Chapter 7
Arra Menese's POVLunch break!
Ang pinaka hihintay ko!
Ngayong lunch ko kasi naisipang gumawa ng hakbang para sa dalawang manloloko...
Couple na couple silang tingnan . este kupal na kupal sila.Tutal pareha naman silang kupal eh?. Manlolokong kupal.
Nag punta ako sa function hall.
Palagi akong tumatambay duon. Nagbabasa ng libro, nagpapalipas ng oras..Tahimik kasi dito.
Hindi katulad sa school grounds na masyadong maingay.
Hindi ko kasama ngayon si Hannah kasi kailangan niyang i-rush yung report niya after lunch.
Naiintindihan ko naman yon. Grades ang naka salalay eh?
Mag bu buklat pa lang sana ako ng libro nang mapansin kong may naka tingin sakin. Mainit kasi ang palagid. Sabi nila kapag daw naiinitan ka ng walang dahilan, may naka tingin sayo.
Lumingon lingon ako sa paligid. Pero wala akong nakita ni isa...
Napapikit nalang ako ng mata.
May narinig akong papalapit na yabag pero hindi ko iyon pinansin.
Hanggang sa huminto ito. Napamulat naman ako ng mata.
Nang makita ko kung sino ang taong lumapit sakin ay naging matapang ang tingin ko.
Tumayo ako galing sa pagkaka upo ko. Pinagpagan ko ang sarili ko at tsaka nag salita."What do you want this time Maria?" Hayag ko sa kanya.
Kita ko naman na na asar siya. Pero I don't give a damn.
"Ano bang gusto mong patunayan Arra?!" Sabat niya.
Napa ngisi naman ako.
Ano daw? Anong gusto kong patunayan?
"Haha, wow? Anong gusto kong patunayan? Eto sagot ko. Hindi ko kelangan na patunayan ang sarili ko sayo. Pero kung mapilit ka? Gusto ko lang naman ng kaunting pag babago."
Sinuot ko na ang jacket ko.
" kung nababagot ka na dahil hindi pa ako gumagalaw, wag kang mag alala? Gagawin ko na kasi yung plano ko eh?"
Pahabol kong sabi bago umalis.Nadinig ko pa siyang tumitili at nag pa pa padyak sa inis.
Mukha siyang tanga..Wala akong nagawa kundi ang mapa tawa nalang.
I really changed a lot from that day. Still this is not enough.
Nag punta ako sa ladies cr.
Nag ayos ako ng sarili ko. Naglagay ako ng eyeliner. Dahil medyo kumalat na ito.
Nag lagay naman ako ng polbo dahil ayokong mag oily ang mukha ko.
Sa suot ko ba namang ito? Naiinitan padin ako?
BINABASA MO ANG
Mend Someone's Broken Heart (Completed!)
FanficArra Menese's story Starring: Song hye kyo as Arra Menese And Song Joongki as Charles And many more ☺☺ Genre: fan fiction. Romance. Number 1 in category song song couple ♡ Number 18 in category "completed"