break in with feelings

17 1 2
                                    

Arra Menese' Point of View

"Ano bang ginagawa mo dito?"

Inis kong bulong sa kaniya.

Lumapit ako sa kanya at tinabihan ito sa kama. Aba ang loko. Feel na feel ang pagiging at home ah? Sarap kutusan.

"Wala naman. Gusto ko lang samahan ang a-- I mean.. ang girlfriend ko"
Bulong rin niya.

Napa iling iling nalang ako.

We are still working for my father's request on the company. Kaya siguro mga ilang araw pa kaming wala sa company to accommodate new clients.

Malaki raw ang ibinayad ni dad sa company para lang mapag trabaho kaming dalawa ni Charles sa kanya.

"Samahan? Hibang ka na uy! Kala mo naman kung lalayas ako ng bansa eh"

Hinaplos ko ang mga buhok na tumatabing sa mga mata niya.

"If ever you did that. Pipigilan na kita at hindi hahayaang maka alis. Hanggang airport lang ang pasada mo. Hindi na ma uulit ang nangyari noon pa"

Ngumiti nalang ako ng kimi...
Seryoso kasi siya eh..

Bumuntong hininga ako at patuloy ang pag haplos ng kanyang buhok.

"Charles... I'm sorry..."

"Why sorry?" Kunot noong sabi niya sa akin.

"Kasi sa tingin ko niloloko kita..."
Lumunok ako.

Na alala ko kasi ang sinabi ko kay kuya.

100% ang 50 percent ay di sigurado at ang isa pang 50 ay sigurado nang sagutin ko si Charles.

Totoo yon. May parte parin sa akin na sinisisi si Charles sa mga kamalasang nangyari sa akin. Na b bully at bash ako sa school. Na kid nap ako at dahil iyon sa mga taong nag mamahal sakin noon.

They... I mean we are still young. We are still immatures. Hindi namin alam ang mga nangyayari sa amin.

Hindi namin kuntrolado. Nag desisyon akong mag punta ng ibang bansa kahit na nag aalala pa sa akin ang mommy ko at ayaw niya akong mapa layo.. para lang maka limot ay pinilit ko.... I know for a fact that I changed a lot. From physical appearance to emotional.

"Why are you crying..."
Napa tigil ang pag babalik tanaw ko sa sarili ko nang may maramdaman akong humaplos sa pisngi ko.

"Kasi na g guilty ako... Bakit nga ba kita sinagot kung di naman ako sigurado sa nararamdaman ko..."

"Shhh"
Muli niyang pinunasan ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata.

"Nung tinanong kita para maging girlfriend.. sabi ko sa sarili ko. 'kung sagutin niya man ako ngayon. Alam kong hindi pa siya sure sa nararamdaman niya. O di kaya ay gusto niya lang mag higanti'  kaya itinatak ko dito" itinuro niya ang puso niya "at dito" at maging ang utak niya.
"Na kung isa man sa mga nasa isip ko ang rason mo para sagutin ako. Handa akong magpaka alipin sayo. Kasi sa apat na taon na pagka wala mo. Nag tiis ako. Pinag ipunan ko actually yung trip papunta sa U.S.. pero na isip ko, baka mas magalit ka pa sa akin. Baka mas layuan mo ako.. baka isipin mo ginugulo kita... Kaya nag dasal na lang ako... Na bumalik ka.. at eto na nga.. nandito ka na. Masaya na ako. Sayo.. sa atin.. kahit pa alam kong di ka pa buo... Pero sana Arra... Hayaan mo ako na ang bumuo sa iyo... Hayaan mo akong mahalin ka ng lubos lubos. Kasi ayoko nang ma wala ka pang muli sa buhay ko. Kung tatanungin yata kung anong pakiramdam ng pinag sakluban ng langit at lupa, paniguradong may isasagot ako"

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito.

"Tama na... Wag na nating balikan ang nakaraan Arra.. we should look for what we have now and the future"

Hinalikan niya ang aking noo.

"Alam mo ba.... Nung nasa U.S ako... Hindi ako makalimot?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng kimi.

"Maya maya akong nananaginip tungkol sa mga nangyari. Kinidnap ako at pinahirapan... Hanggang sa isang araw... Kinausap ako ng Tita ko. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat lahat. Ibinigay niya yung opinyon niya. 'forgive and forget' daw. Tinanong ko siya kung bakit. And she answered ' if past keeps on consuming you and your anger. It will lead to nothing.' nung una, na galit ako. Sabi ko 'hindi naman niya ako na iintindihan' pero na gising nalang ako bigla at na realize kong tama ang tita ko. I need to forgive in order to forget. At ngayon. Ma luwag na ka looban ko kasi natuto akong lumimot. Bumalik ako dito sa pinas dahil na realize ko na ang mga dapat kong ma realize. Nakalimutan ko na kung ano man ang dapat kong kalimutan. At nung sinabi mong gusto mo ako maging girlfriend? Na tuwa ako. Kasi parang nanunumbalik yung lahat. Para akong nag dadalaga ulit. um oo ako dahil pinaniwalaan ko ang kalahati ng nararamdaman ko na mahal parin kita."

Niyakap niya ako ng mahigpit.

Yayakapin ko na rin sana siya nang may ma alala akong isang tao.. si Jasmine..

"Charles.."

Bahagya niyang inilayo ang sarili niya sa akin.

"Si Jasmine--"

"Jasmine? Hayaan mo na siya. Its about a year and she's pissing me off. Habol siya ng habol wala naman kaming ka kune kuneksyon. Tinulungan ko lang naman siya kasi muntik ko na siyang ma sagasaan. Edi tinulungan ko. Tss hindi ko alam kung pano niya na laman na dun ako sa company ni Mr Contreras nag t trabaho."

Nginitian ko siya. Ang cute cute niya kasi pag na iinis. Na pansin niya naman yata niya ang pag ngiti ko kaya napa poker face naman ako.

"I just saw you smiled"

Napa iling iling nalang ako. Babaw rin ng kaligayan ng isang to.

"So dito ka matutulog sa kwarto ko?"

Pag iiba ko ng usapan.
Ang awkward kasi kanina pa kami nag uusap dalawa. Malalim na kaya ang gabi.

"Oo. Gusto mo yatang ma bugbog ako ng angkan mo" umiiling iling na sabi niya.

Medyo na tawa naman ako.

"I love you"  he murmured

"I love you too" 
I replied.

Nakita kong papalapit na ang mukha niya sa akin at unti unting pumipikit.
Napa pikit na rin ako. Ga hibla na ang layo ng bibig naming dalawa nang may maparinig kami sa labas ng pinto ko.

"Arra! May kasama ka ba jan?!"
Nagka tinginan nalang kami ni Charles at nag pigil ng tawa.

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon