Arra Menese's POV
"Please naman Charles, wag mo naman gawin to oh. "
Naiiyak kong sabi kay Charles.Hindi ko alam kung bakit ganun. Kung bakit siya nakikipag hiwalay sakin.
Tinapunan niya lang ako ng tingin. Isang malamig na tingin. Tingin na parang hindi niya ako kilala.
"Tama na Arra, di mo ba nakikita yang sarili mo? Hah? Mukha kang tanga!"
"Tanga na kung tanga pero please!" Pilit kong pag mamaka awa sa kanya
"Tangna! Charles! Pinagpapalit mo na ba si Arra kay Maria!? Huh! Ano ba Charles! Ikaw ang tanga hindi si Arra!"
Pag dedepensa sakin ni Hannah.Humarap sa kanya si Charles.
"HINDI. KO. NA. GUSTO. SI. ARRA. kaya tama na" sabi ni Charles na may matapang na tingin.
Tagos yun sa puso ko.
Masakit. Feeling ko parang nabasag yung puso ko. Ang hirap huminga.
Paulit ulit kong nadidinig ang salitang Hindi ko na gusto si Arra. Kaya tama na..."Charles, after all those months?" Tanong ko dito. Pilit ko ding nilalabanan ang iyak ko.
"Arra, I'm sorry. Ginag* lang kita. Ang bilis mo kasing nahulog. Ngayon, sawa na ako. Ayoko na"
Sabi ni Charles.Boom! Ang sakit. Tagos na tagos.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Hindi ko mapigilang hindi umiyak.
BINABASA MO ANG
Mend Someone's Broken Heart (Completed!)
Fiksi PenggemarArra Menese's story Starring: Song hye kyo as Arra Menese And Song Joongki as Charles And many more ☺☺ Genre: fan fiction. Romance. Number 1 in category song song couple ♡ Number 18 in category "completed"