up kit.

Huh?

"Ano bang--"

Na tigil ang sasabihin ko nang makita ang suot ko.
Puti?

Wedding gown?
Teka!

"Maam. Sit back and relax, makaka bawas ng beauty mo kung galaw ka ng galaw."
Sabi ng isang babae at inayos ang suot ko.

"Pa check nga nung oras beh! Baka mamaya na wili na tayo dito at hindi na namalayan ang time"
Sambit pa nung bakla sa babaeng nag aayos ng gown na suot ko.

Yan. Tama. Check mo yung time para malaman ko rin kung anong oras na.

"Time check 12 o'clock. Break muna tayo dahil may 2 hours pa tayo "

12? Wait... Alas otso na gising ako at hindi pa ako nakaka kain...

Na hihiya akong napa tingin sa kanila.

"Do you need something? Maam?"

"Ahm... I need food.. I'm hungry"

Sambit ko. Hindi ko na kasi ma pigilan ang gutom ko.

Nag abot naman yung isa ng pinggan na naka lagay malapit sa la mesang ka tabi niya. Saka ay nilagyan niya ng kanin saka ng ulam.

"Maam paki ingatan nalang po na huwag ma dumihan yang gown niyo."
Nahihiyang sabi nung babaeng nag abot sa akin ng pagkain.

Tumango naman ako at ipinag patuloy ang pagkain ko.

Na pansin ko naman sila na tahimik lang. Yung isa nag s cell phone. Yung isa naman may tinitingnan sa bag niya at yung isa ay nag babasa ng libro.

"Ahm.. bakit di kayo kumain?.. h-hindi ba kayo gutom?"
Alok ko sa kanila ng pag kain.
Halata namang na gulat sila at nag ka tinginan pa silang tatlo.

"Maam. Pagkain niyo yan. Hindi kami hihingi"
Sabi nung baklang may scarf.

"Ayos lang. Kumain na kayo at alam kong na stress kayo kaka ayos sa akin."
Sabi ko at ngumiti.

"Ate feeling ko magiging tunay na lalaki na talaga ako"

Rinig kong sabi nung isang baklang may ear pierce.

Na tawa naman ako sa loob. Tsk tsk.

Nag si kuhaan naman sila ng plato nila at saka ay nag salok ng pagkain nila.
Nang matapos kaming kumain lahat ay back to business na.

"So hindi niyo rin alam na na kidnap lang ako? " Tanong ko.

"Oo. Taka pa nga kami kung bakit tulog na tulog ka nung abutan ka namin dito madam. "

Sabi ni Drew. A.K.A Drea

Nilalagyan niya ako ng blush on.

"Na abutan ka nalang namin dito na naka higa sa kama at naka suot na ng gown."

Dagdag pa nito.

"Edi sinong nagpa dala o nag utos sa inyo para ayusan ako?"

Nagka tinginan sila.

"We actually don't know. Basta ang sabi samin ng head namin, may aayusan kami. At malaki ang bayad. Need kasi ni Dee ng pera. Kaya ayon. Gora bells kaming mag f friendship"

Sabi ni Feya. Ang nag iisang babae sa kanila. At si Dee, siya yung nag aayos ng buhok ko.

"Hayst... Engaged na ako. At kahapon lang ang engagement ko. Hindi ko alam kung sino nag pa dakip sa akin. Hindi ang fiance ko ang gagawa nito. Sobrang labo dahil ang kasal, pinag hahandaan. Hindi biglaan"
Sambit ko.

Knowing na hindi nila alam kung sino ang nag utos sa kanila para ayusan ako, at  hindi pa kami nakakapag usap ni Charles tungkol sa kasal namin. Bigla akong kinabahan.

Ayokong ikasal sa taong di ko naman mahal.

Hinanap ko ang cell phone ko pero hindi ko ito ma hagilap.

But they do know the time kung anong oras mag sisimula ang kasal.

"Someone stole the soon to be bride?"

Sabi ni Feya.

"Hala"
Sabay na sabi ni Dee at Drew/ Drea.

"Hayst... May mga phones ba kayo? Pwede ko bang ma hiram?"

Nagka tinginan sila.

"Meron ako pero wala akong load"
Sabi ni Dee.

Ganun din ang sabi ni Feya.

"Ikaw Drea?"

"Walang signal dito maam Arra."
Sabi niya at ini suksok ang cell phone niya sa bulsa.

I'm hopeless.

Really hope less.

"Ano bang buhay to. Birthday na birthday ng tao oh"

Sambit ko at napa maywang.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa taas.

Tahimik akong nag dasal na sana..
Iligtas ako ni Charles... Na sana.. panaginip lang lahat ng ito...

I blinked three times.

Please lang...

Gusto ko nang umiyak nang biglang mag salita si Feya..

"It's about time. Sabi nung nag text sa akin may susundo raw na sasakyan sa iyo madam."

Pumikit ako.

"Maam Arra.. kailangan na nating pumunta sa baba."

Sambit ni Dee.

Nag dalawang isip pa ako kung sasama ba ako o hindi.. but in the end.. nag desisyon parin akong bumaba.

In that way, baka maka takas pa ako pag na hatid na ako sa simbahan.

Nanginginig ang tuhod ko habang binabaybay ang pasilyo papunta sa entrance at exit ng hotel.

"Ok ka lang ba maam Arra?"

Wala sa huwisyong napa tingin kay Drea.

"Ok lang ako..."
Pilit ko siyang binigyan ng ngiti.

Na tanaw namin ang isang kotse na sa tingin ko ay isang lamborghini na puti.

"Don't get tensed. Malay mo? Ma uwi sa isang big fairytale ang kasal na ito?"
Encourage ni Dee sa akin.

"We don't know.."
Sabi ko at bumuntong hininga. Inayos ni Feya ang likod na parte ng gown ko.

"Good luck maam Arra. Kaya mo yan."
Sabi naman ni Drea at ngumiti.

Pinag buksan ako ng pinto ng driver ng sasakyan at pumasok na ako.

What will happen....

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon